Colors of Love (On going Short Story) J
Hello, Lhianna here - Yann for short. This isn't my first time to write stories, Kasi nung high school ako libangan ko ang sumulat ng mga Romantic love stories or Realistic stories, I also composed songs. I'm 17 years old already, I.T student pero mag-shishift na ng BSEd nextyear - I imagine myself teaching and it looks awesome for me :D
FOR MORE INFO and CHIKAHAN here's the site to contact me J :
Facebook Acc: https://www.facebook.com/lhianaDG
BY THE WAY ! Lets procede na sa Story na ginawa ko - Tungkol to sa iba't-ibang kulay ng pag-ibig, malalim ata para sa inyo pababawin natin - tungkol po ito sa iba't-ibang karanasan ng isang babae pagdating sa pagmamahal: SAYA, KILIG, LUNGKOT, PAGSISISI, at lahat ng EMOSYON na naramdaman nya simula ng magmahal sya.
Game na?..
-----
COLORS OF LOVE (PART1)
Subtitle: Falling in love for the first time J
Hi Readers !! Ako nga pala si Anica ang bida ng storyang binabasa nyo, 16 years old, Graduating na sa highschool, May saktong height, di maitim at di din kaputian, di payat pero di din mataba inshort sakto lang at sabi nila cute daw ako, Masayahin at simple lang sa lahat ng bagay. Pa'easy-easy kumbaga. - :D
Actually papasok na ko ng school, Monday na naman kasi. Flag ceremony pa, napakainit pa man din. Aburidong lunes para sakin nakalimutan ko kasing gawin yung assignment namin sa English first subject pa naman yon napuyat ako sa Facebook at Twitter pina-follow ko kasi yung favorite kong Kpop artist - KALOKA!. Hahaha XD
Pagdating ko sa school, Same old scene ang nadatnan ko (yung mga kaklase ko nagkakagulo) :
Eddel: Oy Pare may assignment ka na?
Dave: Wala,hindi ako nakagawa naaya ako sa shop e, nagdota ko maghapon, Pare panalo ko 200pesos.
Marj (One of my closest friends): Ano nga ba sa english yung "Nakakapagtaka"?
Umepal ako ..
Ako: Its unbelievable ?? Hahaha baka pwede na yon (Sabay tawanan namin)
Maya-maya pa nag-ring na yung Bell, It means pilahan na sa covered court para sa flag ceremony.
Habang nasa pila, Nagkkwentuhan yung mga kaibigan kong babae sa likod ko:
Marj: Hoy mga Bhe ("Bhe" - tawagan naming mga girls sa room) Nakita nyo na ba yung bagong transfer na fourth year? Nako kay pogi. Wagas!
Bea: Gaga jowa ko yon. (Pabirong sabi habang tumatawa)
Jhen: Utot mo, Ex ko lang yon. (Pang-sapaw kay Bea)
Marj: Mga luka-luka, Pero promise Gwapo talaga I swear.
Bea: Nasaan ba kasi? (Naghahanap ng bagong mukha na gwapo sa pilahan)
Marj: Kanina ko pa nga hinahanap e. Basta matangkad yon, Maputi, May Dimples, Astig pumorma parang Kpop pero neat ang looks.
BINABASA MO ANG
Colors Of Love (On going story)
Short StoryWag kang matakot magmahal. Yung masaktan e natural lang. Pero yung pigilan mo yung sarili mong magmahal e abnormality sa tingin ko. May karapatan kang magpasaya at lalong may karapatan kang maging masaya. Di lahat ng tao ay sasaktan at paiiyakin ka...