**UNANG TIBOK**

63 2 0
                                    

**UNANG TIBOK**

written by:Jhyne Juntilla

CHAPTER I

 

"Jheck,pwede ka bang makaputan sa JS namin?"Tanong ni Rayzel,nakakatandang kapatid ni Jheckay."Ha!kailan ba yan ate?Baka may laro kami niyan."

"Sa Feb 14 Jheck."At ano naman ang gagawin ko doon?"Ikaw ang taga kuha ng shot sa akin.."Ano!wow naman ate,gagawin mo pa akong kondaker!"

"jheck,sige na pls....."Sige. subukan ko pag wala kaming laro.."Anong subukan!wag mong subukan gawin mo Jheck.Minsan lang naman ito eh.At yang pag lalaro mo lagi naman niyan.Sige na pls...."Eh may magagawa pa ba ako?Kung maka paglambing ka wagas...."Salamat mahal kong kapatid....."

Wala nang nagawa si Jheck kung di ang mapa "Oo,"sa kakulitan ng kanyang ate.

Pariho lang sila high school student at pariho ng school na pinasukan.Pero walang pakialam si Jheck sa mga programa na nagaganap sa kanilang campus.

Dahil lage itong busy sa training ng basketball..nasa 2nd year high school si Jheck,at ang kanyang ate ay nasa 3rd year .Lumaki si Jheck na pag umasta lalake,manamit panlalake,mula pa Elementarya nasanayan na ito ni Jheck...

Lahat ng mga kaibigan at kaklase talagang jheckoy na ang dating nito,pero para kay Jheck babaeng babae siya,at puso niya ay babae talaga.Yan ang lage niyang sinasabi sa mga kaibigan..Ang oras at araw ni jheck ay nakatutuk lage sa training, laro at pag aaral.dahil basketball varsity siya sa kanilang school.

Feb 14,1996."Jheck,tapos kana ba?Tayo na baka mahuli pa ako.."Oo,anjan na....."

"Jheck!Ano ba yang suot mo?"Bakit ate?Ano ba ang suot ko?"jheck,ang badoy ng suot mo,mag pa sexy kana man ng kunti, para may nating..."

"Naku,ate ha!pinipintasan mo yata ang suot ko,bakit ate kailan mo ba ako nakita na nag susuot ng mga sexy?Parang hindi kana nasanay sa akin.."

"Kung ganyan lage ang mga pinag susuot mo paano ka magustuhan ng mga lalake?"Eh bakit ate?Sino bang may sabi sayo na magpaligaw na ako?"

"Ano gusto mong hindi na ako sasama sayo?Sige mag bihis nalang ako ng pambahay!Ikaw nalang ang mag shot shot sa sarili mo!!!..."okay na tayo na Jheck, nagbbiro lang ako.."

Sa Campus..."Jheck,maiwan muna kita dito saglit ha, punta lang ako sa room namin.."Sige ate, dito lang ako mag hintay..."

"Wagkang aalis ha.."Oo,"dito nga lang ako...."Naiwang mag isa si Jheck sa rotunda.Ano ba to nakakainip naman,kung nasa gym lang nasa ako, siguradong nalilibang at enjoy pa ako...Hindi naman ako maka punta sa room,baka hanapin pa ako ng ate,hhhhssssttt......."Pag mamaktol ni Jheck sa sarili.....

"Hoy!!jheckoy,mag isa ka lang?"

Tanong ng pinsan ni Jheck na si Susan habang papalapit sa kanya..."

"Eh satingin mo may kasama ba ako?"Ang suplado ng bakla....!Saan ba ang mga tropa mo?"Nandoon sa gym nag insayo."

"Ikaw bakit nandito ka?"Ito kasi si ate nangulit!Ginawa pa akong kodaker...!"Ay!Pariho pala tayo kasi,ako din ang kukuha sa ate ko..."

Si Susan pinsan ni Jheck,kaklase niya ito grade 1 hanggang grade 6,nagkahiwalay lang sila pagdating ng high school.

"Jheck mag simula na kami."Tawag ng ate ni Jheck.

"Oh sige!Punta kana doon,dito nalang ako tingnan ko nalang pag malapit kanang aakyat sa stage."Sige,pero pag malapit na ako lumapit ka sa harapan ng stage ha..."Oo,"ako na ang bahala.."

Napansin ni jheck na malapit na ang ate niya kaya niyaya niya ang kanyang pinsan."

"San,puntan na tayo doon sa malapit,para hindi tayo mahuli."Sige jheck"Habang wala pang masyadong tao...."

Nakalapit na nga sila ni jheck.Habang nakatayo sila sa harapan ng stage...."Ppsssitttt!!!!ppssssiiitttt!!!!!!

"May tumatawag yata sa atin san.."Sabay silang dalawang lumingon....."Wala naman eh"sabi ni Susan."Baka hindi tayo ang tinawag."Sagot naman ni Jheck.

"Pppsssitttt!!!!!.....ppsiittttt,!!!

"Alam mo insan?Parang nang aasar yang panay sitsit sa likod,pag nahuli ko yan humanda siya!Talagang babatukan ko promise!!!!!"

"Relax lang insan,umiiral na naman niyang pagiging Jheckoy mo...Hehehehe."Sabay tawa ng kanyang pinsan ng napansin nitong nagsalubong ang dalawang kilay ni Jheck...

"Ppsssittt!!!!!pssittt!!!!...."

Hindi na nilingon ni Jheck,pinabayaan nalang niya,pero sa isip ni Jheck.pag nahuli niya..talagang sisipain niya.

"HAyyy....."Sa wakas natapos din."Pabagsak na umupo si jheck sa damuhan na nag iisa .Nagkahiwalay na kasi sila ni Susan pagka tapos ng programa.

Habang ang ate niya busy sa pag pipicturial kasama ang kaklase at mga kaibigan..."Ang tagal naman ng babaeng ito....!!"Ang sarap na e uwi."Nakita ni Jheck ang kanyang ate na papalapit sa kanya,na may kasamang dalawang gwapong lalake .."AHh...Jheck, mga kaibigan ko gusto daw makipagkilala sayo...

"Eh'bakit hindi mo nalang sinabi sa kanila ang pangalan ko?Para hindi na sila sumama sayo!"

"Ang suplada naman ng kapatid mo Yzel...."Sabi ng isang lalake,na may hitsura naman kahit maitim.Pero lumulutang naman ang ka gwapuhan.At nag pakilala siya na Espher.

"Hi!ako pala si Leo."

Pakilala naman ng isang lalake kay Jheck,sabay lahat sa kanyang kamay...."Hi!din,ako si Jheck.!"at tinanggap naman ni Jheck.

"Aahh...Jheck,pwede ba mag pa shot tayo?if okay lang sayo,remembrance lang..."Sige na jheck,tayo kana jan..."Sabay hila ng kanyang ate.

"Aba'y sinabi ko ba sayo ate na pumayag ako??"

"Oo,"Jheck,pumayag kana!"Sabay tulak naman ng kanyang ate sa tabi ni leo....

"Salbahi toh!nakadalawa kana ha!"Asar na pinag didilatan niya ang kanyang ate,at ngiti lang ang isinukli.....Ayon naka tatlong shot sila ni Leo.

Pero lahat ng kuha nila ay puro badoy ang posing ni Jheck at bumalik na sa pagka upo si Jheck na walang pasabi,dahil sa inis niya sa kanyang ate.....

"Jheck,pwede bang umupo dito?"

"Sige umupo ka lang, hindi naman ako ang may ari nitong damuhan..."Umupo na rin si Leo sa tabi niya.at nakipag kwentuhan."Aahh..Jheck,may boyfriend kana ba?"Tanong ni Leo sa kanya.

"Wala pa nuh!Bata pa ako,at wala pa yan sa isip ko."Bakit ilang taon kana ba?"

"14 yrs old,pero mag fifteen na ako sa May."So hindi kana bata..."Sabi ng ate mo dito ka raw nag aral,bakit hindi kita nakita?"

"Aahhh...Baka lagi kang nakapikit kaya hindi mo ako nakita.."Pa suplada na sagot ni Jheck.

"Hhhhmmm...Siguro nga kasi ngayon lang kita na pansin eh..."Oo,"nga."..anong year kana pala Jheck?"2nd yr.Ikaw?" 3rd yr ako school mate kami ng ate mo."Aaahh.... Okay....."

"Jheck,tapos na kami,uwi na tayo."Aahh..Sige ate,buti pa nga..!"So ano leo,maiwan kana namin.?"Sabi ni Jheck sa kanya..."Aahh.. Okay lang ba sabay na ako sa pag uwi.?Total isa lang naman ang paradahan natin ng sasakyan.okay lang ba?"

"Okay! na okay! Le."Sagot naman ng ate ni Jheck.Pero si Jheck hindi na kumibo....Sa pag lalakad sila Yzel at Leo ang magkasabay at nag kukwentuhan,at si Jheck patuloy lang sa pag lalakad,na parang walang kasamang dalawang tao.......

............ITUTULOY..........

**UNANG TIBOK**Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon