Basta masaya ka (One Shot)

64 0 0
                                    

Masaya magkaroon ng bestfriend na lalaki. Kasi siya yung magiging kuya mo, yung magiging tagapagtanggol, at magiging tatay tatayan mo na pwede mong pagsabihan ng mga problema mo. Gaya natin, diba bestfriend?

Palagi mo akong inaalagaan, pinoprotektahan, nagpapatahan sa akin pag umiiyak ako at nagpapatawa sa akin pag malungkot ako. Masaya ako at nakilala kita, masaya ako at naging parte ka ng buhay ko.

Baka yun na rin siguro ang naging dahilan.........

para mahulog ako sayo. Haha. Alam ko, ang cliche.

Akala ko kahit papano may nararamdaman ka rin para sakin. ....

Kaso isang araw, nagising nalang ako na iba na ang palagi mong kasama. Yun yung araw na dumating sa buhay mo si Clei.

Sabi mo pa nga

"Raine, sa tingin ko nahanap ko na siya. Sa tingin ko si Clei na talaga ang babaeng para sakin. Bestfriend, mahal ko na nga siya." parang ang saya saya mo nung sinabi mo ang pangalan niya.

Nang marinig ko ang mga sinabi mo biglang sumikip ang dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksiyon ko kaya ngumiti nalang ako ng pilit.

"Talaga? Masaya ako para sayo." Masaya nga ba?

"Salamat. Raine, pwede ba akong humingi ng pabor sayo?"

"Sure. Anything." Kahit ano BASTA MASAYA KA.

"Pwede mo ba akong tulungan na mapalapit kay Clei. Ilakad mo naman sa kanya oh. Please bestfriend." sabi mo sakin habang naka pout

Di ko alam kung bakit napapayag mo ako na ilakad ka sa kay Clei. Pero kahit na alam kong yun ang bagay na pinakaayaw kong gawin, ginawa ko parin BASTA MASAYA KA. Kasi ang pasayahin ka lang ang alam kong paraan para mabayaran ko ang lahat ng utang na loob ko sayo.

Araw araw kang nagpapadala sakin ng bulaklak para kay Clei. Araw araw ko ring hinihiling na sana balang araw ako naman ang bibigyan mo ng mga bulaklak.

At nangyari na nga nag pinaka kinakatakutan ko. Ang mapalapit ka kay Clei.

Dati araw araw tayong magkasabay na kumakain pero ngayon, iba na ang kasabay mo.

Unti unti akong kinakain ng selos. Naiinggit ako sa kanya kasi mas matagal tayong magkasama, mas matagal tayong magkakilala pero mukhang mas malapit pa kayo sa isa't isa.

Pero binalewala ko ang lahat ng nararamdaman ko para sayo BASTA MASAYA KA.

At naging kayo na nga ni Clei. Kahit masakit sinuportahan parin kita kasi alam kong dun ka masaya. Nag aalala ako kasi anytime soon baka tuluyan ka na nga niyang agawin sakin.

Naalala ko pa nung araw ng birthday ko sabi mo hindi ka makakapunta. At ang rason mo, monthsary nyo ni Clei at sabi mo gusto mo siyang makasama ng buong araw. E pano naman ako? Diba palagi naman kayong magkasama ng girlfriend mo? Di pa ba kayo nagsasawa sa isa't isa? Eh ako, kelan mo ba sasabihing gusto mo rin akong makasama? 

Pero kahit na ganon pinabayaan kita sa gusto mo kahit na malungkot ako sa mismong birthday ko BASTA MASAYA KA.

Nung nagkasakit nga ako tinawagan kita kasi gusto kong samahan mo ako sa ospital nung araw na yun pero ang sabi mo hindi ka makakapunta kasi may sakit rin SIYA. Sabi mo dadalaw ka nalang sa mga susunod na araw pero kahit kelan di ka nakapunta. Palagi kitang hihanap nung mga panahong yon. Siguro nasanay lang talaga akong palagi kang nasa tabi ko. 

Bakit ba kasi palagi nalang ako ang second choice mo? Hindi ba pwedeng kahit isang beses man lang ako naman ang unahin mo?

Minsan tinatanong ko ang sarili ko kung bakit di ko kayang sabihin sayo na mahal kita. Ilang beses na rin akong nag attempt na umamin sayo pero naisip ko na pag ginawa  ko yun baka masira ko pa ang pagkakaibigan natin at baka mapalayo na nga ako sayo ng tuluyan.

Naiinggit ako sa kanya kasi nasa kanya na ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko.

Wala namang nagbago sa pagturing mo sakin pero sa tingin ko ako ang nagbabago kasi sa twing nakikita ko kayong magkasama gusto kong ilayo kayo sa isa't isa. Sa tingin ko nagiging masama na ako dahil sa sobrang pagseselos ko. Ayaw ko lang kasing may kahati ako sa atensiyon mo.

Isang araw, bigla mo nalang akong kinausap.

"Raine, pasensiya na. I know this is so sudden but I need to talk to you one-on-one."

Parang bigla akong kinabahan nang sabihin mo sakin yan. Matagal tagal mo na rin kasing di tinatawag ang pangalan ko.

"Ano bang gusto mong pag usapan natin, Luke?" huminga ka muna ng malalim.

"First of all, I wanted to thank you kasi kung di dahil sayo hindi magiging kami ni Clei..."

Alam ko. Kaya nga pinagsisisihan kong pumayag ako sa gusto mo. Kasalanan ko rin kung bakit ako nasasaktan ngayon.

"Raine, alam kong naging isa kang mabuting kaibigan para sakin pero.....

kailangan mo na akong layuan."

Bigla akong nanginig sa sinabi mo. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Gusto ni Clei na layuan mo ako kasi nagseselos daw siya. Kasi sabi niya baka mahulog daw ako sayo at iiwan ko siya sa ere. Pag di raw tayo lumayo sa isa't isa makikipag break daw siya sakin."

Napatawa nalang ako ng mapait. Naagaw ka na nga niya sakin gusto niya pang paglayuin tayo. 

"Mahal mo talaga siya no? Kasi kahit pagkakaibigan natin kaya mong i give up para sa kanya. Takot ka ring mawala siya sayo. Kung ganon, edi okay..." sabi ko ng nakangiti ng pilit.

Nabigla ka sa sinabi ko.

"H-ha?.. Raine.."

"Okay, kung gusto mo ako na mismo ang lalayo sayo. BASTA MASAYA KA okay lang sakin yun." pilit akong ngumiti sayo.

"Pero Raine bakit? Bakit ka papayag? Hindi ka man lang ba tututol?"

Bakit nga ba?

"Wala kasi akong karapatan para tumutol kaya gagawin ko ang gusto mo BASTA MASAYA KA okay lang sakin. Mahal kasi kita, Luke. Mahal na mahal." sabay pagpatak ng mga luha ko.

And with that, I turned my back from him and started to walk away.

I think it's better this way.

Yung ako na mismo ang lumayo sa kanya at lumimot.

Yung ako ang masaktan wag lang siya.

Nagpakalayo ako sayo. Palagi kitang iniiwasan kahit alam kong masakit. Nagseselos ako kasi palagi ko kayong nakikitang magkasama. Naisip ko, ano kayang pakiramadam kung ako ang nasa lugar niya? Magiging masaya ka rin kaya?

Nagpatuloy ako sa paglayo sayo hanggang sa makilala ko si Stanley, manliligaw ko. Gwapo siya, matalino, halos magkapareho nga kayo ng ugali e. Kaya lang, kahit anong gawin ko ikaw parin ang laman ng puso ko. Mahal kita. Di ko alam kung bakit, pero mahal na mahal kita Luke. Sana maging masaya ka sa piling niya.

-FIN-

-----

Minsan, may mga bagay talaga tayong nagugustuhan pero kahit kelan ay di talaga mapapasatin kahit ano pa man ang gawin natin.

At dahil umiikot lang sa iisang tao ang mundo natin, hindi na natin napapansin na may mga tao rin palang nagmamahal sa atin.

_____________

Hello readers! This is my second one shot story so far kaya sana po magustuhan niyo.... ^_^

Thank you for reading po.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Basta masaya ka (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon