"Kailangan kong tuparin ang napagkasunduan namin..." sabi ko sa sarili bago ko ilapag ang isang brown envelope sa aking maliit na kama. Isang malalim na buntung-hininga pa ang aking pinakawalan bago ko unti-unting ihinakbang ang aking mga paa paakyat sa silyang nasa harap niyon.
"Alam kong maiisip n'yo tatakas lang ako pero sana maintindihan n'yo 'ko..." sabi kong muli habang unti-unti kong ipinikit ang aking mga mata bilang paghahanda sa aking nakatakdang paglalakbay.HINDI ko na napigilan ang pagpatak ng aking mga luha kahit lulan pa lamang ng isang tricycle patungo sa Our Lady Of Fatima Medical Center. Nang malaman ko ang masamang balita tungkol sa iyo ay nagkahalo-halo na ang emosyon ko subalit ang higit na nangingibabaw sa mga iyon ay ang aking matinding pagsisisi.
"Halos dose oras na siyang natutulog..." umiiyak na paglalahad ni Mama nang makarating ako sa kuwarto kung saan ka nakaratay nang halos mag-iisang linggo na.
Naroon na rin sina Ate Emerald, Kuya Edmund at Papa na pawang pilit na nagpapakatatag sa kabila ng kalungkutang nangingibaw sa ating pamilya. Ipinatawag kami ni Mama dahil sa takot niyang hindi ka na magising pa. Kung sakali mang mangyari iyon ay gusto niyang magkasama ang ating buong pamilya.
Alam mo bang tila muli kaming pinagsakluban ng langit at lupa nang maospital ka dahil sa sakit mong seizure disorder na kalauna'y nagpag-alaman naming cerebral palsy pala.
"Kailangang manalig tayong magigising siya," sabi ko habang marahang hinahaplos ang likod ni Mama. Subalit mas lalo pa siyang umiyak kaya muli ring pumatak ang aking mga luha.
"Hindi siya pababayaan ng Diyos," ani Ate Emerald, na mugto na rin ang mga mata dahil sa pag-iyak.
"Tama ka, anak," sang-ayon sa kanya ni Papa.
Alam mo bang pare-pareho na kaming naaawa sa kalagayan mo pero hindi pa kami handang isuko ka sa Diyos. Sapagkat naniniwala pa rin kaming marami ka pang kailangang maranasan sa buhay mo. Gusto ka pa rin naming mapasaya sa abot ng aming makakaya.
Isang ideya ang muling pumasok sa isip ko kaya nilapitan kita at mahigpit na hinawakan ang iyong kanang kamay.
Eliza, kung puwede ko lang ipagpalit ang buhay ko para sa 'yo, gagawin ko 'yon upang kahit paano ay mabayaran ang mga kasalanan ko, bulong ko sa sarili dahil mas matinding pagsisisi ang nararamdaman ko ngayon kaysa noong unang beses kang maospital, pitong taon na ang nakakaraan.
Mahigpit ko pa ring ang kamay mo nang dumating ang doktor o neurologist na tumitingin sa iyo.
"Kailan po siya magigising?" usisa ni Kuya Edmund habang sinusuri ng doktor ang kalagayan mo.
"Tatapatin ko na kayo. Walang makakapagsabi kung kailan siya magigising," seryosong panimula ni Dr. Feliciano, "Pero ipinapayo ko na kausapin n'yo pa rin siya dahil naririnig niya kayo. Alam niya ang mga nararamdaman n'yo kaya sana magpakatatag kayo para sa kanya. Pero kng nakahanda na kayong ipaubaya siya sa Maykapal, ipaliwanag n'yo 'yon sa kanya dahil alam kong maiintindihan niya kayo," seryoso nitong paliwanag sa amin.
Hindi ko nagustuhan ang mga huling sinabi ni Dr. Feliciano pero alam kong naiintindihan niya ang sitwasyon natin kaya niya sinabi iyon.Nagboluntaryo akong samahan si Mama sa pagbabantay sa iyo nang araw na iyon. Kung sakali mang magpaalam ka na amin ay gusto kong makasama ka pa sa mga nahuhuli mong sandali.
Hindi pa rin nagbabago ang isip ko. Handa pa rin akong ibigay sa 'yo ang buhay ko. Isa akong makasalanang tao kaya dapat lang na mamatay na ako.
Muli kitang kinausap habang mataman kong pinagmamasdan ang iyong inosenteng mukha. Na minsan ko nang binalewala...
Sa loob ng dalawampu't anim na taon kong pananatili sa mundo, halos walong taon doon ay nagpasakop ang aking kaluluwa sa kadiliman.
Ilang malalaking lihim ang matagal ko nang itinatago lalong-lalo na sa ating pamilya. Mga kasalanang matagal ko nang pinagsisihan subalit hinding-hindi ko na yata makakalimutan pa. Alam kong maisisiwalat ang mga iyon sa takdang panahon kaya natatakot ako sa magiging reaksyon ng ibang tao, lalong-lalo na ng ating pamilya. Subalit, sa pagsapit ng panahong iyon ay wala na akong magagawa kundi buong tapang na harapin ang naging bunga ng aking mga kasalanan.Kailan nga ba nagsimula ang aking mga kasalanan?
Siyam na taong gulang lamang ako nang mamulat ang isip ko sa sex. Palihim kasi akong napakapanood ng isang x-rated na pelikula sa TV ng kapit-bahay natin. Nang gabing iyon, sa unang pagkakataon ay natutunan ko rin ang pagpapaligaya sa aking sarili. Mula noon ay hindi na nawala sa isip ko ang mga tagpong maaaring mamagitan sa isang babae at lalaki na kapwa walang anumang saplot sa katawan.
Lingid sa kaalaman ng mga magulang at kapatid natin na ang inosenteng musmos noon ay unti-unti na palang nilalamon ng kamunduhan. Sa kabila ng pagiging tahimik ay naglalaro na pala sa aking isipan ang mga tagpong nais kong masubukan sa unang pagkakataon, ang pakikipagtalik.
Minsan, ako ang gumanap na ama nang maglaro kami ng bahay-bahayan ng mga kababata ko. Nang magkaroon ng pagkakataon ay naisakatuparan ko ang pinakaasam kong mangyari. Subalit walang penetrasyong naganap kundi pagpapatong lamang ng aming mga katawan kasabay ang paglangoy sa makamundong pagnanasa sa isa't isa.
Nagustuhan ko ang nangyari sa amin ni Nathalia kaya mas lalo pang umigting ang aking pag-aasam na maranasan iyong muli. Hanggang sa hindi ko na namalayang sa unang pagkakataon ay nakagawa na ako ng isang malaking kasalanan.
Alam mo bang ilang beses kong inabuso ang mga anak ng malayo nating kamag-anak, na iniwan sa pangangalaga ng ating pamilya. Sina Alexander (5) at Alesana (1) ang aking mga naging unang biktima, ang dalawang anak ni Kuya Ramil.
Walang nakaalam ng aking pang-aabuso sa dalawang bata dahil sa kanilang pananahimik. Kaya nang magkaroon ako ng ilan pang pagkakataong makasama ang iba pang bata ay muli akong nang-abuso. Ang mga sumunod kong biktima ay sina Grazielle (5) at Grace (4). Sila ang mga anak ng pinsan natin, na ipinagkatiwalang ipabantay sa akin sa tuwing wala sila sa kanilang bahay.
Nang mga panahong iyon ay hindi man lang sumagi sa isip ko ang takot na mahuli ng kung sinoman dahil sa pananaig ng kalibugan sa aking buong sistema.
BINABASA MO ANG
Kasalanan (SPG)
Short Story"Eliza, kung puwede ko lang ipagpalit ang buhay ko para sa 'yo, gagawin ko 'yon upang kahit paano ay mabayaran ang mga kasalanan ko." Isang malaking lihim ang itinago ko sa loob ng mahabang panahon. Subalit handa na akong ipagtapat ang lahat ng iyo...