Hi, guys! Pangalawang one-shot story ko na 'to. Sana magustuhan niyo kahit sabaw. Chos!
All the love. xx
~
“Uy, si Gen oh! Yieee.” tukso sa akin ng bestfriend kong si Tricia.
“Tigilan mo na nga ang pang-aasar sa akin kay Gen, may girlfriend na yung tao, oh.”
“Ayan na bes! Papalapit na si Prince Charming!” ani Tricia.
“Hi, Erene! Pabili naman ng sampung pisong hopia.”
Nang magbagsak talaga si Lord ng sandamakmak na appeal, eh sinalo ata ni Genesis lahat.
Wala pa ring kupas yung appeal niya. Gaya pa rin ng dati.
Hindi siya yung tipong sobrang gwapo, sakto lang. Pero, ewan ko ba kung bakit ang lakas talaga ng epekto sa akin ng taong ‘to.
“Erene… yung hopia?”
“Erene?”
“Bes, yung hopia!” “Ano ka ba, nananaginip ka na naman dyan kay Gen ng gising, eh. Chuva ka.” bulong sa akin ni Tricia.
“Ay, hopia! Sige sige. Pasensya na. Oh, heto na yung hopia mo. Parang ako, hopia pa din sa’yo.”
“Ha?” ani Gen.
“Wala, wala yun. Hehe.”
“Sige, salamat. Mauna na ako. Bye, Erene. Bye, Tricia.”
"Bye, Gen."
~
“Nakakahiya ka bes! Obvious na obvious ka naman masyado dun sa part na yun.”
“Eh, hindi ko kasi mapigilan kapag nandyan siya. Haaay, bes. Alam ko naman na walang pag-asang magkagusto siya sa akin kasi may girlfriend na siya, pero bakit ganun? Umaasa pa din ako. Kainis.”
“Alam mo bes, wala naman masamang umasa, eh. Wag lang sobra, kasi minsan ka ng nasaktan. Ikaw din.”
“Hay nako. Umalis ka na nga, dali at marami pa akong gagawin dito sa bakery! Tsupi! Shoo!”
“Okaaaay. Sige. Bye, Ms. HOPIA.”
“Tse!”
Haaay. Kahit kailan talaga yung bestfriend ko na yun, loka-loka.
Pero, very supportive siya sa never-ending love ko kay Genesis.
Oo, ilang taon na ang lumipas pero si Gen lang talaga ang gusto ng puso ko.
At kahit na tanga-tangahan pa din ang peg ko, gora lang. Kaya mahal na mahal ko yung chuva na yun, eh.
Ako nga pala si Erene, at ito ang aking kwentong pag-ibig.
~
*kriiiiiiiinggggggg*
“Class dismissed.”
Sa wakas, natapos din sa pagdada ang boring na prof namin sa Chem. Nakakaloka.
Malapit na ata akong takasan ng katinuan kung di pa nag-interfere ang pinakamagandang tunog na napakinggan ko, ang tunog ng school bell.
“Reng, saan ka after class?” ani Tricia.
“Ah, wala. Sa kubo na lang siguro. Tapos ko na gawin yung assignments sa next subject, eh.”
“Taray! Oh siya, sige. Pupunta muna ako sa library, hindi pa kasi ako tapos eh.”
“Okay bessy, bye.”
~
Habang naglalakad ako sa campus, hindi ko maiwasang mapatingin sa mga couples. Pwe. Magbibreak din kayo, 'no.