*Friend Zone*

182 6 2
                                    

Chapter 3

[Anie's POV]

Nakakapagod ang first day kahapon. Grabi! Lahat ng mga subjects kailangang mag-introduce ng sarili. Tsk.

Ngayon nandito kami ng mga friends ko sa library para hintayin ang bestfriend kong si Lee. Hay kung hindi lang namin sya mahal iniwan na namin sya. tsk.

"Sister nagmumuni-muni ka na naman jan." tinaasan ko lang ng kilay si Sharmaine. "Taray ha. Meron ka?" dugtong pa nito na halatang pinipigil ang pagtawa.

"Cheee!" inirapan ko sya at nagsimula ng magbasa ng book na hiniram ko sa librarian.

Ilang minuto lang ay dumating na sa wakas si Lee. Buti naman naisip at narealize nya na kanina pang may naghihintay sa kanya.

"Sorry mga sisters!" niyakap nya agad kami. "Sorry talaga, si Micheal kasi hindi pumayag na aalis ako nang hindi nakain ng lunch." si Micheal ang boyfriend ni Lee. "Sorry talaga ha." paulit ulit lang? Di kami bingi bes. tsk!

"Sister okay lang sa amin." Sabay sabay sila na nagsalita except sa akin. "Pero sa kanya hindi ayos." tinuro nila ako pero patuloy lang ako sa pagbabasa ng book.

"Bes?" kinalabit ako ni Lee. "Bes?" pag-uulit nya. "Bes Jierel!" dahil bestfriend ko sya alam nya na kapag tinawag nya ako ng 'Bes' at kasama pa ang second name kong 'Jierel' lalambot na ang puso ko sa kanya pero dapat galit ako, ang tagal nya kaya ako/kaming pinag-intay para masunod nya lang ang boyfriend nya.

"Tara na girls." Pagyayaya ko sa mga kaibigan ko. "Tititigan nyo lang ba ako ng ganyan?" medyo bossy ata ako ah. Naiinis kasi ako.

"Saglit lang." pagpigil sa akin ni Maricar agad lumapit at may ibinulong si Lee sa kanila pagkatapos ay umalis na kami.

Habang nasa daan kami papuntang canteen napansin ko na may malalaki at makikinang na ngiti ang mga luka (friends ko). Nang makarating kami sa loob ng canteen nagpaalam silang lahat na bibili daw sila ng pagkain. Pagkaalis nila alone na naman ako. Haay ano ba yan nakakabadtrip. Nakakawalang ganang kumain. Aish! Umob-ob na lang ako para intayin sila. Medyo matagal sila ha. Psh. Palingon-lingon ako sa canteen, mukhang iniwan pa yata ako ng mga lukang mga iyon. Tsk. Umob-ob na lang ulit ako. Ilang minuto pa ang nagdaan lumingon-lingon ulit ako pero wala pa din sila at nang uub-ob na dapat ako biglang may nagtakip ng mata ko sa pagkagulat ay napamura na lang ako.

"Ay shiiits!" wala akong makita kasi nga may nagtakip ng mata ko. Pucha naman daw!

"Sssh!" nakarinig ako ng familiar voice.

"Please let me go! Who are you?" naiirata na ako.

"Ang arte ha pa-english english ka pang nalalaman." bigla kong nakita si Lee. Sya pala ang nagtakip ng mata ko at sa likod nito ay mga sisters namin. "Oh." May inabot sa akin si Lee na paper bag siguro mga tatlo yun.

"Ano 'to?" tanong ko kay Lee.

"Open it." she says. Binuksan ko ang laman ng mga paper bags at nakita ko sa loob ang..... ang.....

"Omyg!!!!." I paused at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. "My favorite Cookies!!! Waaaaaaaah!" sigaw ko sa kinatatayuan ko. Napatingin naman yung ibang mga students. "I missed you so much Cookies!" I whispered.

"I know na kapag galit ka sa akin yan lang ang itapat sayo ayos na tayo." Lee is smiling

"Ah. So ganon pala. Dahil alam mong favorite ko at nakakapagpasaya sa akin ibibigay mo para lang magkabati tayo?" mataray na pagtatanong ko sa kanya. 

"No. Don't get me wrong. Alam mo bang tinakbo ko mula school hanggang sa mini market papuntang school ulit para mabigay yan sayo. Kasi alam mo bes." she paused. "Bes. Your my bestfriend at ayokong magagalit sa akin ang aking pinakamagandang bestfriend because i love bes!" sabay beso sa akin.

"Hay nako. Whatever!" medyo nagsmile na ako. Nakakatouchy kasi yung sinabi nya.

"Hahaha. Bestfriends forever." nakataas pa ang kanang kamay ni Lee.

"Forever!" tinaas ko din ang kanang kamay ko at nag-apir kami.

"Yan. Masaya na ang lahat." Sabi ni Coleen. At nagtawanan kaming lahat.

Pagkatapos noon ay nagkabati na kami. Magkasama na ulit kami kung saan man magpunta ang grupo.

Haay ang sarap talaga sa feeling nang may bestfriend ka na mahal na mahal ka na ang turing sayo ay kapatid.

-----Friends. Friends Zone. :D------

Unexpected YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon