Nagising ako sa isang bangungot. Bangungot na kahit kelan ay hindi ko matatakasan. Sana, maaari ko pang maibalik ang kahapon. Sana nandito ka para tulungan akong makaalpas sa bangungot na ito.
Narinig ko ang bukas ng pinto. Pumasok ang isang lalakeng kakatapos lang maligo. Napansin niya na kanina ko pa siya tinititigan habang siyang nagbibihis. "Oh? Anong kailangan mo?" suplado niyang tanong. Umiling nalang ako at inayos ang robe ko. " Maligo ka na."utos niya. Tumayo naman ako at tinungo ang pinto para ako'y makaligo. "Aalis pala ako ngayon,kaya ikaw nalang matitira dito. 'wag kang magtatangkang maglayas dahil mahahanap at mahahanap padin kita. Naiintindihan mo ba?" pagbabanta niya. " O-oo Carlos." Natatakot kong sagot. "Tsaka,wala naman akong balak tumakas sayo eh." Dagdag ko. "Sige aalis na ako." Lumapit siya sakin at hinalikan ako sa noo. Naamoy ko pa ang amoy ng kanyang pabango at hanggang ngayon ay naamoy ko parin kahit lumabas na siya.
Pumasok na ako sa CR para makaligo. Ramdam ng katawan ko ang bawat pagpatak ng malalamig na butil ng tubig galling sa shower. Kung pagligo ang solusyon para mawala ang lahat ng dumi sa katawan . Sana may solusyon rin para mawala ang mga alaalang bumabagabag sa akin hanggang ngayon.
Naalala ko ang una naming pagkikita. Ang sabi niya na "love-at-first-sight" daw siya sakin. Tawa ako ng tawa sa sinabi niya. Inakala ko pang maysakit siya sa pag-iisip. "Tawagin mo man akong tanga pero totoo ang sinasabi ko. Gusto kitang ligawan Amber!" desididong sabi niya sakin. "Loko-loko ka talaga. Bahala ka jan sa buhay mo." Sagot ko habang pinipilit na hindi matawa sa mga pinagsasasabi niya. "Talaga?! Pumapayag ka?" tanong niya na may halong excitement. "Ewan." Sagot ko. Iniwan ko siya dun na nakatayo at panay ang sigaw ng pangalan ko. Medyo nakakahiya na ang ginagawa niya,pero bale wala lang sa kanya.
Sinuot ko na uli ang robe ko at pinatuyo ng aking buhok.
Natatandaan ko naman noong palagi niyang pinupuri ang buhok ko. Ayaw na ayaw niyang tinatali ko ito.Mas maganda daw kase kapang naka lugay lang. "Pwede ba Joey! Ang kulit-kulit mo talaga! Bakla ka ba?"tanong ko. "Sagutin mo kase ako para din a kita kulitin."sabi niya. Hindi ko alam kung anong nangyari sakin,basta narinig ko nalang na umoo ako sa kanya. Nagtatalon siya sa sobrang tuwa. Nung una naisip ko na isang itong maling desisyon,pero hindi. Napaka bait at napaka sweet na boyfriend ni Joey.
Araw araw ay pumupunta siya sa bahay. Hindi ko naman siya sinasabihan na pumunta. Basta basta nalang siyang dumarating. Siya na din mismo ang nagpakilala sa sarili niya na siya ang boyfriend ko kay Daddy. Si Daddy lang at si ate Anne ang kasama ko sa bahay,dahil nasa ibang bansa si Mommy.Nagustuhan siya ni Daddy at ate dahil nadin sa magandang pag uugali nito. "Iho,gusto ko na ikaw na ang papakasalan ng anak ko. Botong boto ako sayo." Labis ko naman itong ikanamula. "Kung yan po ang gusto niyo. Gagawin ko po ang lahat para mapasaya lang si Amber." Tumingin siya sakin na may ngiti at dedikasyon sa mga mata.
Isang araw ipinagpaalam ako ni Joey kay Daddy na mamamasyal. Pumayag naman ito. Dinila niya ako sa isang park. Siya ang naghahanda ng lahat. Ang pagkain namin at mga kung ano ano pa. Habang abala siyang nag aayos ng mga pagkain,ay napatitig ako sa kanya. Hindi ako nagkamali ng desisyon sa pagpili sayo Joey. Mahal na mahal kita. At hindi ko hahayaang may ano pang sasagabal sa pagmamahalan natin.
" May dumi ba ako sa mukha?" Bigla akong naalimpungatan sa sinabi niya. Umilang lang ako. Tumayo ako bigla at hinila ang kanang kamay niya. "Amber,saan tayo pupunta?"Nagtaka siya siguro. "Boring naman kase jan e. Tara maglibot libot muna tayo."sabi ko. Tiningnan ko siya. Namumula ang pisngi niya. "Bakit?"tanong ko. "Ang paalam ko kase sa Daddy mo ay kakain lang tayo sa park."
"Oh anong problema?"
"Baka magalit siya. Ayokong mawala ang tiwala niya sakin. Kase.."
BINABASA MO ANG
Let Go- One Shot
RomanceLet Go? Yan ang pinaka masakit na sitwasyong pwede mong gawin. Kadalasan hindi mo ito ginusto,pero ito ang kailangan. Masakit man,pero kailangan mo na siyang i let go kase mas magdudulot lang ito ng matinding sakit na nararamdaman. "Ayoko! Ipaglal...