LOVE

6 1 0
                                    


Between You, Him and Her

He needs me, but she needs me too. But, I can't ignore you cause you need me too. What should I do?

I sighed. Too much love will kill you? Yes. If it is in a wrong way. Crazy in love? Yes. If you were really in love. I love you goodbye? Yes. You love the person, yet you set them free. And that's bullshit.

That's the reason why they need me. LOVE. They have their own love of their lives. They were happy. But before they achieve the happiness, they had gone through a lot of sufferings. Too much tears. Too much hurt. Too much sadness. But still, they manage to surpassed those tests and achieve their so called #life goals.

Let me tell you Her story. She's trying to be beautiful. Mahal niya ang pagiging maganda. Pangarap niya kasi maging beauty queen. But she cries a lot. All the time. Everytime she looked at the mirror, she'll cry. Titignan niya ako at papawiin ko ang mga luha sa kanyang mga mata. Pagkatapos noon ay haharap na siya sa buong mundo ng may magandang ngiti sa kanyang labi. Kung wala ako, sino ng magpupunas ng mga luha niya? Kaya hindi ko siya pwedeng iwan. Kailangan niya ako. Palagi.

Then His story. He's a nerd. He is a bullying victim. Everytime I'll see him, there's always sticky dirts in his uniform and face. Iiyak siya kapag nakita niya ang libro niyang nalagyan ng malagkit na bagay galing sa ibinuhos sa kanya ng bully na kaklase. Mahal niya ang librong iyon. Sobra. Kaya tinutulungan ko siyang linisan iyon. At pagkatapos 'nun ay luluwag na ang loob niya. Papasok na siya ng klase at makikinig sa klase ng parang walang nangyari.Kung wala ako, sino nalang ang magpapagaan ng loob niya? Sino nalang ang makakatulong niya sa paglilinis ng kanyang paboritong libro? Hindi ko siya pwedeng iwan. Kailangan niya ako. Palagi.

And You. Mahal na mahal mo siya. Yung tipong kahit hating gabi na, tatayo ka pa din sa kama mo para magkita kayo. Sa una, masaya ako kasi nakikita kitang masaya tuwing kapiling mo siya. Pero pupunta ka nalang bigla sa akin na umiiyak sa sobrang sakit kapag sinaktan ka na niya. Pupunasan ko ang luha pati pawis mo dahil sa sakit na nararamdaman mo. Pagkatapos noon, magiging okay ka na ulit. Kung wala ako, sino nalang ang tatakbuhan mo? Sino nalang ang tutulong sayo para pawiin ang bakas ng sakit na nararamdaman mo? Kaya ayoko ding iwan ka. Kailangan mo ako eh. Palagi.

Sino sainyo ang pipiliin ko? Ang sabi nila para maging matatag ang samahan, kailangan stick to one. Pero kailangan niyo ako. Ayokong iwan kayo. Tinimbang ko ang mga pangyayari. Kahit labag sa kalooban ko ay pumili ako. At nakapili na ako.

Kaso, kung kailan may napili na ako tsaka niyo naman ako iniwan. Binalewala. Nasaktan ako. Gusto ko umiyak pero walang lumalabas na luha eh. Nilibang ko nalang ang sarili ko. At heto nga.Nandito ako ngayon sa harap ng telebisyon.

And there, I saw Her. Ang ganda ganda na niya! Paniguradong hindi na siya iiyak habang naglalagay ng eye liner sa harap ng salamin. Nagpa-plastic surgery kasi siya. Napangiti ako sa masaya niyang mukha. Nakapasok siya sa finals ng Binibining Pilipinas. Kahit masakit sa akin na hindi na niya ako kailangan sa buhay niya masaya ako para sa kanya.

Oh! It's Him! Grabe! Ang gwapo na niya. Natuto na siyang mag ayos. Hindi na siya binu-bully. Wala ng nagtatapon ng kung ano ano sa kanya. Kaibigan na siya ng lahat. Malaya na niyang nababasa ang paborito niyang libro kahit saan. Napangiti ako dahil mukhang masaya na din siya. Siguro ay tuluyan niya na din akong kinalimutan.

At Ikaw naman! Ang sexy mo na! Shit! Ikaw ba 'tong model ng fit n' right? Grabe ang laki ng pinagbago mo. Siguro hindi ka na gumigising ng hating gabi para lang makipagkita sa pinakamamahal 'mong Refrigerator no? Siguro on diet ka na kaya hindi na palaging sumasakit ang tiyan mo. Napangiti ako. Hindi ka na din siguro pinagpapawisan ng malala sa cr tuwing umiire ka. Sigurado regular na ang vowel movements mo. Masaya ako para sayo.



Kahit kinalimutan niyo na ako. Masaya ako para sainyo. K-kahit... ang sakit sakit na.

-Tasya

Between You, Him and HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon