©2016— All Rights Reserved.
#JustANobody.Lumabas na'ko sa kwarto at bumababa na.
Habang naglalakad ako sa hagdan ay nagsilinya na ang mga kasambahay at yumuko. Sanay na'ko sa ganitong pangyayari pero hindi parin ako komportable. I hate when they doing this stunt. Im not even a perfect princess for pete's sake.Tinaas ko ang aking kamay upang pigilan sila sa kanilang pagyuko, Ngunit ang narinig ko lang ay ang sigaw ng aking inang suot ang kanyang gown na nagsusumigaw din sa karangyaan.
"What are you doing lady? You should train yourself by now. Kasi ikaw ang mamumuno nito sa mga susunod na henerasyon."- Sigaw nya pa saakin. Tinignan ko lang sya saglit at ibinaling agad sa mga kasambahay na hanggang ngayon ay nananatiling naka yuko.
Isang tipid lang na ngiti ang naibigay nila saakin.
Pag kababa ko, agad akong sinalubong ni Jin. Isa sa mga butler dito sa bahay. Iniabot nya sa akin ang kanyang kamay upang alalayan ako. Nginitian nya ko at tinggap ko ito.
Habang nasa biyahe kami, Kinausap ako ni mommy.
"Rixx, Any progress between you and Ryle?"- Masayang tanong nya.
Im sorry to spoil your happiness mom."Nothing's change, even a bit." Seyosong saad ko ng hindi sya tinitignan. Ryle, Sya yung isa sa nirereto ni mom sakin. I really don't like that ryle guy. Masyado syang mahangin. Tsk, Bilib na bilib sa sarili.
"What? Baka naman tinatarayan mo rixx"- pagalit na saad nya.
"Hindi lahat ng bagay pag hindi nag click ako na ang may kasalan. You should try to be with that jerk. Tignan ko lang kung may masumbat ka pa sakin."- Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I don't usually talk back to her, but shit! Sobra na sya.
Nanlaki ang mata ni mommy sa narinig nya mula sa akin.
"What did you just say?"- Nanlalaking matang tanong ni mommy sakin."What?"- balewala kong tanong.
Nilingon ko sya, Nag iwas lang sya ng tingin saakin. Silence filled us. Nabasag lang ang katahimikan namin ng nagsalita si jin.
"We're here Madam, Young lady."
••••••••••••••••••••••••••✳✳✳••••••••••••••••••••••
#BiJette ツ