Cloud nine / oneshot;
~
"Hay nako, Nine! Kung ako sa'yo. Naghanap na ako ng paraan para malaman kung mayroon talagang iba iyang si Cloud!" ngumiwi nalang ako sa sinabi ng aking kaibigan.
I am Nine Lileigh Cellebras. I work as a chef in our Cellebras Hotel. Since Mom died, Dad focused in our hotel. Halos wala na syang oras sa amin. I'm glad Lola is there. Sya ang tinuring na naming nanay.
Inilapag ko ang binake kong cookies sa lamesa. Kumuha kaagad si Lia ng isang piraso at tinaas ang isang paa.
"Wala naman akong balak alamin na. You know, Lia. I trust Cloud. There's no need to doubt." ngumuso ako at umupo sa harap nya.
She rolled her eyes and pointed something beside me. I think it's my phone.
"Call him. Now." mariing sabi nya, kaya sinunod ko at kinuha ang phone ko. I search his name on my phonebook and called him.
But... no one answered.
"See?" sabi nya at tahimik nalang na kumain ng cookies. Binato ko sya ng isang unan sa tabi at ngumuso sya.
"Stop giving me bad ideas, Lia! You're not helping." sabi ko. Humalakhak lang sya at tumango tango.
"Hindi ko magawang mag-isip ng iba, Nine. Cloud... is a playboy way back high school. I know my cousin so much, nine." sabi nya at tinignan ako ng seryoso. I hate this serious chat. It's awkward.
Ngumiti nalang ako ng palya at tinitigan ang cellphone kong wallpaper ang pinaka-unang selfie namin.
"Come on, Nine! Don't be a kill joy!" putak nya habang kinukuha ang kamay ko mula sa lamesa. Inilingan ko lang sya.
"Ano ba Nine! Walang lalaking lalapit sayo! Paano ka nyan makaka-move on sa ex mong gago na nakita mo pang nakikipag-rak en rol to the heaven sa kasambahay nila ha?! Ha!?" sigaw nya. Malakas ang music na ginagawa ng Dj, kaya kailangan talagang sigawan rito sa Bar.
I rolled my eyes at tinaboy sya. For Peter's sake. Dad will be mad at me as soon na malaman nyang nag-bar ako. As well as my 8 older brothers.
Ngumuso sya at pumunta sa main na nangyayari rito sa bar. Pumunta sya sa naga-alon na mga taong halos maging wild na. Paalalahanan nyo nga ako na tanungin kung ano ang pangalan ng bar na 'to. Para malagay ko sa "Not allowed places" list.
Uminom ako ng milkshake na nasa harapan ko. I saw a bunch of guys na nasa kabilang sofa na nakatingin sa akin. Nilingon ko sila and give my cold look.
I'm not comfortable when I'm around boys. Well, except nalang kay Dad and sa mga Kuya ko. Ako ang bunso. ang saya 'no? Ako pa ang pinaghihigpitan nilang tunay.
Sa walo kong kuya, Kuya Eight is the closest. Sya kasi iyong may malapit na edad sa akin kaya nagkasundo kami. Sumunod naman si Kuya Six and Five because we share the same course, HRM. Kuya One, Two and Four ay nasa states kaya hindi kami masyadong nagkikita. Kapag may reunion lang. Kuya Three and Seven are both future doctors kaya busy sila sa buhay nila. Sa sariling condo sila nakatira kaya minsan lang din kami magkita.
Pero afterall, we still care at each other.'s life We share the same opinion about dad. Iyong tipong wala na syang oras sa amin dahil puro trabaho. On Kuya One's wedding, hindi sya dumalo. May business meeting sya sa Hongkong... that's why.
May isang lalaki ang umupo sa kabilang banda ng sofa na inuupuan ko. I looked at him pero binigyan nya lang ako ng ngiti. Tinaasan ko sya ng kilay pero dumating bigla si Lia.