Prologue

9.5K 255 16
                                    

Sa buhay may mga pagkakataon talagang hindi natin alam kung anong dapat gawin. Alam niyo ba iyon? Yung tipong tama naman pero ikaw yung magsasakripisyo, yung tipong mali pero para saiyo tama dahil ito ang nagpapasaya sa'yo.



Masayang maging masaya pero hindi lahat nakakaranas ng ganoong saya, tulad na lamang ng hari ng kahariang Nordenia.



Alam niyang mapanganib ang buhay ng kanyang pamilya sa mundong kinalakihan nila, alam niyang posibleng sila ay mamamatay o mapahamak sa mundong akala niyang mapaya na. Nais man niya itong protektahan ngunit malaki ang responsibilidad niya sa kaharian dahil nga siya ang hari. Hindi lamang ang kanyang pamilya ang dapat niyang protektahan, kundi ang kanyang nasasakupan.



"Wala na tayong magagawa, Shenna. Alam mong matatalo na tayo ni Valden ngayon kaya sana naman makinig ka na saakin, alam kong mahirap. Mahirap din naman ito saakin dahil mawawalay kayo sa piling ko, ngunit ito ang tamang desisyon kahit ang sakit." wika niya sa kanyang reynang si Shenna.



"Ngunit kung magtutulungan tayo matatalo natin si Valden, Khael! Ano ba! Tutulong ako, ano pa ba ang silbi ko dito sa kahariang ito? Reyna ako, pero ako itong aalis?" sagot naman ng reyna.



"Shenna naman alam mong delikado. Paano na ang mga anak natin? Alam kong may responsibilidad ka sa kahariang ito pero sa mga anak natin may mas malaki kang responsibilidad. Ina ka nila, Shenna. Kailangan ka nila kaya pakiusap umalis na kayo."



"Khael naman...." iyak na wika ng reyna.




Pansin niyang ubos na ang kanyang hukbo, akma siyang aalis ngunit may pumigil sa kanya.



"Khael, pakiusap. Hindi ko kaya."



"Kayanin mo, aking mahal. Kayanin mo para sakanila" sabay tingin sa kanyang tatlong anak na sina Shy, Mae, Jayn at sa sinapupunan nito.




"Nais kong Ley ang ipangalan mo sa bunso natin, Shenna."




Hindi sumagot ang reyna sa halip iyak lang ito nang iyak.



"Umalis na kayo, kailangan ko pang tumulong sa ating hukbo, Shenna!"




"Shy at Mae... Bantayan niyo ang ina at mga kapatid niyo ah? Mahal ko kayo, naiintindihan niyo ba ako?"




"Opo, papa" sabay na sabi nito.




"At ikaw naman Jayn, tumulong ka sa mga ate mo kung kailangan ng tulong ah? Lalo na sa ina mo" tumango naman ang batang paslit.




"Pangako, ibabalik ko kayo rito. Pangako iyan, hintayin niyo lang ako ha? May ililigtas pa ako"




"Shenna, mahal na mahal kita"




At doon nagsimula ang nang kanilang pagkakawatak-watak bilang isang pamilya.




Apat na taong gulang pa lamang si Shy noon ngunit nasaksihan na niya ang digmaang hindi niya dapat makita, sa buhay nila napakahirap mabuhay. Digmaan doon, digmaan dito. Sulong doon, sulong dito. Kaya sa edad niya natuto na siyang maging malakas at huwag maging mahina.

Si Mae naman ay tatlong gulang na, gaya ni Shy namulat din si Mae sa mundong puro away ang nagaganap. Kaya sabi niya sa kanyang sarili na darating ang araw na siya naman ang magliligtas sa mundong kinalakihan nila.




Si Jayn ay dalawang taon pa lamang noong naganap ang digmaang naging dahilan ng kanilang paglisan. Sa batang edad niya noon ramdam na niya ang tensyon sa pagitan ng mga kaharian, kaya gusto rin niyang balang araw ay makatulong upang maipanalo ang kanilang kaharian.




Ano kaya ang magiging buhay nila sa mundo ng mga tao? Babalik kaya sila kasama ang bunsong kapatid at reyna? Tatanggapin kaya nila ulit ang naatasang responsibilidad?




Hindi natin hawak ang ating buhay ngunit tayo ang gumagawa ng paraan uoang mamuhay ng mapaya, makakamit kaya nila ito muli o di kaya babalik sila sa dating gawi?




Subaybayan!

The Four Lost Princesses of Norden (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon