[1] My Friends

150 8 3
                                    

First Arc: Realizing My Mistake

Chapter 1: Meet Me and My Friends

Lindsay's POV

 "OMG! Ang cute cute talaga ni supercrush!! The way he smiles... the way he talks... the way he laughs... everything about him is cute! Hayyzzz" sabi ko sa katabi kong girl na bestfriend ko all my life.

 "Naku Lindsay! Tigil-tigilan mo na nga yan. Paano kung nakita ka ng supercrush mo? Edi sasabihin nyang napaka-landi mong babae? Nakaka-turn off kaya yun" bulong sakin ni April(bff)

Ay oo nga noh... sabi ko sa sarili ko. I tried to compose myself. Kung nakita nga ako ni supercrush, mawawalan na ako ng chance sakanya. Para namang meron akong chance ngayon (-_-")

"Tama ka" bulong ko sakanya pabalik. "At ganyan April, ay kung paano umarte ang isang malanding girl" sabi ko sakanya ng mas malakas para hindi ako mapahiya sa mga nakapalibot samin sa Canteen.

 Hi! Ako nga pala si Lindsay Johan. Just turned 13. Cool, Cute and Popular! Charot! Joke lang yun ahh!! And I'm in a relationship with my supercrush!! Pero di nya alam secret lang namin ni April yun. Ahihihihi!

Speaking of April, eto nga palang katabi ko ay si April Mae Gonzales. Also 13. And... she's super cute! Super cute kaya muka syang doll! (>///<) Right now, we're waiting for her boyfriend na si...

 "Hoy! Lindsay! Tumutulo nanaman laway mo sa kaka-titig sakin!" sabi ng isang lalaki sakin

Speak of the devil

 "Bryan, ilang beses ko ba dapat ulit-ulitin? Di tayo talo! April oh! Pinagpapalit ka ng boyfriend mo!" sumbong ko kay April.

 "April, honey alam mo namang hindi kita ipagpapalit sa mukang unggoy na yan diba?" sabi ni Bryan kay April.

 "FYI, yang mukang unggoy na tinutukoy mo ay ang bestfriend forever ko!" sigaw ni April sakanya

Go April! Ipagtanggol mo naman ang kawawang bestie mo! yay~!

"Babe, sorry na oh..." patuloy nyang sinusuyo si April

Hmph! Yan kasi, tinawag mo akong unggoy bleh!! :P 

Yan si Bryan Lacandazo ang boyfriend ng bff ko. Dati, playboy to at laging nakikipag-flirt sa kung sino-sinong babae. Wala ito naging permanent girlfriend. But that was before he met April. Now that they found each other, he stopped being a playboy. And I'm happy for them, I've never seen April so happy before. Back to reality...

Mukang bati na ulit sila... of course hindi matitiis ni April si Bryan ayun sila mag-oorder na ng lunch nila... alam naman ni April favorites ko kaya okay lang kung hindi ako sumama sakanila.

 "Hi! You're Lindsay right?" sabi ng isang boses sakin

OMIGOSH~! Alam na alam ko ang boses na yan! Kay Dave Rutherford (aka supercrush) yon ahh!

 "Ah, yes. Bakit?" tanong ko sakanya sabay harap sakanya. Hindi kaya? Tatanongin nya kaya no.ko? O baka kug single pa ako? Oo Dave single pa ako! At sayung-sayo na ako~!

 "Ah, may ipinapaabot kasi si ma'am. Eto na oh. Sige, bye~" sabi nya sakin sabay walk-out

Yun na yun?! Ang taas pa naman ng expectations ko sa sasabihin nya tapos yun lang yun?! WTF?! >3< Puuuhh~! Nakakahiya naman yun! Sana naman walang nakakita sa reaction ko...

 "Ahahahaha!" may nakakita pala... (-_-") at alam ko kung sino yun. "Ang taas-taas ng expectations nya, tapos yun lang pala yun?! Ahahaha tawa much" halakhak ng halakhak si Bryan. Sige tuloy mo 'tol masamid ka sana. Aha! I've got an idea!

 "April~! Inaaway ako ni Bryan oh~! Pinag-tatawanan nya ako!" sumbong ko kay April na inabot sakin ang lunch ko.

 "Nakakatawa naman talaga eh~ I mean, Bryan tigilan mo nga yan" sabi nya sa boyfriend nya

 "Para kayong bagong kasal~" sabi ko sakanila. Alam nyo expressions nila? Parang ganito ohh ------> (>///<) Pulang-pula sa sobrang kilig!

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

Okay~! Finished the first chapter~! Wait nyo yung pangalawa ahh?

Thnx~! >MWAH<

Be Careful of What You Wish For!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon