"FALSE HOPE"

1 0 0
                                    


Kung alam mong mahal niya pa, wag nang umepal pa.

*******

That was a very nice morning. I went to school early so i could still have time to review. Sa Pavillion. Where everyone was reviewing. That was a peaceful and quiet morning.

Inilabas ko yung mga handouts ko sa bag then nag start mag review. When I was reading my reviewer I heard that someone is crying. Nung binaba ko yung handout ko.. nakita ko sa harapan ng table ko ang isang babaeng umiiyak. She's a very beautiful young lady yet very simple. Tinatago ko ang sarili ko sa likod ng handouts habang tinitignan siya because I don't want to creep her out.

The day after, i saw her again. Umiiyak siya habang nagbabasa ng microbiology book niya. Nakita kong pinupunasan niya lang ng kamay niya ang mga luha niya so I passed by beside her at nilapag ko ang panyo ko sa table niya. Umupo ako sa likurang table without even looking at her. Pero nakita ko siyang tumingin sakin using my peripheral vision.

Kinabukasan, ibinalik niya ang panyo and she said thank you. I asked her if we can talk about it and she answered, yes. And that day was the start of our friendship.

I was there. Sa mga araw na kinakalimutan niya ang long time boyfriend niya. I was there to cheer her up. I was there to wipe her tears everytime na sasagi nanaman sa kanya ang memories nila. I was there to make her happy. We became friends for almost 6 months, technically, the whole semester..

... til' the day that I confessed my feelings.

(I held her hand and I whispered..)

Me: Mahal kita.
Siya: Ha?
Me: I love you.

Napatingin lang siya saken ng matagal.. Napayuko.. At sinabing..

Siya: "You know what? You are a good friend of mine. And I don't want to hurt you.
Pero.. KAMI NA ULIT.
I know you are happy for me".

(Hindi ko na napigilang umiyak)

Iniwanan ko siya.

I was so devastated. Bakit ba hindi ko naisip yung possibility na magkakabalikan sila at mawawalan ulit ako ng kwenta sa buhay niya. I was so stupid para paniwalain ko ang sarili ko na mababaling sakin ang pagmamahal niya.

Oh well, that's life. We can't predict what would happen next. Maybe we are not really for each other. Maybe sila nga talaga ang para sa isa't-isa. Hindi man naging kami, atleast because of her I learned a lesson.

Love a complete woman. What I mean is, yung buo na. Buo na ang sarili niya para magmahal ulit. Yung ready nang magsimula ng panibagong lovestory with someone else without looking at the past. Fixed-heart na kumbaga. Hindi na basag. Hilom na ang wounds. Wala ng trust issues. Obliterated na ang hindi magagandang ala-ala ng nakaraan. Yung ready nang magmahal, mahalin at masaktan ulit.

Just like a new, clean bondpaper. Yun yung masarap sulatan ng panibagong istorya.

*********

Hope you like it guys #^_^

Vote and comment..

Love lots  *^3^*

"YOU became SOMEONE I Didn't KNOW"(short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon