"Pag laki mo pakakasalan kita" ani Caloy sa kaibigan"Talaga? sige! Eh ayaw ko pala!" sabi ni Isay habang nakahalukipkip
Naglalaro sila ngayon sa park ng village nila. May sariling mundo at malayo sa ibang batang naglalaro din sa lugar na iyon
"Bakit naman? Ayaw mo ba akong kasama?" takang tanong ni Caloy
"Gusto, kaya lang matagal pa kase yun kasi bata pa tayo. Gusto ko lagi tayong maglalaro"
"Ako din, kaya nga pag malaki na tayo magpapakasal tayo para 'di na tayo maghihiwalay. Tayo na ang magkasama forever!"
"Forever?"
"Forever!"
"Peksman?"
"Mamatay man!"
and they sealed their little promise with a hand gesture
Isay's POV
"Ariieesssaaa!!!!!"
"Shit!!!!" napalundag ako sa gulat. Nakita ko ang napaka ganda kong ina na nakahalukipkip sa gilid ng aking kama
"Momsy!" bumalik ako sa pagkakahiga at nagtalukbong ng kumot
"Aba Isay, tanghaling tapat na! Wala ka pa bang planong bumangon dyan? Lilipasan ka na ng grasya! Lunes na lunes!" pagtatalak niya habang hinihila ang kumot na mahigpit ko namang hinahawakan
I took a 1 week leave from work. I am a professional photographer at naka kontrata ako sa isang modeling agency. Actually yung boss ko na may ari ng agency ang nag insist na mag leave ako, napansin kasi niya na ilang araw na akong wala sa mood at apektado na ang trabaho. Madalas mainit ang ulo ko sa set at kung hindi ang mga model ay yung mga crew ang napag bubuntunan ko.
I sighed
Tamad akong bumangon sa kama at naghanda na sa pagligo. Totoong ilang araw na akong walang kagana gana sa trabaho.. sa mga bagay bagay .. sa buhay .. sa lahat lahat! Eh paanong hindi ako kakabahan?! In 3 friggin' days would be my 28th birthday! Alam kong hindi naman ganun ka significant ang pag celebrate ng ika 28th year sa mundo para sa iba, pero para sa pamilya namin at para sa akin oo!
Dahil naniniwala ang pamilya ko na isinumpa kami sa numerong iyon! Ayon sa paniniwala nila, kapag tumuntong na sa edad na 28 ang isang babae sa pamilya ay hindi na ito makakapag asawa.
Nagsimula ito sa grandmother ko na nabyuda sa edad na 28 mayroon itong 3 anak, 2 babae at 1 lalaki na namatay naman sa sakit na polio sa edad na 7 taong gulang. Ang dalawang babaeng natira ay sina Miranda ang momsy ko at si auntie Milagros. Ang momsy ko nagkaroon naman ng boyfriend sa edad na 26 nagsama sila at ako ang naging bunga, pero bigla nalang kaming iniwan ni papa nung nag 2 years old ako 28 nun si momsy! Si Auntie Mila, hindi naman nawalan ng boyfriend at manliligaw nung kabataan niya. Pero pagtuntong niya sa edad na 28 bigla nalang nawalan ng interes ang mga lalaki sa kanya!
At ako naman! Isang 28 year old NBSB! Never been kissed, Never been touched! Ewan ko ba hindi naman ako mapili sa lalaki. Basta mabait at responsable ok na! Kahit hindi mayaman basta kaya akong buhayin! Kahit di kasing gwapo ni Chris Evans basta wag lang masyado masagwa ok na! Sa lahat ng babae sa pamilya ako na yata ang may pinaka malalang sitwasyon.. At least sila naranasan ma inlove! Ako? Wala talaga as in. Si auntie kahit di nagkaanak, nagkaroon naman ng boyfriends! At di na siya Virgin!!! Waaaahhhh!!!
"O' Isay, bakit hindi mo ginagalaw yang pagkain mo?" usisa sa akin ni auntie
"Kumain ka na.. mamaya ay mag gogrocery tayo ng panghanda para sa birthday mo.." sabi ni momsy
BINABASA MO ANG
High In Love
General FictionNaniniwala si Isay na isinumpa ang angkan nila. Na lahat ng babaeng Andrada ay hindi kailanman magkakaroon ng lalaking makakasama sa buhay pag dating sa edad na bente otso. Kaya naman sa bisperas ng kanyang kaarawan ay inakit niya ang kanyang hunk n...