CHAPTER 3

22 0 0
                                    

FLASHBACK

"Kuya samahan mo naman akong lumabas. I want to go to the mall" sabi ko pagkabukas ko ng pinto at dumiretso sa living room ng kwarto ni kuya Adrian. Pagkakita ko sa kanya, hindi lang pala siya ang nandoon.

"Anna mamaya na ha? May ginagawa kasi kaming project ng kaibigan ko e. Nga pala, Anna si  Damian. Damian, kapatid ko si Anna." pakilala ng kuya ko.

Natulala ako sa kasama ni kuya. Bata pa lang ako, 16 years old lang ako alam ko. Pero kahit papaano alam ko naman mag appreciate ng biyaya ng Diyos. Hehehe. Siguro kaedad siya ni kuya kasi sabi naman niya gumagawa sila ng project kaya classmate niya siguro. Hindi ko makita kung gaano siya katangkad kasi nakaupo sila sa sahig, pero nakikita ko na maganda ang pangangatawan niya.

May muscles siya sa braso kahit hindi pa talagang malaki. Dark brown ang kanyang buhok na medyo gulo-gulo pa. Maputi siya na halatang may halo na ibang lahi. Matangos ang kanyang ilong.Manipis at mapula-pulang labi. At ang kanyang mga  mata, light blue ang kulay na taliwas sa paraan ng pagtitig niya na parang tagos sa kaluluwa.

What made me stop observing him was not the beautiful features he had, but the smirk he had on his face. Nahuli niya akong nakatitig sa kanya! Namula ako sa pagkapahiya.  Buti na lang busy si kuya sa paggawa ng project nila. Umiwas ako ng tingin at umalis na sa kwarto ni kuya after I said hello a few seconds too late.

Pagkatapos noon, mas dumalas na ang pagpunta ni Damian sa bahay. Lagi ko na siyang nakikita at ang presensya niya ang kumukumpleto sa araw ko. Hindi ko man siya nakakausap, ok na sa akin ang nakikita ko siya.

"Anna, where's your brother?"

"Lumabas may binili lang daw saglit, pero pabalik na siguro yun, kanina pa kasi . . . . . . ."

Napatigil ako sa pagsasalita at paglagay ng chocolate spread sa bread na kakainin ko. Hindi ko alam na siya pala ang kumausap sa akin kasi busy ako sa paglagay ng spread kanina.

". . . .umalis" tuloy ko sa sinasabi ko.

"Oh okay. I can just wait for him here. Is that what you are having for lunch?"

Halata sa pagsasalita niya na hindi siya lumaki dito. Pero kahit papaano nakakaintindi siya at nakakapagsalita kunti ng tagalog. Ang ganda ng boses niya. Ngayon lang niya ako kinausap. Dati puro tango lang at ngiti. Now he is actually talking to me! Ang saya! Parang bumukas ang langit at nagsikantahan ang mga anghel! Haha

"Anna?"

Ay hala nagspace out na pala ako. Haha. Ang ganda kasing pakinggan ang pagkakasabi niya ng pangalan ko.

"Yes, why?"

"You have to eat more than two slices of bread for lunch. Hindi maganda sa babae ang masyadong payat. Its better to have something more than that in your stomach. Maganda ka pa naman. "

Namula ako sa sinabi niya. He thinks I'm pretty?? Oh. My. God! Damian thinks I'm pretty! Mamamatay na yata ako sa kilig! Lord kill me now! Ay, hindi pa pala, sayang ang kagandahan ko, ngayon pa na napansin na iyon ni Damian. (*giggle* *giggle* --sa isip ko )

"Uhm, t-thanks k-kuya"

"Don't mention it sinasabi ko lang ang totoo" and he smiled.

Oh my goodness that smile!

His phone rang and he answered, "Hello? Yeah I'm at your house. Nasa labas ka na? Okay I'm coming."

How to Make Him Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon