AOH | 31

15 0 0
                                    

--

11: 49 PM

Alexis daw: bai, basahin mo tong mabuti.

Alexis daw: magpapaliwanag ako

-

Alexis daw: Bai matagal na kitang gusto. Kaya kilala kita kahit bai lamang ang nakikita ko dito sa former messages niyo ng ex boyfriend mo na si cris which happen to be my first cousin ay dahil crush kita noon pa.

Pinagtanong ko ang pangalan mo. Pero nalaman kong may boyfriend ka pala at si cris pa so nawala ang plano kong ligawan ka dahil sabi nila matagal na kayo. At ako naman, bago palang dito.

Minsan napag- usapan ka namin nina Jake at mga ka team mates ko sa basketball dahil alam nila na gusto kita.

Totoo pala na sa kanya lang umiikot ang mundo mo kasi sa twing nakakasalubong kita parang wala lang sayo habang ang sa iba naman, hindi naman sa pagmamayabang, eh parang mahihimatay na.

Kaya mas lalong sumidhi ang pagnanais ko sayo dahil iba ka sa lahat bai. Iba.

Ng dumalaw ako sa bahay nina cris dahil inutusan ako ni mama na dalhin sa kanya ang papadala nito dahil aalis na siya, may nakita akong tinapon niya.

Akala ko bagay yon mula sayo kaya hinahanap ko at ang tanging nakita ko lang ay ang isang sim na natabunan na medyo ng lupa.

Kinuha ko iyon. Ininsert sa cp ko at nagsusulputan ang mga text mo.

Hindi ko rin inisip na replyan ka noon dahil baka umasa ka na ang gumagamit parin ng sim ay si Cris.

Kaya biniro nalang kita dahil alam ko namang malalaman mo rin na hindi na si cris ang gumagamit nitong sim kaya nakatanggap ako ng iba't ibang klaseng mura galing sayo.

Pero naiintindihan naman kita bai.

Umalis na si Cris. Tinanong ko siya kung ano talaga ang nangyari behind that shit viral video na dahilan ng paghiwalay niyo.

Sinabi niya sa akin na niloko ka niya bai kaya ng lumabas ang video ay inisip niyang excuse yun para di ka na masyadong masaktan dahil napamahal na siya sa babae.

Bai wag ka sanang magagalit dahil binibiro kita pero nandito parin ako para maghintay sayo na makamove on.

I can be your way too at liligawan na talaga kita lalo na ngayong wala ka na palang boyfriend

--

Art Of HeartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon