Chapter 1

2 0 0
                                    

Stacey's POV

"Ace, meron nanaman raw bagong pinagtritripan yung grupo ni Ginno" sumbong sakin ni Maja na bestfriend ko.

"Anong gagawin ko, pagtatanggol ko tapos ako yung magpasapak?" Depensa ko. Paano ba naman kasi, sa tuwing may binubully sina Ginno, palaging sinusumbong ni Maja sa akin.

"Eh, siguro naman kasi papakinggan ka nila eh" sabi niya at nagpuppy eyes pa ang bruha. Ako, susundan nila? Hindi iyon mangyayari kahit abutin pa kami ng centuries.

Hello nga pala sa mga hindi pa nakakakilala sa akin. Ako si Stacey Diane Araneta, fourth year high school at leading honor rolls. Fifteen palang ako. At yun lang.

"Hayaan mo na lang yun Maja. Baka mamaya, ikaw na bubugbugin nun kapag nakialam ka pa sa laban nila" sabi ko sakanya at nang matakot siya sa mga sinasabi niya.

"Nakakawa naman kasi. Napakamanhid at pusong bato mo naman" inis na sabi niya sakin at kinusilapan pa ako. Si Maja Valdez ay kaklase ko nang matagal na at magbest friends na talaga kami. Masyado siyang maalalahanin at palaging pinapansin ang iisipin ng bawat tao sa kanya.

"Umuwi nalang tayo. Baka hinahanap na kasi ako ni papa eh" sabi ko at tumango tango nalang siya. Habang naglalakad kami pauwi ay nadaanan namin ang pwestong pinagbubugbugan nila Ginno. Sa tago tagong lugar kung saan kami palaging nadaan ni Maja.

Nakikala ko kaagad ang binubugbog nila Ginno, iyon ay ang isa sa mga myembro ng kaaway nilang gang. Napagbuntungan niya nanaman siguro sila ng galit pero wala akong pakialam.

Napahinto si Maja sa tapat nila at tinignan siya nung mga kasama ni Ginno. Tinignan nila siya ng masama. Hinila hila ko siya pero ayaw niyang gumalaw. Nanatili siyang nakatingin sa katawan ng lalaking bugbog sarado sa sahig.

"Maja, halika na" bulong ko habang hinihila yung braso niya. Binitawan niya ang bag niya at saka sumigaw kanila Ginno sa hindi inaasahang dahilan.

"MGA WALA KAYONG PUSO... ANO? PORKE BA GALIT ANG ISA SA INYO, KAILANGAN NIYO NANG PUMATAY? HUH? WALA KAYONG KARAPATAN DAHIL TAO TAYONG LAHAT... HINDI KAYO LUMALAMANG. KAHIT NUNG IPINANGANAK KAYO, TAO RIN KAYO" Sigaw niya at tinatawan-tawanan lamang siya nina Ginno.

"Maja, tara na, nakakahiya na. Tama na yan, mahirap lang tayo, wala tayong pampagamot, ano man mangyari sa tin" bulong ko sakanya at pinulot yung bag niya. Tinignan ako ni Ginno saka nagsalita.

"Iuwi mo na nga iyang kaibigan mong pakialamera. Hindi lam kontrolin ang bibig. Hoy Miss, wala ka sa posisyong sigaw sigawan kami ha" nagbabanta niyang sabi kay Maja at sakin kaya naman napayuko nalang si Maja. Hinila ko na siya at sumunod na rin siya.

"Ano yun huy?" Tanong ko sakanya.

"Wala, sige, babye" paalam niya saka niya hinablot ang bag niya sa kamay ko at tumakbo papalayo. Anong nangyari dun? Siguro napahiya siya masyado at dinibdib niya pa.

Pag-uwi ko ay bumulaga sa akin si lolo na nasa sahig at mukhang nahimatay at si papa ay hindi alam ang gagawin.

"Anak, tulungan mo ko, dalhin natin ang lolo mo sa ospital" sabi ni papa kaya naman naibato ko nalang ang bag ko kung saan.

"Tay, tatawag ho ako ng taxi" mangiyak ngiyak kong sabi at tumakbo papalabas.

"TAXI" para ko pero hindi siya huminto. Pinara ko ang sumunod ngunit ni isa ay walang gustong huminto. Napaiyak nalang ako habang nagpupunas ng luha ay may humintong itim na sasakyan sa harap ko.

"Iha, aren't you Stacey Diane Araneta, ang honor roll ng SNHS?" Tanong ng isang matandang mukhang mayaman kasi nga may kotse at maraming ritual sa katawan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Color In Black In WhiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon