Prologue

17 0 0
                                    


Bakit ba hindi nila makita itong mga kababalaghang nakikita ko. Ano ba itong mga ito? Multo? Engkanto? Matagal ko na silang nakikita, simula ng ako'y bata palang. Pero ano ba talaga itong mga ito? Sinasaktan nalang nila ako palagi.

"Misao?! Bakit para ka diyang nangisay at di gumagalaw. Di mo kami pinapakinggan. Nakatulala ka na naman!!"

"Huh, What?" Nawawala nanaman ako sa aking sarili. May kumakausap pala sa akin.

"Ang sabi ko, Anong gusto mo para bukas? Kaarawan mo hindi ba?" Ay oo nga pala, ika-labing pitong kaarawan ko na bukas!

Masyado akong nagbibigay atensyon dito sa bagay na nasa lamesa ko. Sa palagay ko, ang bagay na ito ay ang espirito ng Mizuko o espirito ng mga batang hindi nabigyang masilayan ang mundo. Sinusundan nila ako kahit saan, kahit dito sa eskwelahan.

"ahmm ano ba pwede...AHHHH!!! Boyfriend!!" Sadyang naiingit lang ako sa kanila dahil buti pa sila'y may bumabagay o sa ibang salita may tumatagal sa kanilang taong sumama at makipagdate.

"Wag kang paulit-ulit. Hindi ba't may nanghihingi ng cellphone number mo?"

"Ehh Hindi ko ibinigay ehh"

"Ang mapili mo naman! Hindi ka talaga magkakanobyo niyan!"

Sa totoo nga niyan, may hinihintay akong isang tao. Hindi ko siya maalala pero masasabi kong kalaro ko siya dati. Siya lang ang nakakapagtaboy sa mga nilalang na ito, na laging pumapalibot sa akin.

At nang malaman kong aalis na siya ng panahong iyon, sobra akong nalungkot. Mawawala na siya sa tabi ko. Wala ng magliligtas sa akin. Di ko alam kung pano sila mawawala. Hindi ko sila kaya marami sila.

"Hala nahimatay nanaman siya!!!!"




This story is not mine. This is from manga named "Black Bird." You can check it if you want. This work is just merely for people who don't want to read manga. Actually I'm just recommending it by making its tagalog version. I just want to share this story coz' it has a marvelous flow and at the same time, its ending (a heartbreaking and unforgettable one). Let's say that gusto ko lang ishare sa wattpad ito (an experiment if wattpad readers want it or not). I'm not really sure if I'll pursue it or maybe gonna delete it later.

Black BirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon