CHAPTER 8-UMBRELLA

78 7 0
                                    


CHAPTER 8-UMBRELLA

"Ranz bakit wala si Mom and Dad?" tanong ko habang hinahalo ko yung tinimpla kong gatas.

"Nasa Cebu sila nag ka Emergency Meeting kaya biglaan yung alis nila gigisingin ka nga sana ni Dad kagabi para mag paalam sayo kaso ang  himbing ng tulog mo kaya ayun hindi kana nila ginising."

"Sabihin mo kila Dad huwag

kalimutan yung pasalubong ko.."

"Huwag kang mag alala alam ko naman na hihingi ka ng pasalubong sa kanila kaya sinabi ko na kagabi pa and bilin ni Mom huwag  ka daw mag papaulan....Sige pasok na ako mag ingat ka." sabi nya tapos yun iniwan nya na ako..

Pag kaubos ko ng gatas ko umalis na din ako ng bahay..

Ang lakas ng ulan,masama kasi ngayon yung panahon.Habang nasa byahe ako papuntang school napa tigil ako ng makita ko yung batang babae na Tumatakbo na ang tanging pang sanggi nya lang sa ulan ay yung Carton nya. Binusinahan ko yung bata kaya tumigil sya..

Ibinaba ko yung bintana ng Kotse ko.

"Ate bakit po?Anu pong kaylangan mo?" tanong ng bata sa akin.

Kinuha ko yung payong ko sa bag ko at kumuha din ako ng 1000 pesos sa wallet ko at inabot ko sa kanya.

"Take this and itong pera ipang bili mo ng pagkaen mo para hindi ka magutom." sabi ko tapos inabot nya naman yung payong at pera.

"Maraming Salamat po Ate napaka ganda mo na nga po ang Baet-baet mo pa po." sabi nung bata.

Naniniwala talaga ako na Hindi marunong mag sinungaling ang mga bata.

Tumango lang ako.. tapos after that pinaandar ko na ulit yung kotse ko hangang ma ipark ko yung car ko dito sa parking lot ng School.

Grabe ang lakas ng ulan And dahil binigay ko nga yung payong ko sa bata wala akong payong na magagamit kaya ang Ending susugurin ko na lang itong ulan at mag papalit na lang ako tutal may extra damit naman ako.

Pag kababa ko sa kotse ko nagulat ako bakit hindi man lang ako nabasa ng ulan and pag tingin ko pinapayungan pala ako ni Storm.Sya pala yung kasabay kong nag park ng Kotse.

"Take this." sabi nya tapos hinawakan nya yung Kamay ko at inilagay yung payong.

The way he touch my Hand parang may kuryenteng dumaloy Sa kamay ko.

"Paano ka?"ask ko sa kanya.

"May Hood naman itong Jacket ko kaya ayos lang." sabi nya tapos sinuot nya na yung hood ng jacket nya at nag lakad na sya palayo sa akin pero hinabol ko naman sya at pinayungan konsensya ko pa kapag nag kasakit sya noh.

STORM POV.

"Hoy Kuya bilisan mo naman malate na ako..Ihatid mo na ako sa school." Reklamo ng kapatid ko.

"Pshh halika na nga." sabi ko sabay akbay sa kanya.

Mabuti kahit papaano nakukuha na nya ulit ngumiti.

Pag kahatid ko sa kanya dumeretsyo na ako sa school pero bago ako pumuntang school napatigil ako ng may mapansin akong Familiar na kotse na nakatigil at kung hindi ako nag kakamali sya yun.

May nakita akong bata na naka tayo sa harap ng bintana ng kotse nya and nakita ko na inabot nya sa bata yung payong nya and inabutan nya rin ng pera yung bata.

F*ck what this Feeling?? I felt my heart racing .

After nyang maibigay yung payong at pera sa bata pinaandar nya na yung kotse nya ganun din ako and halos mag kasabay lang kaming nag park ng kotse pag kababa ko ng kotse ko binuksan ko agad yung payong ko tapos saktong ba-baba din sya ng Kotse nya.

Abnormal ba sya?? Tama bang lumabas sya sa kotse nya na wala man lang pang sangi sa ulan.

Bakit kasi masyado syang mabait at inuna nya pa yung bata kesa sa sarili nya.

Pinayungan ko sya and nagtataka sya kung bakit hindi man lang sya nabasa ng ulan..Tapos ito na nga narecognized na nya ako.

Hinawakan ko yung Kamay nya.

"Take this." sabi ko tapos inilagay ko yung payong sa kamay nya.

The way i touch her Hand i feel something weird in my heart..

"Paano ka?"ask nya.

"May Hood naman itong Jacket ko kaya ayos lang." sabi ko tapos sinuot ko na yung hood ng jacket ko kaya nag lakad na ako palayo sa kanya nagulat naman ako ng Hinabol nya ako at pinayungan.

"Konsensya ko pa kapag nag kasakit ka ng dahil sa akin kaya ganito na lang isasabay na lang kita atsaka mauuna naman yung Building mo kesa sa akin." Explain nya.

"Ok Fine." pag sangayon ko tapos kinuha ko yung payong sa kanya kasi mukha syang nahihirapan hawakan yung payong dahil matangkad ako sa kanya.Hindi naman sya nag reklamo and yun na nga sinabayan nya akong mag lakad hanggang makarating ako sa Building namin.

Inabot ko naman sa kanya yung

payong kaya kinuha nya naman.

"Hihiramin ko muna itong payong mo and ibabalik ko na lang sya later." sabi nya sabay ngiti sa akin at nag lakad na sya paalis.

Dug.Dug.Dug.Dug.

What the F*ck nababakla na ata ako sh*t

"Uyy pare anyare sayo??" sabi ni Thunder sa akin ng makita nya ako.

"Nothing." tipid kong sabi sa kanya at nag lakad na ako papasok ng Room namin ganun din sya.

"Diba payong mo yung Gamit ni Hershey..Bakit nasa kanya?" tanong nya at umupo na sa upuan nya.

"Pinahiram ko." sabi ko at umupo na din sa upuan ko.

"Pinairal nya na naman yung kabaitan nya mas inuna nya na naman yung iba kesa sa sarili nya." seryosong sabi ni Thunder sabay hilamos nya ng kamay nya sa mukha nya. Para bang na Frustrate sya.

"Lagi nya ba yun ginagawa?" out of nowhere kong tanong..

Ewan ko bigla akong na Curious..

"Oo lagi nya yun ginagawa..Minsan nga may hawak syang pagkaen tapos isusubo nya na sana yung pagkaen kaso ng may napadaan na pulubi sa harap namin ibinigay nya yung pagkaen nya doon sa pulubi..and nung nag simba naman kaming mag kakaybigan may lumapit na Batang Tendera ng Sampaguita kay Hershey and dahil mukhang naawa si Hersh doon sa bata binili nya lahat yung Sampauitang tinda nung bata at inalay nya sa altar yung mga sampaguita.Kaya nga Mahal namin mag kakaybigan si Hersh kasi napaka buti nyang tao." kwento ni Thunder.

Sa Kwento ni Thunder tungkol kay Hershey parang nakokonsensya ako kung gagawin ko pa yung mga bagay na makakasakit sa kanya, Sya yung tao na hindi karapat dapat na sinasaktan dahil napaka linis ng puso nya.

Kaylangan ko na bang itigil ngayon palang  yung mga bagay na makaka Sakit sa kanya O Kaylangan ko pa rin saktan ang Tulad nyang inosente mapasaya lang yung spesyal na tao sa buhay ko.

F*CK SANA HINDI KO PAG SISIHAN ITONG DESISYON KO!!!

The Game is OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon