Chapter 1

12 0 0
                                    


"Sorry kung sinama kita dito ng wala sa oras." Totoo ba to?! Nasa tagong lugar ako ng school grounds namin at may kasamang lalaki!! Is this a time for a freaking confession of Love?! Ugh I can't take it.

"Ahh ...Di mo ata ako kilala...Ako nga pala si Isayama...3rd year." Nahihiya niyang sabi. Bakit ba siya nahihiya. DAPAT NGA AY AKO YUN!!! I can't believe what's happening right now.

"Si-sinong di makakakilala sayo?!" Hala mukhang sinisigawan ko pa siya!! Nakakahiya!

"Kung papayag ka...Pwede ba tayong lumabas minsan?" Hala, hindi ko inaakalang si ISAYAMA ay may ganitong pagtingin PARA SAKIN?! Ang cute niyang mahiya....

Paano ba naman ako magwawala ng ganito. Isa siya sa mga pinagkakaguluhan ng mga babae dito sa eskwelahan marahil na din sa magaling siya sa Tennis. Mukhang magkakalagnat ako sa mga nangyayari.

"AHHHH!!!"

"Mag-ingat ka!! Ok ka lang Misao?" NAKU!!! Nakakahiya talaga ako!! Nadulas ako sa harap niya, Pero ok lang nagkataon namang nahablot niya agad ako.

*Shiver*

Kumalas ako sa kanyang hawak. Ba't ganun parang may iba akong pakiramdam ng mahawakan niya ako? Siguro magkakasakit lang talaga ako ngayon.

"Ahmm, Sorry Isayama. I need to go home. Lalagnatin ata ko."

"Eh? Ahh sige, Ingat ka..."

Naku...Siguro sa ngayon nagbabago na ang isip ni Isayama. Nakaka-turn off iyong ginawa ko!!

Ano ba yan Misao...Stop waiting. Walang maidudulot sayo ang maghintay sa taong di mo malaman kung buhay pa ba.

Ayyyy, Nasa tapat na pala ako ng bahay.

Sa pagbukas ko ng gate ng aming bahay, napansin ko ang bahay malapit sa amin. Nakabukas na ang gate nuon.

Dahil sa kuryosidad, pinuntahan ko ito. Akala ko ba'y bakante itong bahay na ito. May lumipat na kaya?

Hala may tao...Nagpipitas siya ng mga bulaklak sa hardin ng bahay...

Ang ganda niyang babae...

Mali! Mali! Lalaki siya!

"Misao." Nakatingin na siya sakin! "Matagal na tayong di nagkikita..."

Kilala ko ba siya?

"Huh? Ahh... ehh.. How do you even know my na—"

"Hindi mo naaalala? Naninirahan ako dito dati. Sampung taon na ang nakakalipas...'

"Ako to—si Kyou...'

Kyou?

"Noong napakabata pa natin, nakakasanayan mong pumunta dito at makipaglaro sa akin."

"Lumalapit parin pala sila sayo." Sabay taboy niya sa mga umaaligid sa aking mga elemento.

(Note: It's a Mushi, literally insect in Japan but in this story/manga, it's an ephemeral life form most people can't see with supernatural powers.)

Tinaboy?

"Pa-panong... Nakikita mo sila?" di makapaniwalang sabi ko habang tinuturo ko ang mga iyon.

"Oo, nakikita ko sila. Hindi mo talaga maalala?"

*Badump* Ang taong ito—siya marahil...

"Simula ngayon ay titira muli ako sa bahay na ito kaya't kung may kailangan ka, magsabi ka lang." Binigay niya sa akin ang pumpon ng mga bulaklak na kanyang pinitas.

Umalis na rin agad ako at ngayon, naguguluhan ako sa mga pangyayari.

'Noong napakabata pa natin,

nakakasanayan mong pumunta dito at makipaglaro sa akin.'

Talagang BUMALIK SIYA PARA SAKIN?! Pero isang pangako lang ng mga bata iyon dati! Hindi naman ata siya seryoso—Hindi ba?! Pero buti bumalik siya....




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Black BirdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon