Chapter 2

41 5 0
                                    

"Ah ma'am andito na po si lehan" sabi ni Leah.

Humanda ang Lehan yan dahil sa kanya sumakit ang katawan ko at napahiya pa ako. Di nagtagal at may pumasok na lalaki sa opisina at inferness ang gwapo niya.

"Ma'am ipinapatawag niyo raw ako?" Sambit nito.

Siya pala si Lehan. "So your Lehan, well alam mo ba kong ano ang trabaho mo dito? Ang linisin mo ang buong opisina!!!!" Galit na galit kong sabi sa kanya.

He bowed his head bago nagsalita

"opo ma'am"

"how come basa ang sahig dito!!!"

Hindi ko na siya pinagsalita at pumunta ako sa C.R. para kumuha ng isang tabong tubig. Ibinuhos ko ang tubig sa harapan niya bago ako nagsalita

"punasan mo yan using your clothes!" Galit kong sabi sa kanya.

Hindi siya nagsalita, habang unti unti niyang itinataas ang shirt niya kitang kita ko na may ABS siya. Harotttt masyadong malaswa para sa akin ang makakita ng ABS kaya

"stop!!!" Sabi ko sa kanya at binaba niya shirt niya

"nevermind just clean this mess" at umalis na ako para umuwi.

Sa pagbaba ko narinig ko 2 babae na nagtratrabaho in my Company nag-uusap

"ang sungit sungit talaga niya" sabi nung is a habang nakatingin sa akin.

"kaya siguro wala siyang lovelife" sabi naman nung isa.

Dinedma ko nalang para makauwi na ako.

*SA BAHAY*

Dumiretso ako sa kwarto dahil pagod na pagod na ako. Bago ako nagpahinga pumunta muna ako sa C.R. para magsipilyo, bago ako nag sipilyo ay nakita ko ang sarili ko sa salamin at biglang nagflashback ang sinabi ng mga babae sa office kanina

"ang sungit sungit talaga niya"

"kaya siguro wala siyang lovelife"

feel ko tuloy walang nagmamahal sa akin dahil sa kasungitan ko. Kasalanan ito ng Lehan na yan. Tatanggalan ko talaga yan ng trabaho bukas na bukas. Hmp whatever tulog na nga lang ako antok na rin ako.

*Kinabukasan*

He to na naman ako nasa harapan ng RFC building at buong araw na naman ako sa opisina, but wait,

hmmmmm tatanggalan ko pala ng trabaho yang Lehan na yan dahil sa kanya pinaguusapan tuloy ako.

Nagtanong ako sa mga guard kung nasaan si Lehan the janitor at itinuro nila kung nasaan siya. Andun siya sa gilid at mukhang may kausap siya sa phone. Nang malapit na ako sa kanya narinig ko siyang nagsalita

"opo ma magpapadala ako pag nakuha ko na ang sweldo ko, ano?! Wala nang gamot si papa eh paano naman yung tuition ni bunso sige po pagbubutihin ko nalang ang pagtratrabaho, heto nalang kasi ikinabubuhay natin. Sige po bye" sabi niya.

Tumalikod siya at nakita niya ako, tinarayan ko nalang ang tingin ko sa kanya at naglakad na ako papuntang office.

*Office*

Ewan ko bakit hindi ko siya tinanggalan ng trabaho, naawa ba ako sa kanya?

Sa kakaisip hindi ko namalayan nakatulala pala ako

"ma'am? ma'am? ma'am!!!" Sigaw sakin ni Leah.

"What?"

"pinapatawag po kayo ni ma'am Cory" sabi nito.

"Tell her I'll be on way" sagot ko naman.

*Tita Cory's office*

"Tita?"

"Upo ka iha" sabi niya sa akin at umupo naman ako.

"Bakit tita? Is there a problem?" Tanong ko sa kanya at tinignan niya ako ng seryoso, naku kinakabahan ako tuloy.

"Hindi na ako magpaligoy ligoy pa Ana, the Board members want to sell this Company" sabi niya

To be continued...

Ms.Señorita meets Mr.JanitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon