"HELLDON KINGDOM?" napa-kunot naman bigla yung noo ko dahil sa ayun yung pangalan ng mismong nagpadala nito sa'kin
"H-helldon?!" gulat namang tanong ni Kuya Troy
"Yup. Bakit? Kilala mo ba kung ano 'tong Helldon Kingdom chuchu na 'to?"
"H-hindi eh.. P-parang pamilyar lang sa'kin.." nauutal si Kuya? Anyare dito?
Binasa namin ni Kuya kung ano ang nandoon sa papel at ito ang mga naka-sulat:
HELLDON KINGDOM
To: Zeah Xebrina Halton
Hello Miss Xebrina.
From: Queen Samanta dé Azula
"Huh? Sino 'tong Samanta na 'to?" napa-smirk nalang ako dahil hindi ko naman 'to kilala
"May pictures!" kinuha naman kaagad ni Kuya yung tatlong litrato doon sa envelope atsaka ko tinignan
Ako yung nandito.. T-tsaka sila Kuya.. K-kaming buong pamilya "T-teka?!" sino bang nagpadala nito?! At paano n'ya nakuha 'to?
"Look." may nakasulat sa bawat isang picture yung una ganito ang nakalagay; 'yvackveroi' sa pangalawa naman; 'diemetreses' at sa pangatlo; 'filfelosmeña's'
"FILFELOSMEÑA?!" napasigaw ako dahil sa nakasulat sa third picture yung pangalan ng family namin (grupo) "The fuck this assholes?! Dinamay pa ang filfelosmeña? Ano ba kasi 'to?!" err!
"W-wait! 'Pag binuo mo yung bawat words ganito ang mababasa mo; yvackveroi diemetreses filfelosmeña's. So anong ibig sabihin nun?!" -Kuya Troy
"Aba malay ko?! Parang pang-demonyo yung salita! Putek!" hahanapin ko 'tong helldon kingdom na 'to pati na rin itong si Queen Samanta
May naf-feel akong something about sa pinadala n'ya eh..
"Akin na muna 'yan Zeah. Matulog ka na muna d'yan, at bukas ka na lilipat sa school n'yo. Kailangan mo ng tulog dahil paniguradong puyat ka palagi doon." oo nga pala maaga pa ako bukas tsk
"Kuya, bisitahin mo ako doon ah? Tsaka iingatan mo 'tong bahay natin ah?" ewan ko kung bakit 'yon lumabas sa bibig ko pero bahala na! Tsk. Nasabi ko na eh
"What do you mean?" seryoso na naman si Koyaaaa
"Wala lang. Feeling ko kasi matagal pa ako makakabalik dito.."
"Over thinking ka na naman eh. Tantanan mo muna 'yan.. Tsaka oo naman, araw-araw kitang bibisitahin sa H.A. At babalitaan din kita araw-araw about kila Tita." then he smiled "Itabi ko na muna 'tong folder ah? Magpahinga ka na.." why so sweet Kuya?
"Okay." pinatay ko na yung lampshade ko atsaka nagsimula nang matulog
-zzzzzzzzzZzzzzzZzzzzzzzzz.
'Rina! Nasaan ka na?! Rina?!'
'Zeah..'
'Rina! Bumalik ka na dito! Saan ka ba pupunta?!'
'Sa malayo Zeah.. Promise ko babalik ako..'
'*sob* Anong ibig mong sabihin? Iiwan mo ba ako rito?..'
'Oo..'
'Rina 'wag mo akong iwanan dito! *sob* Natatakot ako! Dito ka lang! Hintayin natin sila Mommy!'
'Kailangan kong umalis Zeah..' then she hugged me tight 'Pangako babalikan kita..'
Kumawala s'ya sa pagkakayakap sa'kin at nagpatuloy lang s'ya sa paglalakad hanggang sa mawala na s'ya sa paningin ko..
Matapos ang pag-alis ni Rina, mag-isa nalang ako dito at tila nangangatog ang buong katawan ko dahil sa takot.. Pinilit kong tumayo at maglakad para manghingi ng saklolo pero biglang may nangpana sa'kin at tumama yun sa may leeg ko..
Dahil sa sobrang sakit, bigla nalang akong napahiga at nawalan ng malay and everything went black..
**"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!"
WTF! ANO YUNG NAPANAGINIPAN KO?!
"Z-zeah! Uy! Bakit? Anyare? Bakit hingal na hingal ka?!" inuga-uga ako ni Kuya dahil sa sobra akong napatulala at 'tila wala sa sarili
"K-kuya.."
Umiiyak na naman ako..
Wala na ba 'tong katapusan?
Ano ba kasi yung napanaginipan ko? At sino si Rina?
Alam kong ako yung bata na nandun at iniwan ni Rina.. Pero sino s'ya?
"R-rina.." mahina kong sabi habang naka-yakap kay Kuya
"W-what did you say?" bakit parang nagulat si Kuya sa sinabi ko?
"Rina.. N-nasa panaginip ko s'ya.." then I finally cried
Sino ka ba Rina?!
Bakit mo ako iniwan doon? Sino ka?!
BINABASA MO ANG
Hidden Academy
FantasyThey'll prove you that you're also one of them. They'll teach you to fight badly. And they'll treat you like their own family. Hidden Academy is a school that will make you more stronger. A school that will kill you. Kill you of your own curiosity. ...