Ang musikang malakas at nakakahilong ilaw ang bumabalot sa buong bar. Some are dancing ang iba'y naman at naka upo sa mga sofa. I can't even see them clearly sa palagay ko lasing nako. Sabagay naka 5 na akong vodka.
"Oh Calliah! Lasing ka na yata?" puna ng pinsan kong si Basti. Marahil nakita niya akong pumipikit.
"No! I'm not! Kelan pako nalasing? " Ako lagi ang pinakahuling nalalasing samin magpipinsan pero iba ang pakiramdam ko ngayon.
Yas. Kung sa inuman lang panalo na ko sa mga pinsan ko. Oh I forgot birthday party nga pala ito ni Althea kapatid ni Leo. Tumabi sakin si Basti sa sofa at sinandal niya ang kanyang ulo sa sofa upang umidlip saming lahat siya ang pinakamahina sa alak.
Lumapit ako sa aking pinsan at bumulong sa tenga niya.
"Uhm Basti hanapin ko lang yun mga pinsan natin nang makauwi na tayo."
Hindi ko na hintay na makasagot pa siya agad nakong lumisan kung saan kami nakaupo. Kailangan ko ng makita ang mga pinsan ko maging ako'y inaantok na rin.
Maraming tao. Karamihan mga ka edad lang namin. May mga kakilala at bumabati sakin ngunit tipid na ngiti lang ang sinukli ko sa kanila. Nanlalabo na talaga ang paningin ko!
Morena si Althea , may katangkaran at maganda ang hubog ng katawan . Mas matanda siya samin ng dalawang taon. Kami nila Sebastian o Basti, Calix at Ares ay parehong 19 years old. Si Calix at Ares ay magkapatid din. Si Ares ay mestizo habang kabaligtaran naman siya ni Calix. Pareho silang matangkad at habulin na babae. Si Basti ay ganun din habulin ng mga babae. Marami na nga silang napaiyak lalo na si Basti.
Sa wakas nakita ko si Calix na may kausap na babaeng hapit na hapit ang kasuotan sa table may binulong si Calix sa kanya at namula naman ang pisngi nito. May mabibiktima na naman niyan siya.
Pero bago niya gawin iyon ay lumapit ako sa kanila at sinigawan siya.
"HOY! UMALIS NA TAYO TINAMAAN NA SI BASTI!"
Hihihi mission accomplished! Kumunot ang noo ng babae at nag walk out.
"Look Calliah! Umalis yun ka fling ko!" Pabulong ngunit mariin niyang sabi.
Nag puppy eyes naman ako.
If i know hindi niya alam ang pangalan nung ka fling niya.
He sighed.
"Sige na. Tara na tetext ko na lang sila Althea at Ares na umuwi na din."
"Yey!" Parang bata kong sigaw sa kanya sabay yakap.
Yumakap naman siya pabalik sakin. Kumalas ako sa pagkakayakap.
"Kaya tayo pinagkakamalan na mag syota e."
"Ewe gross."
"Anong gross gross diyan. Tara na." Sabay akbay niya sakin.
Habang naglalakad kami pabalik kay Basti may nakita akong lalaking nakaupo dun sa counter ang gwapo niya. Ang puti niya, matangkad , ang pula ng labi, matangos na ilong at mapupungay na mga mata. Siguro dahil lasing siya?
Heart Broken ba to?
Nagulat ako ng tumingin din siya sakin. Nagtama ang paningin namin ngunit umiling lamang siya at binalik ang tingin sa baso.
Makaalis na nga.
BINABASA MO ANG
Love Hurts
Ficción GeneralMasakit bang ma inlove? Edi ba kapag inlove ka sa isang tao pagmamahal ang mangingibaw pero pano kung hindi? Oo mahal ko siya pero mukhang hindi sapat ang pagmamahal lang. Am I willing to be his rebound?