aika's pov
hay,sa wakas magtatapos na din ako ng grade six.papasok na ko ngayon ng school..xempre bago lahat ng gamit ko..hehe..
aaminin ko,tamang kaibigan ko mga kaklase ko,pero ni isa,wala kong matalik na kaibigan..i mean,wala kong bestfriend..may pagkaastig kasi ko..i mean boyish pero hindi pa ganun kahalata..
nasa school na ko,madali na lang para sa kin makita yung room ko.
nasa room na ko,may nakita kong dumating na kotse.ang gara..hehehe..tapos may bumaba na mag-asawa at isang bata..kasing edad ko kung di ako nagkakamali.
mukhang transfer kasi hindi ko kilala yung mukha niya.parang hindi siya masaya?dahil kaya lumipat siya?
pumunta sila sa may principal's office.ano kaya gagawin nila dun?..magstart na klase ah?
haaayyy aika,pakatsismosa mo talaga!!..
nagsimula na ang klase ng may babae na kasing edad ko ang nasa pinto,hindi agad siya pumasok.maputi siya,singkit kagaya ko,simple lang ang tali sa buhok na nakatirintas at infairness,nakauniform na din siya kagaya ng sa min.
"hi iha,ikaw siguro yung transfer noh?.." tinanong siya ni ma'am,pero tango lang ang sinagot niya at parang mahiyain.kinausap muna siya ni ma'am saglit pamaya ay kasabay niya pumasok yung transferee.
"okay class,this is anika,magiging classmate niyo na siya.be good class ah?"sabi ni ma'am.
pinaupo na niya si anika sa upuan na bakante.
the whole class,patingin tingin ako sa kanya,tahimik lang sya.parang.nahihiya.syempre,ikaw ba naman.ang pumasok sa school ng walang kakila.
nung lunch break namin,nilakasan ko loob ko.nakita ko kasi siya na nag-iisa.nilapitan ko dala ko ang lunch na inorder ko.
"hi,i'm aika,pwede tumabi sayo?". nakangiti kong approach sa kanya.
"ha?oh sige.ikaw bahala".mahinhing sagot lang niya na halatang nagulat sa sinabi ko.nag-aalangan pa kung ngingit siya sa kin.
"by the way,classmate mo ko,diba anika name mo?nakita ko kasi na mag-isa ka." kinapalan ko na talaga mukha ko.nakita ko na buo na ang ngiti niya sa kin.halatang nagliwanan yung mukha niya.
dun nagsimula na maging close kami.

BINABASA MO ANG
marshmallow girls (tagalog)
Romancesi aika at yumi..magkababata silang dalawa..bestfriend ang turingan nila..pero hindi alam ni yumi na maiinlove sa kanya si aika.. just read..hehe