Hindi pa man sumisilip ang araw ay handa na ang bangka na gagamitin ng grupo sa paglalayag. Abala ang lahat sa pag-hahanda ng mga kagamitang panisid at kapwa mga nasasabik sa paglalayag sapagkat ang araw na iyon ay hindi katulad ng mga naunang araw na nagdala ng mga pagkabigo.
Halos dalawang linggo na mula nang dumating ang grupo nila Rico sa bayan ng San Rafael. Kasama ang mga kaibigan na sina Roel, Ace at Casey na pawang mga antique collectors, pinag-aralan nila ang archipelago ng bayan lalo pa ang dagat na nakapalibot dito. Limang taon nang nangungolekta at nagbebenta ng mga antigong kagamitan ang magkakaibigan bilang kabuhayan, at kamakailan lamang ay nag-umpisang mahumaling sa paghahanap ng mga pinaka-pambihira at kakaibang koleksyon na siyang naghatid sa mga magkakaibigan sa naturang bayan.
“Ito na! This will serve as a proof na mga real treasure hunters na tayo! Ha ha!” Sabi ni Ace, na abot-tainga ang ngiti. Nag-umpisa na sila ng kanilang pag-lalayag at ang lahat ay sabik na marating ang kanilang destinasyon.
“It’s forty-five feet below kaya dapat mag-ingat tayo sa pagsisid, unpredictable ang current sa ilalim kaya dapat synchronized ang mga galaw natin.” Paliwanag ni Roel sa mga kasama. “Make sure that you are wearing the proper gears, and Casey, please paki-check muna ulit yung mga equipment na gagamitin natin mamaya.”
“Case, ngayon lang ako maghahabol ng ganito sa babae! Ha ha! Lalanguyin ko ang dagat at sisisirin ang kailaliman makuha ka lamang” Biro ni Rico kay Casey sabay muwestra ng mga kamay na parang nagmamakaawa.
“Ilang beses mo nang inulit-ulit iyan Roel.” Sagot ni Casey. Kahit Ilang beses nang nag-inspeksyon si Casey sa mga diving equipment na kanilang gagamitin ay muli niyang tinignan ang mga ito upang maiwasan ang mga aksidente habang sila ay nasa ilalim ng dagat. Buo ang loob ng mga magkakaibigan na sa pagkakataong ito ay makukuha na nila ang kanilang pakay sa naturang lugar – ang luha ng dalaga.
May isang oras pa bago nila marating ang isla kung saan nakalagak ang sinasabing luha ng dalaga o mas tanyag sa mga dayuhan sa tawag na “The maiden’s cry”. Ang rebulto ng isang dalaga na may taas na katulad ng sa tunay na tao at pinaniniwalaang naglalaman ng mga diamante at iba pang mahahalagang bato, alahas at salaping ginto na pagmamay-ari ng isang mayamang matandang dalaga na noo’y anak ng may-ari ng lupain ng bayan ng San Rafael. Ang rebultong ito ang nagsilbing palatandaan kung saan nakalibing ang labi ng naturang matandang dalaga. Kinatatakutang ang nasabing rebulto sapagkat ito lamang ang natatanging rebulto na itinayo sa kalagitnaan ng sementeryo ng San Rafael at madalas na napagkakamalang ng mga tao na isang multo sa kalagitnaan ng gabi. Ngunit ang nasabing rebulto ay may higit sa isang daang taon nang hindi nasusulyapan ng mga mamayan ng naturang bayan dahil ang ilang parte ng San Rafael maging ang buong sementeryo ay naglaho at nilamon ng dagat nang dahil sa isang malakas na paglindol at ang noon ay isang burol na tanda ng hangganan ng sementeryo ay isa nang maliit na isla. Tanging ang mga naunang mamayan lamang at iilang maninisid ang nakaka-alam ng eksaktong kinatatayuan ng nasabing rebulto.
Nang marating ang lugar kung saan nakatakdang hanapin ang rebulto ay naghanda ang bawat miyembro at nag-umpisa nang sumisid sina Casey, Rico at Roel. Naiwan si Ace at tatlo pang mangingisda sa bangka upang maging alalay mula sa itaas sa oras na kailanganin nang ihaon ang rebulto.
“Magiging maganda ang araw na ito, sang-ayon ang panahon sa mga mangingisda.” Sabi ni Mang Kanor, isang matandang mangingisda na residente ng bayan. “Naaalala ko pa, may ilang dekada na mula noong huli akong nagpunta sa gawing ito ng isla kasama ang Tatang.”
“‘Tatang’ ho?” Tanong ni Ace sa matanda.
“Naku! Nagpapaka-sentimental na naman ang matanda!” Sabat ni Carlito, isa rin sa mga mangingisda. “Ang tatay ni Mang Kanor ang isa sa mga unang nakikita sa rebulto sa ilalim ng dagat. At ang lolo naman niya ang dating katiwala sa mansyon ng dating may-ari ng lupain bayan.”
“Kung ganoon ho pala ay konektado ang inyong pamilya sa may-ari ng rebulto?” Usisa ni Ace.
“‘Tay, kuwentuhan mo nga ang ating bisita at nang maaliw naman pati kami habang naghihintay sa kayamanang iaangat natin mamaya.” Tila nang-aasar na sabi ng anak ni Mang Kanor na si Simeon.
“Oh, siya! Ikaw na bata ka talaga.” Nangingiting sabi ng matanda. “Ang aking lolo nga ay dating katiwala sa mansyon ng pamilya ng mga del Fierro. Ang totoo niyan ay iba ang ngiti ng aking lolo sa tuwing siya ang magku-kuwento tungkol sa kaniyang paninilbihan sa mansyon noong kanyang kabataan. At sa maniwala ka’t sa hindi ay nasaksihan niya ang bawat pangyayari sa mansyon hanggang sa mga panahon ng paglubog ng sementeryo ng San Rafael.” Pagmamalaki ni Mang Kanor sa batang kausap.
“Binata pa lamang daw ang aking lolo nang magsimulang magtrabaho sa pamilya ng mga del Fierro. Ang sabi’y napakabait ng pamilya sa mga taong naninilbihan sa kanila kahit na sila ay mga dayuhan kung kaya’t malapit ang loob nito sa mga mamamayan. Mayroon silang nag-iisang anak – si Ynez. Mabait at napakagandang dalaga. Maria Clara ng kanyang panahon kung ilarawan ng ilan pang mga naunang matatanda sa bayan. Mga mayayamang kalalakihan lamang daw ang nakapanliligaw sa dalaga.”
“Ngunit isang araw, napag-alaman ng kaniyang ama na mayroon siyang relasyon sa isa sa mga magsasaka sa kanilang bukid. Mula noon ay hindi na pinalabas ang dalaga sa mansyon. Sa mga panahon ding iyon ay itinakda na ang kasalan ng dalaga at ng isa sa mga anak ng mayamang pamilya ng mga Sollestre na taga-kabilang bayan. Pero ang binatang kasintahan ng dalaga ay totoong matiyaga at mahal ang dalaga kung kaya’t lihim na nagkikita ang dalawa.”
“Isang gabi, ginising daw si lolo ng kanyang kasama dahil sa isang kaguluhan. Naabutan niyang natataranta ang mga kasambahay at ang ilan pa nga ay nag-iiyakan. Maging ang Senyora ay umiiyak na lumabas ng bahay. Ayon kay lolo ay nakita niya ang Don na umiiyak ito habang yakap sa kaniyang mga bisig ang wala nang buhay na anak. Nagpatiwakal daw ito dahil sa labis na kalungkutan at ang nakalulungkot pa nito ay may isa pang buhay na nawala sapagkat nagdadalang-tao ang dalaga. Ilang araw matapos ang masaklap na pangyayari, nakitang palutang-lutang ang bangkay ng binata sa dalampasigang malapit sa sementeryo.”
“Dahil sa malaking sama ng loob at konsensyang dinadala ng Don ay pinagawa niya ang rebultong kamukha ng kanyang anak at pinununo ito ng lahat ng mga mamahaling kayamanang pag-aari ng mag-asawa.” Napabuntong hininga ang matanda habang nagsasalaysay. Namamanghang nakikinig si Ace sa matanda sapagkat hindi lamang pala isang kayamanan ang kanilang makukuha kundi isang bahagi ng nakaraan ng bayan ng San Rafael.
Habang abala sa pakikinig ang mga binata sa mga kuwento ni Mang Kanor ay isang pamilyar na tunog mula sa isang aparato ang narinig ni Ace, hudyat na nahanap na ng mga kasama ang pakay nila sa lugar.
Nagmamadaling ibinaba ang mga lubid na mag-aahon sa rebulto na siya namang inabot ni Roel na naunang umahon at muling bumalik pailalim upang iabot ang mga lubid sa mga kasamang nananatili pa rin ilalim ng tubig.
Pina-ikot na ang makinang hahatak sa yamang ikinubli ng karagatan sa mahabang panahon. Animo’y parang mga batang sabik ang bawat isa habang nakadungaw sa mala-salaming tubig ng dagat.
At nang maihaon na ang rebulto, napapalakpak sa tuwa ang mga kasama nilang mangingisda sapagkat malaking halaga ang ngayon ay nasa kanilang harapan.
“Malaking tulong sa atin ito ‘tay.” Sigaw ni Simeon.
“Hindi lang ho sa inyo, kundi sa buong bayan ng San Rafael. Dahil sa pagkakadiskubre natin dito, maaaring magka-interes ang mga awtoridad sa yaman ng bayan na maaaring magdala ng benepisyo sa mga mamamayan.”
BINABASA MO ANG
The Maiden's Cry
Short StoryAng paghahanap ng mga magkakaibigan sa sinasabing rebulto ng luha ng dalaga o 'The maiden's cry' na naglalaman ng sandamakmak na kayamanan na nakatago sa kailaliman ng karagatan. Ano mang pagkakatulad ng kuwentong ito sa tunay na buhay ay hindi sina...