'Yejin kaya mo yan!' Sabi ko sa sarili ko bago ko tinawagan si Key, bestfriend ko. Pinapunta ko siya dito sa park. Imagine ha? Bestfriend ko yung diva ng SHINee! Hindi kapanipaniwala noh? Pero totoo, bestfriend ko ugok na yun.
Matagal ko ng bestfriend yun. Simula nung pinanganak yan eh, diva na. Mula pa yata sa tiyan ni Auntie. haha! Joke lang. Naku! Kahit na sabihin nilang babakla bakla yan, lalaking lalaki yan! Dami ngang type na babae eh. haha!
Mahigit 15 na taon na kami magkaibigan nun. 5 years old pa nga lang yata ako nun eh, bestfriend ko na yan. Mahilig kasi akong binubully nun. Eh ayun, one time na binully ako, nakita ni Key. Dun na nagsimula friendship namin. Hanggang ngayon, siya parin superhero ko.
Strikto din si Key sakin. Madami nga nanliligaw sakin nung highschool kaso ayaw niya. Inaaway-away niya pa yung mga lalaki nun eh. Diva nga! haha. Sabi niya bata pa daw ako sa mga ganoon. Overprotective siya sakin! Para nga siyang si appa eh. Mas grabe nga lang. Kaya din siguro nahulog ako sakanya.
Oo mahal ko bestfriend ko. Hindi as bestfriend, pero higit pa doon. Kaya nga pinapunta ko yung ugok na yun dito. Magcoconfess nako sakanya. Mamya it's too late na. It's now or never! Baka magkaroon kasi ng girlfriend ang gago.
Hindi ko alam kung bakit bestfriend ko pa ang pinili ng puso ko. Marami pa namang iba diyan di ba? Pero bakit siya pa?
"Yaah! Kwon Yejin!" Aray! May pumalo sa batok ko. Ang sakit lang ha!
"Aray ko naman Key! Bakit ba?!"
"Anong bakit ba?! Kanina pa ako nagsasalita dito! Hindi mo nga yata namalayan na nandito nako! Pinapupunta mo ako dito tapos sasabihin mong bakit ba?! Anak ng kalabasa naman! Eh di sana--" Tignan niyo, diva mode nanaman tong hayop nato eh.
"Oo na! Sige na! Tigilan mo yang armalite mong boses! Nakakabinga ka! May sasabihin ako sayo.. Kaya kung pupwede eh, tumahimik at makinig ka nalang sakin.." Sabi ko sakanya. Teka, nakita ko mukha niya ngayon ah. Iba. Parang napaka saya niya ngayon.
"Mamaya ka na! Ako muna! May goodnews ako! Jebal!~" Tignan mo, kaya pala ganoon na mukha niya.
"Eh.. Kailangan ko na din talagang sabihin sayo to eh.." Nauutal-utal ko na sabi sakanya.
"Mamaya ka na! Ako muna! Diba naaalala mo yung sinasabi kong Nicole sayo? Yung trainee na kwinekwento ko."
Nicole? Yung Nicole Jung na maganda na sinasabi niya? Yung type nya? Nagnod nalang ako bilang sagot sa tanong niya.
"--kami na Yejin! Kanina lang!" Sabi niya sabay yakap sakin ng napaka higpit.
Pakiramdam ko tumigil lahat ng nasa paligid ko nung sinabi niya yun. Pati yata tibok ng puso ko tumigil. Ni hindi ko alam gagawin ko. Ang tanga mo talaga Yejin! Mag coconfess ka na nga lang, ngayon pa yung pinili mong araw!
Naramdaman kong tinulak niya ako. "Huy! Sabi ko kami na! Hindi ka ba masaya para saakin?" Tanga! Alangan namang maging masaya pa ako!? Kayo na eh! Tatawa pa ba ako?!
"Ha? Ahh! eh... congrats naman kung ganoon.." Sabi ko sakanya. Pigilan mo ang luha mo Yejin! Pigilan mo sarili mo!
"Parang hindi ka naman masaya eh.. Hmm! Oh! Sige na nga! Ikaw na! Diba may sasabihin ka sakin?" Tanong niya sakin.
"Ha? Ahh! Naku wala yun.." Sabi ko habang tumatawa ng mahina.
"Kilala na kita Kwon Yejin! Huwag ka nagtatago ng sikreto sakin ha! Ano ba kasi yun?" Pilit niya parin. Hindi nako magtataka kung biglang madudulas dila ko sakanya.
"Diba sabi ko na sayo?! Congratulations! Anong gusto mong sabihin ko sayo?! 'Magcelebrate tayo'?!" Ay tanga! Mali! Bakit ko siya tinaasan ng boses?! Lagot! First time ko yun ha!
"Huwag mo kong tinataasan ng boses Yejin ha! Ano kasi yun?!" Tinaasan narin ako ng boses.
Kahit anong pigil ko sa sarili ko. Hindi ko mapigilan luha ko. Bumuhos na luha ko na mas masahol pa sa Maria Christina Falls.
"Bakit ang sakit nito?" Hinawakan ko yung puso ko. "Bakit Key?! Bakit kasi ang tanga tanga ko?!" Tumayo ako at pinunasan ko luha ko. Tumalikod ako sakanya.
"Teka ano bang sinasabi mo Yejin?" Hinarap niya ako sakanya at nakita ko na iba na yung mukha niya. Bigla niya akong niyakap ng napaka higpit. "Kung ano man yan Yejin. Sabihin mo sakin. Kaya nga nandito ako diba? Papakinggan kita.. Baka matulungan pa kita."
Ayoko na! Tama na! Lalo akong nahuhulog saknya kpag nararamdaman kong nasa kamay niya ako. Tama na. "Tama na Key. Ayoko na. Sobrang sakit na para sakin." Tinulak ko siya. "Napakamanhid mo talaga noh? Hindi mo ba nakikitang mahal kita ha? Hindi mo nga naman tlga mararamdaman yun dhil palagi nalang siya key. Palagi nalang siya. Sa tuwing binabanggit mo pangalan niya Key, I silently pray na sana ako nalang siya. Hindi mo yun alam diba Key? Dahil napaka manhid mo." Sabi ko saknya ng mahinahon.
"Y-Yejin.. Mianhae.. Hindi ko alam na--"
"Alam kong hindi mo yan alam Key. Napaka manhid mo talaga!" Yayakapin na niya sana ako pero tinulak ko siya.
"Tama na Key.. Nahihirapan narin ako.. Masakit na.. Sana maging masaya nalng kau.. Lalayo na ako sayo simula ngayon." Pagkatapos kong sinabi saknya yun, tumakbo nako. Wala nakong pake sa paligid ko. Hindi ko nga namamalayan na bumubuhos na pla ang ulan. Hindi ko rin namalayan na na nasa bahay na pala ako. Pumunta ako sa kwarto at doon ko nilabas lahat -lahat. Sumigaw ako ng sumigaw. Hindi ko na talaga kaya. I just cried myself to sleep.
Pagkagising ko sa umaga, mugtong-mugto yung mata ko. Pumunta ako sa bathroom at nakita ko may mga visible tears pa sa mukha ko. Naligo at nagbihis nako. Naisip ko na bakit nandito parin ako sa Korea? Kailangan ko na talagang mag move-on. Nagdecide ako na pumunta na ng Paris at mag-aral doon. Matagal na din akong pinapapunta ng Appa at Umma ko dun.
Pumunta nako sa airport at bumili na ng ticket. 'This is it Yejin!' Sabi ko sa sarili ko.
"CALLING FOR ALL THE PASSENGERS OF PARIS, FRANCE, PLEASE LINE UP NOW."
Goodbye Korea... Goodbye Key...
Naglalakad nako ng may marining akong boses.. Boses ng lalaki. "Hoy! Yejin! Kwon Yejin! Bumalik ka nga dito! Yejin!!!!!" Tumingin ako, si Key.
SI KEY ?!
Yung scene na nakita ko, parang gusto kong lumapit saknya at yakapin siya for the last time pero sabi ng isip ko HUWAG na.
I looked away nalang and pumunta na sa plane.
'Kailangan mo ng mag move-on Yejin! Start anew!' Sabi ko sa sarili ko habang pinupunasan yung luha ko.
( 4 years later )
Bumalik ako sa Korea upang mag design ng clothing ng isang group. Ewan ko nga kung bakit ako pa ang napili nila. Pumunta ako sa company nila at pinapunta ako sa office ng president. Tinanggap ko lahat ng trabaho. Pagkatapos nun, naglakad lakad ako sa building na yun. May mga dance rooms. May mga pangalan sa mga pintuan. Pangalan yata ng mga groups.
'Eh si Key kaya? Ano na kayang nangyari sakanya? Naging successful narin kaya yun?' Naisip ko siya bigla dahil trainee siya dito sa company na ito noon.
Tumigil ako ng may marining ako na boses.. Yung boses na yun.. Sobrang namiss ko yun.. Yung tao na sinabihan ko ng nararamdaman ko noon apat na taon ng nakakalipas.
"Namiss mo ba ako?" Tumalikod ako at nakita ko SIYA..
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
The End :))
COMMENT, VOTE, BE A FAN. :) FAN BACK KITA. mabait ako eh :))
BINABASA MO ANG
Feel Your Heart Beat [One Shot]
Romance[Completed] SOFTCOPY? Soon. :) SHINee LOVE STORY. :)) <3