Chapter 3

20 0 0
                                    

Hopie POV:

Naaasar talaga ako sa lalaking yun! Ang yabang.Arrg.Sarap sapakin! Matutulog na sana ako pero medyo maaga pa naman kaya naisipan ko munang magFb tapos pagkaopen ko una kong nakita yung status ni Daniel.

"Pag mahal ka babalikan ka"

Lakas majadine no. Oo, minahal ko naman siya noon. Noon lang ah. Duh! Asa siyang babalikan ko siya. At tsaka wala na akong pake sa kanya. Isa pa ang nakaMove on na ako sa kanya!

Maglalog out na sana ako ng biglang may tumunog yung messenger ko pala. Hindi ko na sana babasahin pero baka si kimmy yun or baka importante. At nung tinignan ko si Zayn lang pala kaya inopen ko nalang yung minessage niya.

"Hi Cess kamusta ka na? I miss you! Aba't may nalalaman pang i miss you ang gago. Pagkatapos kong tinignan yung message niya sineen ko nalang hindi naman importante. Tsaka wala akong balak na replayan siya no. Duh!
--
Ang aga kong nagising para magluto para maipaghanda naman sila mommy. Hindi porket mayaman ka e aasa ka nalang palagi sa mga katulong. Kaya naman pagkatapos kong magluto naligo na ako habang hinihintay sila mommy na magising.

Pagkatapos kong nagbihis bumaba na ako at nandun na sila mommy at daddy at si Kuya.

"Aba't ang sipag ata ng little sister ko ngayon ah?"sabi ni kuya na may halong pang aasar.

"Lagi naman kuya e."sabi ko.

"Weh kailan pa?" Sabi niya. Nang aasar talaga. Natatawa din si mom and dad. Sasagot na sana ako ng biglang nagsalita si daddy.

"Tama na nga yang asaran niyo. Let's eat"sabi ni daddy. Kaya yun kumain na kami.
--
Ang aga kong pumasok ngayon, wala pang masyadong estudyante.

Naisipan ko rin na dumiretso na sa room para magreview. Hehe joke lang kailan pa ako nagreview sa room. Then, nang makarating ako sa harap ng nb 205 papasok na sana ako kasi dito ang room namin ngayon. Pero may biglang humila sa braso ko kaya napaharap ako   Para kung sino man tong kumag na humila sa akin. Pagkaharap ko nakita ko si Zayn. Oo si Zayn ang gago kong ex. Habang hawak hawak niya parin ang braso ko habang naglalakad.

"Hoy bitawan mo nga ako!" Sabi ko na may halong galit kasi naman ang sakit sakit ng pagkakawak niya sa braso ko. Pero hindi niya ako pinansin.

"Hoy Gago ano ba!Bitawan mo nga ako nasasaktan ako.Anong kailangan mo?" sabi ko sabay hila ng kamay ko napakalakas kaya yun nabitawan niya. Pero ang sakit parin ng kamay ko. Putaa talaga tong gagong to.

"Gusto kong makipagbalikan" sabi niya. Aba't ang swerte niya kung makikipagbalikan ako.  No way!

"Hahahaha. Naririnig mo ba yang sinasabi mo?" Sabi ko habang natatawa hahaha sabihin ba namang makipagbalikan. Utot niya.

"At tsaka naka Move on na ako! At may boyfriend na ako kaya wag ka ng manggulo. Kaya umalis kana shoooo shoooo! Ali-------" hindi ko natuloy yung sinabi ko ng bigla niya nalang hinalikan kaya tinulak ko siya. Sabay sampal ng napakalakas.

"Gago ka talaga!" Sabi ko sa kanya.

"At sino naman yang pinalit mo sa akin?Naangatan niya ba ang kapogihan ko ha?" Mayabang na sabi niya. Totoo gwapo naman siya. Gwapo lang wala na.

"Syempre. Alangan naman maghanap ako ng hindi mas gwapo sayo" sabi ko nalang kahit wala naman akong bf.

Nang makitang kong papalapit na papunta na sa amin si Quen. Papunta siya dito kasi magkaklase kami andito lang naman kami sa harap ng room namin. Kaya bigla ko siya hinila at nabigla siguro siya kung bakit ko siya hinila e hindi naman kami close e enemy pa nga kami e. Pero mas pogi naman si Quen kaya siya nalang ang sasabihin ko kay Zayn!
--

Quen POV:

Nabigla ako ng hinila ako ng enemy ko. Oo, sya nga yung babaaeng hindi marunong magsorry! At pumulupot pa sa braso ko. Kaya tatanggalin ko sana yung kamay niya ng bigla siyang magsalita.

"Eto siya oh? Oh diba mas higit sayo?" Sabi niya sa lalakeng kaharap niya kaya tinignan ko naman yung lalake ang dilim ng tingin nya sa akin parang gusto niya akong suntukin. Biglang nagsalita tong babaeng nakapulupot sa braso ko kaya tinignan ko siya at nakatingin sa akin.

"Babe ba't ngayon ka lang" nabigla naman ako sa sinabi niya. Magsasalita na sana ako kasi kung ano ano ng sinasabi ng babaeng to ng biglang nagsalita yung lalaking kaharap namin.

"So ganyang klaseng lalake pala ang pinalit mo sa akin" sabi nung lalake na kumukulo amg dugo sa akin. Tapos bigla ulit nagsalita tong babaeng to.

"Oo siya nga" sabay tingin sa akin na parang nagsasabing "sakyan mo please" kaya sinakyan ko nalang. Sabay sabing.

"Tara na babe late na tayo" sabi ko sa kanya sabay akbay at alis na. Kaya naiwang tulala nalang yung lalaki pero nakatingin sa akin.

Pagkarating namin sa room tinaggal ko na ang pagkakaakbay ko sa kanya. Tapos pumunta na kami sa upuan namin. Maglatabi lang kami.

"Thanks kanina ha!" sa niya na nahihiya.

"Welcome" sabi ko ng nakangiti tapos nginitian niya lang din ako. Ang cute niya pag nakangiti. Walang malisya yun a cute talaga siya e. Haha

Tapos nagsidatingan na yung mga kakklase namin. At si ma'am din.

Management namin ngayon, ang boring kaya nagsoundtrip nalang ako. At hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Pagmulat ko wala na yung clasamates ko tanging tong katabi ko nalang andg andito nanghihilik pa. Parehas pala kaming nakatulog. Ginising ko siya kasi meron na yung next na mag ru-room dito. Magmulat niya ang sama ng tingin niya sa akin. Aba't tong babaeng to!

"Ano?" pasigaw niyang tanong. Aba't sinigawan pa ako!

"Anong ano ka dyan! Andyan na yung next na magru-room dito oh" sabay turo ko nung mga next na magruroom, pero inirapan niya lang ako. Kaya iniwan ko na siya! Kabadtrip yung babaeng yun!

Pumunta muna ako sa Canteen. Nakita ko naman sina Andre, Drake, at Ethan dun kaya agad ko silang nilapitan.

"Hey dude ba't ganyan yang mukha mo?" tanong ni drake

"Papanget ka nyan dude. Hahaha"
Si ethan yun. Natawa naman ako.

"Loko wala to" sabi ko.

"So dude kailan kayo free? Hanap tayo ng chix" si andre yun, playboy talaga to.

"Puro ka chix! Mag aral ka nga" sabi drake. Tong si andre kasi palaging nadiditch naghahanap ng chix. Naging ganyan yang nagmula nung linoko siya ning First love niya. Hahaha kawawa naman.

"Sige mga dude punta na ako sa next class ko" paalam ko sa kanila.

"Sige dude kami din" sabay sabi ni ethan at drake magkaklase kasi sila.

Maglalakad na sana kaming tatlo kasi magkalapit lang kami ng room ng biglang nagsalita si andre.

"Ganyan naman kayo e nang iiwan. Sige alis na kayo! Shoooooo." sabi ni andre. Humuhugot pa ang loko.
Natawa naman kaming tatlo.
--

Saktong pagkarating ko sa room sabi nila wala daw yung titser namin may meeting daw sila kaya umuwi na ako agad.

Ang Makulit Kong BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon