Dear JM

337 18 8
                                    

Dedicated sa kanya. Salamat dahil nagbigay ka nang time para magreply sa mga messages ko sa message board mo. Hehe. Idol kita eh..

_ _ _ _ _ _

                                                                                              October 04, 2013

Dear JM,

Sana ay may panahon kang basahin ang sulat kong ito dahil nilalaman nito ang lahat-lahat nang ninanais kong sabihin sayo mula noon hanggang ngayon. 

Saan ba ako dapat magsimula? Ah! Naaalala mo ba noong nasa second year highschool tayo? Sa lahat ng mga lalaking kaklasi natin, ikaw ang pinaka-close ko. Lagi tayong nagkwekwentuhan at nag-aasaran.

Naaalala mo pa ba noong tinutukso tayo nang mga kaklase natin? Bagay daw tayo.

Syempre pinapakita kong naiinis ako. Sinasabi ko na magkaibigan lang talaga tayo. Napaka-defensive ko. Pero ang totoo nyan habang tumatagal, gusto ko nang tinutukso nila tayo. Masaya ako na sinasabi nila na bagay tayo para sa isa't isa. Akala ko ganun din ang pakiramdam mo.

Akala ko lang pala yun. 

Dumating ang Valentines Day. Hinintay ko na lumapit ka sakin at yayain akong lumabas o kahit man lang bigyan ako nang valentines card. Pero di mo ginawa. Sa mga panahong yun, nalungkot ako. Crush na pala kita noon. In denial lang ako.

Third year na tayo at magkaklasi parin. Ewan ko kung ano ang nangyari. Basta nalang nagkaroon nang gap sa pagitan nating dalawa. Alam mo bang gustong-gusto kitang lapitan nun? Miss kasi kita. Na-miss mo rin ba ako noon?

Dumating sa point na tinutukso ka na nila sa iba, sa bestfriend ko pa. Syempre ako nakikitukso rin kahit na masakit sa pakiramdam ko. Hindi kasi alam ni bestfriend na crush na kita. Walang nakaka-alam. Walang nakakapansin.

Wala.

One time, nagkasiyahan ang buong section natin. Na-excite ako dahil sumali ka. Naglaro tayo nang spin the bottle. Kung kanino tatapat ang bote ay kailangan sagutin ang tanong nang isa.

Noong ikaw na, tinanong ka kung sino ang sasagipin mo kung lulubog ang barkong lulan ang buong section natin. Naalala mo pa ba? Matagal ka sumagot. Nakatutok lang ako sayo nun. At ang naging sagot mo, pangalan nang bestfriend ko.

Naghiyawan sila. Ibig bang sabihin nun ay gusto mo sya?

Akala ko ako.

Akala ko na naman pala. Dahil sa naging sagot mo, narealize kong wala lang talaga ako sayo. Kaya inisip ko na gusto mo talaga sya. Alam mo bang kumirot ang puso ko? Yan ang una kong naramdaman.

Tanga ko kasi eh.

Sinabi ko sa sarili kong dapat siguro ay itigil ko na ang pagpapantasya sa'yo. Kaya nag-focus ako sa pag-aaral hanggang sa hindi na kita masyadong naiisip pa. Ang lapit-lapit mo nga pero parang malayo rin. Di kasi kita ma-reach. Pero sa paglipas nang mga araw, lagi ka na namang lumalapit sa akin at inaasar mo pa ako. Bumaba ba ang langit sa lupa? Nakakatuwa. Like na kaya kita sa mga panahong ito? Gulong-gulo ang isipan ko.

Basta ang alam ko lang masaya ako pagkinakausap mo ako. Masaya ako kapag tinitignan mo ako. Masaya ako kapag inaasaar mo ako. Masaya ako sa t'wing maririnig ko ang pagkanta mo. Masaya ako sa bawat pag-strum mo nang iyong gitara. Masaya ako kapag kasama kita kahit na wala tayong ginagawa at tahimik ka lang.

Pero..

Nawawala ang saya ko kapag naaalala kong gusto ka nang bestfriend ko.

Inamin nya kasi saakin na may gusto na sya sayo. Gusto kong marinig mula sa bibig mo na gusto mo rin sya. Gustong-gusto kitang tanungin pero natakot ako nun. Kaya inisip kong gusto nyo ang isa't-isa. Dahil sa naisip ko ayokong mamagitan sa inyong dalawa.

Ayokong maging kontrabida sa lovestory nyo at isa pa ayokong masira ang friendship namin ni bestfriend. Mahalaga sya sa akin. Kaya ako, nasa sulok lang. Inaabangan kung ano ang susunod na mangyayari. Pilit ko pa nga kayong pinaglalapit sa isa't-isa dahil torpe ka.

Akalain mo yun? Gusko ka nya, malamang gusto mo sya pero hindi pa rin naging kayo. Alam mo bang nakakainis isipin yun? Dahil naiisip ko na naman na baka ako talaga ang gusto mo.

Fourth year. Huling taon na nakasama kita. Masaya ako dahil halos lahat nang subject natin ay magkalapit lang ang ating upuan. Lagi din tayong napapabilang sa iisang grupo tuwing may activities na by group.

Naalala mo ba yong sa Mapeh subject natin? Yung tungkol sa dance. Nasa isang grupo lang tayo pero hindi tayo ang partner. Ayos lang yun sa akin dahil diba nag-eexchange nang mga partner kaya nagkaroon ako nang chance na makasayaw ka. Alam mo bang ang saya ko? Masayang masaya. Noong actual performance na, kinulang tayo nang isa dahil absent ang kaklasi nating yun. Kaya si bestfriend, nagpresenta na sya na lang ang papalit. Hindi ako natuwa. Nagselos ako dahil kayo na naman ang nakikita nang mga kaklasi natin.

Galit ako. Hindi sa'yo kundi sa sarili ko. Bakit ko nagawang pagselosan ang walang kamalay-malay kong kaibigan? Hindi ko gusto ang naramdaman ko. Nakakakonsensya.

JM, ano nga ba ang ginawa mo sa akin? Bakit ba kasi ikaw pa?

Alam mo ba, tinatak ko sa isipan ko na mahalaga si bestfriend kaysa sa'yo. Nakalimutan ko na dapat pala tinatak ko din yun sa puso ko. Sorry, nakalimutan ko. Kaya sa tuwing ikaw ang bukang-bibig ni bestfriend, iniisip ko na masaya ako.

Pero ang puso ko?

Sugatan.

Parang tinutusok nang isang libong beses. OA. Pero totoo yun. Ilang beses ko nang binalak na sabihin yun sa kanya. Pero naduwag ako. Ano naman ang mapapala ko? Gusto mo ba ako? Hindi diba? Kaya alam kong ako parin ang sugatan sa huli. 

Alam mo ba? Tinanong nya ako minsan.

"Sino ba ang crush mo?"

Di kasi ako nagkukwento. Listener ako. Speaker sya.

'Si JM.' Yan ang gusto kong sabihin.

Pero ang lumabas sa bibig ko, "Wala." Lagi akong naguguilty dahil may sekreto ako sa kanya. Ayoko lang naman na masira ang friendship namin.

Prom night. Pinapanalangin ko na sana isayaw mo ako. Pero wala. Walang JM na nagsabing "Can I have this dance?" Ni hindi mo nga ako kinausap. Tanga ako. Alam ko na yun. Matagal na.

Noong victory party natin after nang graduation, sorry dahil niyakap kita. Di ko na kasi matiis.

Sorry.

Last chance na kasi yon. Last chance para pagbigyan ang puso kong ikaw lang ang tinitibok. Naghintay ako kung mayroon kang sasabihin pero niisang salita wala kang sinabi. Pero masaya ako dahil niyakap mo rin ako.  

College na tayo. Magkaiba tayo nang university na pinapasukan pero nagkaroon tayo nang communication. Ayos na yun para sa akin. Alam mo ba na tuwing kinakamusta mo ako masaya ako? Kapag wala akong load at bigla kang nagtext, tumatakbo ako papuntang tindahan at nagpapaload para lang makapagreply sa'yo. Kaso ang topic natin ay ang pagiging sawi mo sa pag-ibig.

Nabalitaan kong nagkaroon ka nang girlfriend. First girlfriend mo pero niloko ka lang. Nainis ako dahil sinaktan nya lang ang taong pinapangarap ko. Kung ako yun, hindi kita sasaktan JM. Mamahalin kita nang buong-buo..

Walang labis, walang kulang.

Nalungkot ako para sa'yo. Naging emo ka kasi. Lagi mong sinasabi sa na walang halaga ang buhay mo. Walang nagmamahal sa'yo. Paano mo yan nasasabi? Paano na lang ako kung wala ka?  

Lagi kang naghahanap sa malayo, pero nandito naman ako. Malapit lang sa'yo.  

Naging madalang nalang ang pagte-text natin. Pero di ka pa rin nawala sa puso't isipan ko.   

Ngayong nasa third year college na tayo, nakakatuwa. Alam mo bang wala pa ring nagbabago? Ikaw pa rin ang lalaking nagbibigay kulay sa mundo ko.

JM, maging masaya ka sana. Kung kailangan mo nang masasandalan, nandito lang ako. Hindi man tayo atleast magkaibigan tayo. Yun ang mahalaga. Wag mong sasabihing wala kang halaga dahil mahalaga ka sa akin. Priceless ka.   

Wag mo sana akong iwasan pagkatapos mong basahin ang sulat kong ito.   

Love,

Aya

Dear JMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon