Case #2: Invitation

254 8 6
                                    

CASE #2: Invitation

*kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing* 

Tumunog na yung bell na tanda ng kanilang lunch break. 

"Class dismiss." Pahayag ng guro. 

Nagsitayuan na rin ang mga estudyante ng section 3-A na kinabibilangan nila Chance at Chase. Lumabas na ang kambal sa kanilang classroom at nadatnan sa may malapit sa pintuan si Fiddel na naghihintay sa kanila. Nasa ibang section kasi ito at katabi lang din naman ng kanilang room ang sa kanila. Magkakaibigan na ang mga ito simula pa noong mga bata pa sila at hanggang ngayon ay hindi pa rin matitibag ang kanilang samahan. 

Nilapitan ng kambal ang kanilang kaibigan. Napansin naman sila ni Fiddel at umalis sa pagkakasandal sa may pader. "Bilisan niyo namang dalawa. Gutom na ko." pagrereklamo nito sa mga kaibigan habang hinihimas ang kanyang tiyan. 

"Tch. Tanggalan kaya kita ng tiyan para di ka na magutom?" paangil na tanong ni Chase dito at nagsimula na silang maglakad tungo sa kanilang main canteen. 

"Am brutal mo talaga bro." nakalabing sabi ni Fiddel. "Ang sungit-sungit mo! Palibhasa wala kang love life. Di mo gayahin tong kapatid mo." dagdag pa niyang pang-asar. 

"Aba't!" akmang babatukan na niya ito nang pinigilan siya ni Chance. "Tch. Bakit ikaw may love life?" 

Biglang nalukot ang mukha nito sa tanong niya. "Wala pa sa ngayon..." pero bigla ring umaliwalas. "Pero alam ko balang araw magkaaroon din ako. And speaking of love life! Nandito na ang iyong love of your life Mr. Chance." sabi nito ng makita si Zoe, ang girlfriend ni Chance na topakin. ^_^ Namula naman si Chance sa tinuran ng kaibigan sabay kamot sa ulo. 

"Hi Chan-chan!" natutuwa itong kumaway at bumati sa kanya si Zoe habang papalapit sa kanila. Nagkulay kamatis na naman ang kanyang pisngi nang pinulupot ang kamay nito sa braso niya. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya sanay sa paglalambing ng gf niya. Gaano na nga ba sila katagal? May dalawang buwan na rin siguro. Nang sagutin siya nito ay pakiramdam niya siya na ang pinakaswerteng lalaki sa campus. Girlfriend na lang naman niya kasi ang cheerleader ng kanilang pep squad. She got long brownish straight hair, matangos na ilong, rosy cheeks, pinkish lips and pretty brown eyes. She also got long sexy legs and sexy slim body. Model material kumbaga. Madaming lalaki ang nagkakandarapa dito pero siya ang mapalad na lalaking napili nito. Minsan ngtataka din siya kung bakit siya ang pinili nito at nang minsang tinanong niya ito ay simple lang ang kanyang sagot. "Dahil mabait ka." 

"Wag mo na pala akong hintayin mamayang uwian Chan-chan." 

"Huh? Bakit naman?" 

"May pupuntahan pa kami ng mga friends ko eh." 

"Hindi na nga kita kasabay umuwi kahapon eh.." nagtatampong wika ni Chance. Dinantay naman ni Zoe ang ulo sa kanyang braso. Hanggang balikat lang siya ng babae dahil matangkad siya. Mga 5'11-6 footer siguro ito. 

"Wag ka na magtampo Chan-chan.. promise babawi ako bukas!" 

Well, wala na siyang magagawa pa di ba? Pagbigyan. Ulit. "Ok. Promise mo yan ah?" 

"Promise!" nginitian siya nito sabay taas ng kanyang kanang kamay. Ang dalawa naman kanina ay nakabuntot lang sa kanila at hindi nagkikibuan hanggang sa mapadaan sila sa grupo ng mga babaeng nakaupo sa may bench. 

"Omigosh! Si Chase-sama!!" one of the girls squealed nang makita nila si Chase. Yeah. Chase is one of the hearthrob ng Smeortan Academy. Pero gaya nga ng sabi ko, suplado siya. Ubod ng SUPLADO!. 

"Tch. Fangirls. I hate fangirls." Ngitngit niya sa sarili at tumingin sa ibang direksyon. 

"Pansinin mo naman kami Chase-sama." Wika ni Fiddel habang ginagaya ang mga babaeng nadaanan nila. Dahil sa narinig ay agad nag-init ang ulo ni Chase. Nga pala, wag na wag ninyong aasarin si Chase dahil mabilis lang mag-init ang ulo lalakeng ito. 

Tinignan niya ng masama si Fiddel na ikinatakot naman ng huli. "Gusto mo bang maging bola ng football? Pwede kitang sipain papunta sa goal." Chase is their striker sa kanilang school's soccer team. Halos lahat ng wins nila ay pinanalo nito. 

Tumalima si Fiddel at sunod-sunod na umiling. Tinawanan na lamang sila ng dalawang 'love birds' sa kanilang harapan dahil sa kanilang pag-aasaran. 

Nang makarating na sila sa canteen ay pumila na sila para bumili ng kanilang pagkain. Kakaupo pa lamang nila nang lumapit sa kanila ang tatlong babae. Ito ang mga kaibigan ni Zoe at kasama din niya sa cheering squad. 

"Hi guys!" bati sa kanila ni Eva. 

"Hello Chase!" duet naman ng dalawa pa sa kanila na binalingan si Chase. Si Chase naman ay hindi kumibo na tila walang narinig. 

"What is it girls?" ngiting tanong ni Chance sa tatlo. 

"Oh yeah. Can we borrow Zoe?" paalam nito sabay hablot sa braso ni Zoe at tinangay palayo ang kanilang kaibigan. 

"Tch! Magtatanong tapos hindi man lang hihintayin yung sagot." Naaasar na sabi ni Chase. 

Nakita ni Fiddel na malungkot si Chance. "Yaan mo bro nagpromise naman siyang babawi bukas di ba?" wika nito sabay tapik sa balikat ng kaibigan. 

"Bukas? Eh sabado bukas. Sino niloko ng babaeng yun?" asar pa ring pahayag ni Chase. Dahil sa narinig ay muling nalungkot ang kanyang kambal. 

"Alam mo bro maging sensitive ka naman minsan. Kita mo ng sad tong kambal mo." Hindi siya pinansin ni Chase at nagsimulang kumain. 

"Ngwa pawa." Tawag pansin ni Fiddel sa magkambal habang ngumunguya. Tinignan siya ng kambal. Bago magsalita ay nilunok muna niya ang pagkain sabay inom. 

"Since wala tayong pasok sa Monday, gusto ko kayong imbitahan pumunta ng Baguio." 

"Bakit?" tanong ni Chance. 

"Birthday kasi ni lolo bukas. Eh wala naman akong kasamang teenager dun dahil wala namang mga asawa't anak yung mga kapatid ni mommy. Ayokong mabore dun 'no kaya I am inviting the two of you! Ano sama kayo?" 

"Wala naman sigurong masama kung sasama tayo, diba Chase?" Chance asked while looking at his twin. Chase just shrugged. 

"Okay then. We'll come." 

"Alright! It's settled then." Natutuwang sabi ni Fiddel.

Friday. 8:00 PM 

Kasalukuyang nag-aayos ng kanilang gamit ang kambal nang tumawag si Fiddel sa kanila. 

"Is that mine?" tanong ni Chance sa kakambal. 

"What do you think?" 

"Yeah. That is mine but where is it?" hinanap niya sa mga nagkalat na damit niya sa ibabaw ng kama ang tumutunog na aparato. Wala pa rin. Inangat niya yung unan niya. "Asus! Andyan ka lang pala." Dinampot niya ang cellphone na kanina pa tumutunog at sinagot ito. 

"Hey Fiddel!" 

"'Sup bro?" 

"Eto nag-aayos na ng gamit." 

"Is that so?" 

"Yeah. So, why'd you call?" 

"Oh yeah. Susunduin namin kayo bukas around 5 am perhaps." 

"What? That early?" 

"Yup. Mahaba kasi yung byahe eh ayaw pa naman ni daddy na ginagabi sa daan." 

"I see. Sige bro. We're ready don't worry." 

"Good. Sige bro, ihahanda ko na rin mga gamit ko. Bye." 

"Bye." *toot* 

"Was that Fiddel?" tanong ni Chase habang sinasara ang kanyang bag. Tapos na kasi itong mag-ayos ng kanyang mga damit at gamit na dadalhin para sa kanilang short term vacation. 

"Yup. Sabi niya susunduin nila tayo by 5 tomorrow." 

"5? Di sila excited ah." 

Chance chuckled. "I'm excited too bro." 

"Tch." 

"I dunno but I got this feeling we will be enjoying our "vacation" there." 

Chase put his bag on the floor and lie in his bed. "Dapat lang dahil ayokong masayang ang oras ko sa lugar na yun." After he said that, he closed his eyes and went to sleep.

Twin Detectives (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon