Chapter IX (2)

9.2K 323 47
                                    





For the first time since I went back to school, I got someone I can call my friend. Mula nang malaman ng lahat sa school na naging dancer ako, ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigan. 


“Fallon” maingat na umupo ako sa tabi n’ya at hinagod ko ang likod n’ya. Iyak s’ya nang iyak ay awang-awa ako sa kanya. Alam ko na nag-aaway sila ng boyfriend n’ya. Nawala kasi ang cellphone n’ya nang tatlong araw kaya hindi n’ya nakausap si Eric – ‘yong boyfriend n’ya. Sinubukan n’yang tawagan gamit ang cellphone ko pero hindi naman sumasagot. Kahit sa text ay deadma din. Mukhang akala ay nanloloko lang.


Nasabi din sakin ni Fallon na una palang ay ayaw na pumayag ng boyfriend n’ya na sumama s’ya dito sa Baguio para sa seminar. Nagpumilit lang s’ya.


“Gusto mo ba na mauna na tayong umuwi? Samahan na kita. Mag-bus tayo.” Alok ko sa kanya.


Wala din naman akong gagawin sa two days tour namin dito. Tapos na ang seminar kaya pwede na mauna na kaming umuwi. Sa tingin ko din kasi ay kailangan na talaga n’yang makausap si Eric nang personal para magka-ayos na sila.


Tumingin s’ya sakin. Mas nahabag naman ako sa kanya. Punong-puno na ng luha ang mukha n’ya. Ang lungkot-lungkot pa ng mga mata n’ya.


“Wala na din naman akong maaabutan kahit umuwi ako ngayon. Nakaalis na sila” garalgal na sagot n’ya.


Ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman n’ya. Nangingilid na din ang luha sa mga mata ko. Parang nakikita ko ang sarili ko sa kanya. Alam ko ang pakiramdam na wala ka nang babalikan, at wala kang ibang masisisi kundi ang sarili mo.


Hindi na ako nahiya at niyakap ko nalang s’ya. Ibibigay ko sa kanya ang kaibigan na kailangan n’ya. Noong ako ang umiiyak nang ganito, hiniling ko na sana, kahit isa, may yumakap sakin para maramdaman ko naman na hindi ako nag-iisa. Pero bigo ako noon. Nakalimutan ko na si Kiel nga lang pala ang mayroon ako. At iniwan ko s’ya.


Kaya ngayon, na kailangan ni Fallon ng kaibigan, ibibigay ko ang sarili ko.


Palagi akong nasa tabi n’ya. Hindi ko s’ya iniwan. Gusto kong maramdaman n’ya na hindi s’ya nag-iisa. Gusto kong maramdaman n’ya ang isang karamay na hindi ko naramdaman noon.


Nang magpasya s’ya na uuwi na nang mas maaga kaysa sa mga kasama namin, nagpasya ako na samahan s’ya. Hindi ko s’ya magawang pabayaan.


“Samahan na kita” masuyong sabi ko habang nag-aayos s’ya ng mga gamit n’ya. “Kailangan mo ng kasama. Halika na”


Mukhang wala s’ya sa sarili nang tumango s’ya. Bumuhos ang luha n’ya at yumakap s’ya sakin. “Salamat” parang bata na nangunyapit s’ya sakin at humagulgol.


Hinagod ko lang ang likod n’ya at hinintay na kumalma s’ya kahit papaano. Inayos ko na din ang mga gamit ko at kinausap na namin ang organizer. Pinirmahan namin ang mga kailangang pirmahan saka umalis na.


Nalaman ko na isinugod pala sa ospital ang Lola n’ya.


Ngayon, mas nakikita ko sa kanya ang sarili ko. Naging ganyan kamiserable din ang buhay ko nang magkaroon si Nanay ng sakit. Kaya mas umigting ang kagustuhan ko na matulungan s’ya.


Hinayaan ko na makatulog s’ya sa byahe. Kailangan n’ya ang pahinga. Ginising ko nalang s’ya nang nasa Cubao na kami. Sinamahan ko na din s’ya sa ospital.


Nakita ko kung paano s’ya nanlumo nang malaman n’ya ang nangyari. Maging ako ay nalungkot at nabahala sa narinig. Alam ko kasi ang pakiramdam na may nalalagay sa panganib na mahal sa buhay.


Nagpasya lang akong umuwi nang sinabi ni Fallon na aalis na muna s’ya para kumuha ng pera pambayad sa ospital.


Nang makauwi ako ay iniisip ko pa din s’ya. At sa pag-iisip ko sa kanya, naalala ko na naman ang sarili ko.


Kung noong panahon na nagkasakit si Nanay at kasama ko pa si Kiel, alam ko na hindi n’ya ako pababayaan. Siguro, hindi ako mauuwi sa pagsasayaw kung hindi kami nagkahiwalay ni Kiel. Syempre, hindi n’ya hahayaan na mangyari ‘yon sakin.


Hindi ko na naman mapigilan ang maiyak. Mahal na mahal ko pa din si Kiel. Noon, masyado akong napapasaya ng pagmamahal na ‘to. Pero ngayon, masyado akong sinisira ng pagmamahal ko.


Sana hindi ko nalang ulit s’ya nakita. Sana hindi ko nalang ulit s’ya nakausap. Sana hindi nalang ulit naglapat ang mga labi namin. Sana mamatay nalang ako.


Sa araw-araw na nabubuhay ako, wala akong ibang maramdaman kundi ang panghihinayang saming dalawa. Ang dami kong sana. At sa lahat ng iyon, patungkol sa kanya.


Gusto kong sisihin si Kuya. Pero kahit na anong paninisi ko sa kanya, alam ko naman na wala nang mangyayari. Gusto kong sisihin ang sarili ko pero alam ko naman na iyon ang tamang gawin. Dahil kahit isang libong beses ulitin ang tagpong iyon sa buhay ko, iiwan ko pa din naman si Kiel. Nanghihinayang ako, pero hindi ako nagsisisi.


Nang malaman ko na bumalik si Kiel at hinahanap ako, nahati ako kung haharapin ko ba s’ya o tataguan nalang. Gusto ko s’yang makita at makausap. Gusto ko na magpaliwanag sa kanya. Pero nadaig ako ng takot ko. Alam ko na galit na galit s’ya sakin. Iniwan ko s’ya basta. Iniwan ko s’ya n’ong panahon na kailangan n’ya ako. Nasa kanya ang lahat ng karapatan para magalit sakin. At kahit na magpaliwanag pa ako sa kanya at maintindihan n’ya, hindi na n’on maaalis ang sakit na naidulot ko sa kanya. Hindi na n’on mababago ang mga panahon na magkalayo kami. At hindi na n’on mababago kung ano’ng naging buhay ko mula nang iwan ko s’ya.


Takot na takot ako sa mga isusumbat n’ya. Takot na takot ako na harapin ang galit n’ya. At takot ako na makita na nasasaktan s’ya.


Kaya pinili ko na maging duwag at magtago nalang sa kanya.


Natatakot ako na kapag nagkausap kami, bumigay ako at magmakaawa sa kanya na tanggapin ako at mahalin ako ulit. Kasi alam ko na wala na akong karapatan. Maduming babae na ako at makasisira lang ako sa kanya.


Matagumpay na tao na s’ya. Inirerespeto at tinitingala. Magiging isang dumi lang ako sa kanya.


Tangina, naging customer ko pa ang mga kasama n’ya sa trabaho. Kung magkakabalikan kami, nakaka-gago para sa kanya na ipapakilala ako. Ako na nakita na ng marami na sumasayaw na halos nakahubad na. Ako na nahaplos at napisil na ng ilang daang kamay ng iba’t ibang lalaki. Ako na nabastos na sa tingin at napag-pyestahan na ng daan-daang mga lalaki. Ako na isang bayarang babae. 


Kaya mas mabuti na na magtago nalang ako sa kanya.





Nang mga sumunod na araw ay mas naging mabigat para kay Fallon. Walang pag-aalinlangan ko s’yang tinulungan. Halos lahat ng ipon ko ay napahiram ko na sa kanya. Sinubukan ko na nga na magsabi kay Jessica ng pera.


(Pasensya ka na, Sophie. Alam mo naman na nakaharap kami ngayon sa gastos) nahihiyang sabi n’ya.


“Naiintindihan ko. Nahihiya nga din ako na hindi ako nakakapagpadala para sa pang-gastos ni Nanay” sabi ko sa kanya.


Sinisimulan na kasi nila ang pag-aasikaso ng kasal nila ni Kier. Kaya alam ko na kailangan din nila ng pera. Wala pang trabaho si Jessica ngayon at sweldo lang ni Kier ang inaasahan nila. Wala din akong maitulong ngayon sa mga gastusin nila dahil wala naman akong trabaho. Umaasa lang din ako sa naipon ko at sa kinikita ko sap ag-tu-tutor. Pero naipahiram ko na lahat ‘yon kay Fallon.


Nagpaalam na ako kay Jessica at sinabi na ikumusta nalang ako kay Nanay at ihalik ako kasy Kaizer.


Dahil umalis na ako nang tuluyan sa nightclub ni Mama Yuki, wala na akong ibang source ng income. Nasubukan ko na din magsabi sa mga naging kasamahan ko d’on. Napahiram ako ni BG at Mayumi pero naipadala ko na ‘yon kay Nanay n’ong nakaraang linggo para sa pambili ng gamot n’ya. Nakakahiya naman kasi kung iaasa pa ‘yon kay Kier. Kung tutuusin, wala silang responsibilidad ni Jessica kay Nanay.


“Pasensya na, Fallon. Naipadala ko na kila Nanay ang lahat ng pera ko. Nag –me-maintenance din kasi si Nanay ng gamot n’ya. Diaabetic kasi” malungkot na sabi ko sa kanya.


Matamlay na ngumiti s’ya sakin. “Okay lang. Hiyang-hiya na nga ako sa’yo. Kailan lang tayo naging magkaibigan pero ang laki na ng utang na loob ko sa’yo”


Niyakap ko s’ya nang mahigpit. “’Wag ka mag-alala, kapag nagkapera ako, pahihiramin kita”


Hindi ko kailanman naisipi na sinasamantala ako ni Fallon. Na kinaibigan n’ya ako para dito. Alam ko na mabuting tao s’ya. S’ya lang yata ang kahit na kalian ay hindi humusga sakin. At alam ko na sinsero ang pakikipagkaibigan n’ya.


Nagpaalam na s’ya na aalis. Nahihiya nga ako dahil hindi ko man lang s’ya napa-meryenda. Sinadya pa naman n’ya ako dito sa tinutuluyan ko.


Inalok ko si Fallon na sa bahay ko na muna mag-stay. Para kahit papaano ay makabawas sa gastusin n’ya ang pagkain. At mas malapit ‘to sa university na pinapasukan namin.


Mas naawa ako sa kanya nang malaman ko na naisanla na n’ya ang engagement ring na ibinigay sa kanya ni Eric. At nang tuluyan na n’yang naibenta ‘yon ay halos madurog na ang puso ko sap ag-iyak n’ya.


“Hindi ko na nga alam kung saan pa ko kukuha ng kulang na pera para sa operasyon. Saan naman ako dadampot ng one hundred fifty thousand?” humahagulgol na iyak n’ya.


Naiyak na din ako at niyakap ko s’ya.


Nang makatulog s’ya ay hinaplos ko ang buhok n’ya.


“Kung noon siguro, may tumulong sakin, hindi ako mauuwi sa ganito” malungkot na sabi ko.


Nakabuo ako ng isang desisyon na alam ko na pwede kong pagsisihan. Pero pikit-mata kong gagawin.


Pumunta ako sa kwarto ko at kinuha ko ang cellphone ko. Ni-dial ko ang numero ng tao na akala ko ay hindi ko na ulit tatawagan pa.


Habang hinihintay ko s’yang sumagot ay palakas nang palakasang pintig ng puso ko.


“Hello, Mama Yuki” seryosong bati ko nang sa wakas ay sagutin na n’ya ang tawag.


(Napatawag ka, Enthrall? Ang tagal mong hindi nagparamdam a) masayang tinig n’ya


Mariing pumikit ako “Mama Yuki, kailangan ko po ng malikang halaga. One hundred fifty thousand. Ilagay n’yo po ako sa bidding”


(Hindi birong halaga ‘yan, hija. Hindi ko sigurado kung kakayanin) tila namamanghang sabi n’ya


I sighed. “Hindi na po ako virgin, but I’m as tight as one. Madami din po akong alam na posisyon at alam ko magpaligaya ng lalaki. Kung kinakailangan na isang linggo ang serbisyo ko para sa gan’ong kalaking halaga, payag ako. Pero kailangan ko na po ‘yong pera agad”


(Mukhang matindi talaga ang pangangailangan mo. Ang tagal na kitang kinukumbinsi, pero ayaw mo talaga. Ngayon ay ikaw pa talaga ang nagsasabi) bahagyang natawa pa s’ya. (Dahil paborito kita dito, sige hindi na ako poporsyento sa’yo. At sisikapin ko na mapababa ang bilang ng araw na ipaparenta mo  ang katawan mo)


Nagpasalamat lang ako sa kanya. Matapos ang usapan namin ay nanghihinang napaupo ako.


Gagawin ko ‘to para kay Fallon. Ayoko na magaya s’ya sakin. Ayoko na masira ang buhay n’ya at ayoko na mandiri s’ya sa sarili n’ya. Ayoko na maisip n’ya na hindi na s’ya karapat-dapat kay Eric.


Humiga ako sa kama at hinayaan ang luha ko na tumulo.


“I’m sorry, Kiel”



________________
June 9, 2016 (Thursday) – 01:50

Always for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon