Chapter 6

211 2 0
                                    

A/N:

 

Dedicate to @EphemeralHappiness enjoy reading dear :)

Vote & comment

Enjoy!!

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 6

Tatlong linggo ang lumipas bago nakatanggap ng sulat si Kath mula kay DJ. Halos mawalan na nga siya ng pag-asa na susulat pa ito sa kanya. Hindi naman niya alam kung anu ang address nito sa Cebu kaya hindi siya makasulat dito. Ang lungkot- lungkot tuloy ng buong summer vacation niya. Ang tanging consolation lang nya ay nabawasan ang kanyang timbang dahil nawalan siya ng ganang kumain. Wala na kasi siyang kasama mag-food trip at mangulit sa kitchen. Pero ano ang saysay ng pagpayat nya kung hindi niya iyo mapagyabang kay DJ.

 Isang araw ay halos magtatalon si kath sa tuwa nang sabihin sa kanya ni Lilet na may dumating na sulat para sa kanya. Makapal ang sulat na natanggap niya galing sa Cebu. Natawa na lamang si Kath dahil parang diary ang pinadalang sulat sa kanya ni DJ. Araw- araw itong nagkukuwento ng mga nangyayari sa buhay nito sa Cebu. At kaya natagalan umano ito sa pagpadala ng sulat sa kanya ay dahil hinanap pa nito ang post office sa lugar nila medyo malayo ang post office sa bahay ng pamilya ni Daniel.

Muling nabuhayan ng dugo si Kathryn dahil sa pagsulat ni Daniel. Kaagad siya nagpadala ng sulat kinabukasan. At ganoon na nga ang naging routine ni Kathryn. Tuwing gabi ay kinukuwento niya kay Daniel ang mga nangyayari sa kanya. Sa sulat na lamang niya binubuhos ang mga nararamdaman. Kwento siya ng kwento na para bang kaharap niya si DJ. Nang magpasukan na ay okay na ang pakiramdam niya dahil she had something to look forward to everyday. Akala niya ay mamatay siya sa lungkot dahil wala na siyang kaibigan, pero nagkaroon naman siya ng bagong hobby Letter Writing. Lagi siyang nasa library kapag vacant period ng class niya. Bukod sa nakakapagsulat siya ay nakakapag-aral din siya .

 Maraming changes ang nangyari sa buhay ni Kath nang school year na iyon. Maraming nakapansin na pumayat siya. Natural nawala ang kanyang mga baby fats at nagkaroon siya ng curves in all the right places. At dahil wala na si DJ sa tabi niya, marami na rin mga lalaki ang nagkakagusto sa kanya including Albie na nakabangaan niya minsan nung palabas siya ng library. Nalaglag ang kanyang mga bitbit na books dahil sa pagmamadali niya ng araw na iyon, gusto nya kasing sumaglit sa post office habang vacant period pa nila, tinulungan siya ni Albie at nakipagkilala ito. Siyempre lahat ng iyon ay kinuwento nya kay DJ sa sulat, pero dedma ito dahil iba ang kinukwento nito sa kanya. Obviously ay nakapag-adjust na ito sa bagong school na nilipatan. Unti-unti na rin umano ito natututong magsalita ng cebuano. Noong una ay nakakatawag pa ito once a month sa kanila. Mahal kasi ang long distance call. Laging kulang ang limang minuto sa kanila kaya inaabot sila ng one hour. Nang tumagal ay sa sulat na lang ito nagkukuwento.

Laging Naroon Ka [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon