Makulimlim ang panahon at ang lakas ng hangin. Habang papalapit ako sa overpass, unti-unting pumapatak ang ulan at nababasa na ang bag at envelope kong dala-dala.
"Ang tanga-tanga mo talaga Diane , lagi mo na lang nakakalimutan ang payong mo" bulong ko sa sarili habang lakad takbo na ako para lang makarating agad sa ibaba ng overpass. Ilang hakbang na lang, bigla namang lumakas ang ulan .
"Aist! Kung kelan namang papaakyat na ko, saka naman lumakas itong ulan na to, nakakainis !" sabay patong ng envelope sa ulo ko.
"Sukob ka na Miss" Napalingon ako sa kanan ko at nakita ang isang gwapong nilalang sa tabi ko . "Miss" tawag nya ulit
"Ha?! Ako ba kinakausap mo ?" sabay turo ko sa sarili ko. Kinurap kurap ko pa ang mga mata ko para siguraduhing may kuyang pogi sa tabi ko at hndi ako namamalikmata
Ngumiti sya "Oo, sabi ko sukob ka na lang dito sa payong ko, basang basa ka na e. Kasya naman tyo dito" sabay tapat nya sakin ng kalahati ng payong nya
"Aa cge po" mahina kong sabi para hindi nya mahalatang kinikilig ako . Ikaw ba naman ang aluking sumukob ng isang gwapong nilalang
sa payong nya , parang gusto ko nang pahabain ng mga 3 kilometers tong overpass na to HAHAHA XD
"Miss, dikit ka ng konti dito, masydo kang malayo, nababasa ka lalo" sabay hila nya sa balikat ko ng mahina. Halos nakaakbay na sya sakin at tanging ang bag ko lang ang harang sa pagitan namin
Hindi ko na nga napapansin ang lakas ng ulan dahil masyado ng lutang ang isip ko kay kuyang pogi na halos nakayakap na sakin. At infairness, ambango bango nya, amoy Baby Bench . Ghaad , ang sarap sarap nya amuyin
"HAHAHA" mahina nyang tawa "Bakit?" nakataas kong kilay na tanong "Wala lang, napapansin ko kasi kanina mo pa ako inaamoy" nakangiti nyang sabi
Shucks! ang ganda ng mga ngipin nya, pwede na syang model ng toothbrush "Oy hindi aa!" malakas kong sabi sabay iwas ng tingin sa kanya . Anak ng tokwang may ketchup, nakakahiya , nahuli nya kong inaamoy sya -.-
Tumawa ulit sya. Ansarap pakinggan ng tawa nya , lalaking lalaki, lalo tuloy akong kinikilig. Wala na kaming imikan habang naglalakad pero ramdam ko na hinila nya ulit ulit ako ng mahina kaya lalo ako napalapit sa kanya. Malapit na kami sa ibaba ng tinanggal nya ang kamay nya sa balikat ko. Bitin, parang gsto ko tuloy ipa extend , kahit 5 min. hehehe xD
"Ano kuya, dito na lang po ako, tatakbuhin ko na lang ung waiting shed malapit na lang naman" sabi ko. Syempre nakakahiya na kung ihahatid pa nya ko, bka maiuwi ko na sya XD
"Hindi, okay lang. Malapit lang naman ung pupuntahan ko" sabay pakita na naman ng mga mapuputi nyang ngipin. Parang gusto ko na lalo tuloy syang iuwi HAHA XD
Tumango na lang ako habang tuloy tuloy lang kami sa paglalakad hanggang makarating sa waiting shed. Sakto namang may papaalis ng jip
"Dito na lang po ako, thank you sa pagpayong at paghatid" nakangiti kong sabi "Okay lang" at for the third time pinakita na naman nya ang kanyang killer smile
"Sige, bye" tapos sumakay na ko, nakita ko pa syang kumaway sakin habang umaandar ang sinasakyan ko
Feeling ko tuloy, napakaswerte ng araw na to. Ikaw ba naman ang pinayungan na, hinatid pa ni kuyang pogi. May bonus pang akboy at amoy sa kanya WAHAHAHA XD
"Miss bayad mo daw" sabi sakin ni aleng katabi ko "Ay oo nga pala , pasensya na po hehe" sabay dukot ko sa bulsa ko para kunin ang wallet ko. Grabe, sa sobrang kaiisip ko kay kuyang pogi nakalimutan ko na tuloy magbayad
"Teka teka, nasan na un?" kanina ko pa kinakapa ung bulsa ko pero wala yung wallet ko. Halos itapon ko na rin ang lhat ng laman ng bag ko pero wala din dun "Alam ko nandito lang yun kanina e, bkit bglang nawala?!, pati ung phone ko nwawala din!" Para na kong tangang kinkausap ang sarili ko dito . Halos lahat na nang pasahero nakatingin sakin, napapagkamalan na yata akong baliw
Bigla kong naisip si kuyang pogi, hindi kaya "WAAAH?!" "ano miss magbabayad ka ba?!" sigaw skin ng driver
"Opo opo, saglit lang po" natataranta kong sabi sabay dukot sa kabila kong bulsa, buti nalang may mga barya pa kong natira
Nanlulumo akong sumandal . "Grabe Diane, kahit kailan shunga ka talaga" nakasimangot kong bulong sa sarili sabay buntong hininga
Malakas pa rin ang ulan, kitang kita ang malalaki nitong patak sa bintana ng jip na sinasakyan ko.Kung hindi ko siguro naiwan ang payong ko, hindi ko makikilala si kuyang pogi, hindi ako makikisukob sa payong nya, hindi ko maamoy ang Baby Bench nyang pabango, hindi ako kikiligin ng sobra dahil sa kanya at hindi ako mananakawan. Kaya lang wala e, nakuha na nga nya ang wallet ang phone ko, dinamay pa pati ang puso ko
Kaya simula ngyon, di ko na kalilimutan ang payong ko
♂♂♂♂
Ayayayay . Pasensya na kung ang korni korni ng istorya na to HAHAHA XD first story ko kasi kaya alam kong maraming fail :))))) actually based on real life to except lang dun sa nakaw portion XD Trip ko lang idagdag un para maiba naman ^^
Thank you for reading ! Sana nag enjoy kyo kahit konti lang XDD
P.S I'll accept negative comments & critisizm para malaman ko ung mga flaws ko at maimprove pa ko ahihi :**
- Hikari Kei