Chapter 17

80.6K 2.6K 64
                                    

edited;





Keira's Pov

Nakarating kami sa Academia Village. Wow. Marami siyang bahay bahay, at sa gitna ay may mga Vendors, nagtitinda ng kung ano ano. Parang palengke lang sa Mortal. Pero maganda dito, hindi makalat, sobrang linis. Ang mga babae naman ay mga nakamahabang damit, mga nakagown pero hindi kagandahan. Parang normal na talaga sakanila ito.

"Ayun! Dito nalang ako bibili ng Sun Weapons!" Sabi ni Elisne at May tinuro.

"Makakabili na rin pala tayo ng mga pwede nating gamitin sa Exam." Sabi ni Cymon.

"Tiyaka na yun, kapag nahanap na natin ang Light Crystal." Sabi ng KJ na si Zeke.

Bigla may humarang saamin na matatandang babae. Dalawa lang pala actually.

"Good Morning!" Bati nila saamin. Ngumiti naman kami.

"Bago ba kayo rito? Hindi kasi pwede ang mga kasuotan niyo na yan rito." Sabi ng naka kulay Pink and white na mahabang dress.

Nakapants na black lang ako, T shirt na puti sa loob at black na jacket. Si Hannah naman ay nakapants and white na long sleeve. Si Raquel ay nakahindi kaikliang short at blue na V neck T shirt. At si Elisne naman na naka skirt and Blouse.

Hindi naman kasi uso sa Light Academia ang nakagowns. Siguro ang Reyna nakaganun. Napansin ko rin sa Head Master na naka pang prinsipe siya na Suit. Pero sa mga Students doon ay Simpleng kasuotan lang, katulad sa mortal.Yun nga lang, yung iba naiiba dahil sa Kapangyarihan nila, gumagawa sila ng sariling damit.

"Pasensya na po bago lang po kami rito." Paunmanhin ni Hannah.

"Okay lang yan saamin, halika kayo sa Dreasing room pagpapalitin namin kayo ng damit. Sa boys ay okay na ang nakaganyan." Sabi saamin at hinala kami. Naiwan ang mga lalaki doon na nakatanga.

"Ang ganda ganda mo naman iha." Sabi saakin nung isang babaeng kulay medyo blonde ang buhok. Nandito kami sa isang Bahay, pagpapalitin dawkami ng damit.

"Bagay na bagay sayo ang Itim mong buhok." Sabi naman saakin nung isang babaeng kulay brown ang buhok. Nakatingin lang sila Elisne, Raquel at hannah saamin. Ako naman awkward na nakangiti.

"Ay eto nga palang ang mga damit ninyo." Sabi nung brown girl at binigyan isa isa sila Elisne.

Inangat ni Elisne at Hannah ang kanila. "Eto ang susuotin namin?" Sabay nilang sabi. Tumango naman ang dalawang babae.

Kinuha ni Elisne ang kay Raquel. "Eto nalang saakin!" Sabi ni Elisne kay Raquel. Tumaas lang isang kilay ni Raquel at pinabayaan si Elisne.

"Jaan sa kwarto kayo magbihis." Sabi nung blonde girl sakanila sabay tumingin saakin.

"Eto iha, Eto ang iyo. Sigurado akong kasya yan sayo." Sabi niya at binigay ang nakatuping damit.

Ngumiti ako sabay kinuha ang damit, At sumunod kela elisne.

"Bakit hindi magkasya." Rinig kong sabi ni Elisne pagpasok ko palang ng Pinto.

Lumapit siya saakin at tinignan ang damit ko. "Mas lalong hindi kasya saakin to. Bakit sainyo ang ganda ng damit niyo saamin ganito? Hindi magkasya sakin ng kay raquel." Sabi ni Elisne at tinapat saamin ni Raquel ang Damit nila ni Hannah.

"Wala tayong magagawa, Kailangan nating magpalit." Sabi ni Hannah.

"Bilisan na natin, siguradong magagalit nanaman yan si Zeke." Sabi ni Raquel.

Kaya walang nagawa sila Elisne at Hannah kundi suotin ang binigay sakanilang damit. Tinignan ko ang binigay saakin na kulay puting damit. Kinuha ko ang pangharang at hinubad na ang Pants at Damit ko. At sinuot ko na ang binigay saakin.

ACADEMIA: Finding The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon