''Katarungan''

115 1 0
                                    

Katarungan

Written by: Red Tiger

Chapter 1

ISANG simply subalit masayang pamilya ang kinagisnan ni Isabelle, nag-iisa siyang Anak ng mag Asawang Rosa at Amante. Si Amante ay isang pulis at ng madestino ito sa mindanao ay dito na din sila tumira kahit ang tunay nilang lugar ay sa maynila. Nasa third year high school pa lamang si Isabelle ng una silang dumating dito at ngayon ay nasa fourth year high school na siya at ilang araw na lang ay darating na ang araw na pinaka-hihintay niya ang kanyang graduation day.

Lunes ng hapon pagkatapos ng practice para sa Pagmamartsa ay deritso na siyang umuwi dahil alam niyang hinihintay na siya ng kanyang mga magulang.

''Amante, umuwi na lang kaya tayo sa maynila at mag retiro kana sa pagiging pulis mo,'' wika ni Rosa sa asawa na narinig ni Isabelle ng siya ay papasok pa lamang sa pintuan.

''Ano? bakit mo naman biglang naisip yan?'' bulalas ni Amante.

''Natatakot kasi ako sa hawak mong kaso ngayon isang malaking grupo ng sindikato paano kong may gawin silang hindi maganda sayo? ayaw kong isipin ang bagay na yan pero,'' ani Rosa na nag-aalala.

''Rosa, hindi ako pwedeng mag-retiro ng basta lang baka sabihin ng mga kasamahan ko wala akong bayag at isa pa kailangan managot ng taong may kagagawan sa pagkamatay ni pareng kanor. Alam ko na malaki ang kaugnayan ng grupo nang mga sindikato sa pagkamatay niya,'' tugon ni Amante sa Asawa ng biglang makita si Isabelle na nakatyo sa pintuan.

''Oh, anak nandyan kana pala. Kumusta ang practice?'' tanung ng ama.

''Mano po 'tay, 'nay. Okay naman po ang practice excited na nga ako tsaka sa inyo ko po iniaalay ang karangalang matatanggap ko.''

''Naku manang-mana ka talaga sa tatay, alamo ba na noong kapanahunan ko ganyan ako sayo matalino at syempre maraming nagkaka-gusto sa akin dahil guapo yata ako noon,'' hirit ng palabirong ama.

''Aba wag ka maniwala dyan anak, yang tatay mo madalas mag skip sa klase yan' dahil sa mga Chix niya, minsan nga hindi nakaka-attend ng exam paano ba kasi inuuna pa ang pakikipag lampungan sa mga babae,'' asar naman ni Rosa sa Asawa.

''Tingnan mo itong Nanay mo lagi na lang kontra sa akin, alam naman niya na simula't sapul siya na ang itinatangi ng puso ko. Basta anak proud na proud kami sayo at sana matupad mo ang pangarap mong maging abogada pagdating ng araw para matulungan mo ang mga mahihirap na nakukulong ng walang kasalanan.''

''Oo naman po 'tay kayo kaya ang idolo ko, Astig! at love story ninyo ni nanay ang ang number one sa mga kwentong narinig ko talagang 'till death do us part na yan.''

''Kayong mag-ama mamaya na yang kuwentuhan, Isabelle magbihis kana muna at kakain na tayo,'' sabat pa ni Rosa sa mag-amang daig pa ang isang taong di nakapag kuwentuhan.

TUMUGON naman si Isabelle at umakyat agad sa kuwarto upang magpalit ng damit, pagkatapos ay bumaba na ito at naupo na sa hapag kainan. Sabay sabay silang nagdasal na mag-anak at magsisimula na sana silang kumain ng marinig nang kanyang ama ang mga yapak na parang may nakapaligid na sa kanilang bahay kaya agad na binunot ang baril at sininyasan ang mag-ina nito na wag maingay ngunit bago pa man makatayo ay pinaulanan na sila ng bala. Tinaman ang ina ni Isabelle habang yakap ang Anak sabay dapa at si Amante ay may tama na din.

''Inay, 'tay!'' sigaw ni Isabelle habang hindi malaman ang gagawin.

''Anak! Isabelle, tumakas kana! bilisan mo iligtas muna ang sarili mo,'' habang hawak ni Amante ang tiyan nito na halos lumuwa ang bituka.

''Itay dadalhin ko po kayo sa ospital! Tatawag lang po ako ng ambulansya!''

''Wala ng oras Isabelle, Makinig ka sa akin iligtas muna ang sarili mo,'' ani Amante sa anak.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 03, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

''Katarungan''Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon