MAGHIHINTAY AKO

106 1 0
  • Dedicated kay Maneja John
                                    

Masayang masaya si Joanna at muli siyang nabigyan ng pagkakataon na muling makapag-aral sa isang unibersidad. Nahinto kasi sya sa pag-aaral nang magkasakit ang kanyang ina. Bagong mga mukha ang kanyang nakita, bagong kapaligiran, bagong mga pagsubok, at bagong pag-asa. Ngunit hindi nya inakala na may bagong pag-ibig palang uusbong sa bagong yugto ng kanyang buhay..

Sa unibersidad na kanyang pinapasukan ay nakilala nya si John. Mabait at masipag na bata si John kaya naging kilala sya sa buong unibersidad. Ni minsan ay hindi sumagip sa isip ni Joanna na darating ang araw na mapapalapit sya kay John. Ilang araw ang lumipas, lubos nilang nakilala ang isa’t isa. Masaya si Joanna sa tuwing magkasama sila ni John. Naging madalas ang kanilang kwentuhan hanggang sa nahulog na ng tuluyan si John kay Joanna.

“Joanna, alam mo bang may mahal ako ngayon?” wika ni John.

“Ha? Eh, sino ba?” sagot naman ni Joanna.

“Ah, eh baka magalit sya sakin pag sinabi ko.”

“Pangako, hindi ko sasabihin kahit kanino.”

“Ikaw, ikaw ang mahal ko Joanna. Hindi ko alam kung bakit at kung paano ito nangyari, ang alam ko lang ay mahal na kita.”

“Eh diba may nobya ka na?”

“Oo, pero malayo kami sa isa’t isa. Hindi ko alam kung kami pa ba o hindi na. Pero gusto kitang  maging nobya ko.”

“Hindi pa kita masasagot sa ngayon. Ayokong makasira ng isang relasyon John.”

Matapos ang pag-uusap nilang iyon, naging malamig na ang kanilang pakikitungo sa isa’t isa. Dumating ang araw na nagkaroon na rin ng nobyo si Joanna. Hinintay nya si John na muling magtapat sa kanya ngunit hindi na ito nangyari. Lumipas ang ilang buwan at nalaman ito ni John. Nasaktan sya nang husto at muli’y kinausap si Joanna.

“May nobyo ka na pala, eh hindi mo man lang sinabi sa’kin. Pero okay lang ako. Sana maging masaya ka sa kanya.” malungkot na tugon ni John.

“Hinintay kita John, pero hindi ka muling nagtapat. At dumating sya sa buhay ko, gusto ko rin namang maging masaya kaya sinagot ko sya.”

“Natakot akong hindi mo na naman ako sasagutin, kaya nagpigil ako. Pero mahal na mahal parin kita Joanna. Ikaw lang.”

“Minahal din naman kita John pero huli na yata ang lahat.”

“Maghihintay ako Joanna. Hihintayin pa rin kita.”

Isang taon ang lumipas. Nasa ikalawang taon na silang dalawa sa kolehiyo. Naging mas malapit sa isa’t isa sina Joanna at John. Minsan ay magakasama sila sa pamamasyal at “Yam” ang tawag nila sa isa’t isa na ang ibig sabihin ay “You Are Mine”. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, naging karelasyon ni John ang isa nilang kaklase. Kahit may nobyo si Joanna, hindi nya maipaliwanag ang sakit nang malaman nya ito mula kay John.

“Yam, kami na pala ni Kate. Pasensya ka na at ngayon ko lang nasabi sa’yo. Natakot kasi ako.” wika ni John.

“Yam, bakit sya pa? Bakit kaklase pa natin? Eh makikita ko kayong dalawang magkasama. Alam kong wala akong karapatang maramdaman ito, pero ang sakit eh. Ang sakit sakit lang, yam.”

“Patawarin mo ako Joanna.”

Hindi kinaya ni Joanna ang kanyang narinig. Mabilis syang nagtungo sa kanyang boarding house at doon ay umiyak nag husto. Nasasaktan sya sa mga nangyayari sa kanila ni John. Mahal nila ang isa’ isa ngunit may iba silang karelasyon. Hanggang sa naghiwalay si Joanna at ang kanyang nobyo. Ilang linggo rin ang lumipas at naghiwalay si John at Kate. Muli silang nabigyan ng pagkakataon na mag-usap. Isang hapon sa kanilang room.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 04, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MAGHIHINTAY AKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon