I combed my hair and went down to eat breakfast.
"Zeira, anak, okay ka lang ba? Parang you look pale. Kumain ka na at baka mahuli ka pa sa klase mo. Nakaready na ang mga dala mo para sa mga kaibigan mo." nag-aalalang sabi ni mommy habang naka-upo kami sa hapag kainan.
"Okay lang po ako, My. Napagod lang siguro kahapon sa byahe. Sige po. Thank you po! Tapusin ko na 'to." ngiti ko sa kanya.
"Oh anak, Makakahabol ka naman sa mga activities mo sa school,diba?" tanong ni daddy. "Don't tire yourself."
Haaay. Sayang, I missed some of the activities na ngayong school year. Second quarter na ako nakapasok.
"Opo, dy. Mabuti na lang ay may mga kakilala ako sa klase namin at tsaka nandun naman mga pinsan ko. I'll ask help from them." sabi ko at tumango naman siya.
Tinapos ko na kaagad ang pagkain ko, hinalikan si mommy at kinuha ang mga gamit ko. Bago ako lumabas ng bahay ay tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin.
You'll be fine. Kaya mo 'to! Huminga ako ng malalim at nginitian ang aking sarili.
Lumabas na ako at dumiretso na ng kotse.
"Good Morning po, Mang Ben! Sa school na po tayo." masigla kong bati sa kanya.
Nakarating na rin kami ng school after 15 minutes. Nakita ko agad ang mga babae kong pinsan na sina Aerin, Freia, Kaia. Naroon rin ang ilang mga babae namin mga kaibigang sa mga bench na palagi naming tinatambayan.
"Uy nandyan na pala si Zeira." sigaw ni Aerin at tumakbo papunta sa'kin.
"Hi couz! Namiss ko talaga kayo. May mga pasalubong ako sa inyo." sabay hug sa mga pinsan ko.
"Huh? You didn't have to bring naman. Ang tagal mo kayang nawala. Namiss kita. Patingin nga ng mga dala mo." nanlaki ang mga mata ni Savannah, one of our girl friends, at inabot ang shopping bags na dala ko.
"Marami akong dala. May mga damit at chocolates diyan." turo ko.
"Naku, mukha ka talagang pasalubong!!" binatukan ni Xandra, also one of our girl friends, si Savannah. "Oh, ano nangyari sayo sa LA? Tagal mo din dun ah." sabay yakap niya sa'kin.
"Okay naman. Hindi naman masyadong mahirap, nasanay na rin ako. Pero it's still different here." ngiti ko sa kanila. "Nga pala, nasaan na ang mga boys?"
"As usual, nanchchicks nanaman. Palagi na lang nawawala." irap naman ni Kaia.
"Namiss ka talaga namin!!" tili at yakap ng mahigpit sakin ni Freia.
---------------------------
"Oh Zeira, dear. Naka-uwi ka na pala. How was your vacation in the US?" nakangiting salubong at yakap sakin ng mahinhing Guidance Counselor namin na si Ms. Vela.
"Hi miss! Okay naman po. Sayang at ang tagal ko pong nawala dito." nakangiti kong sabi.
"Mabuti naman kung ganon. Oh siya, girls, go to your classrooms na. Baka magstart na ang first period niyo." aniya
"Opo, pupunta na po kami. Bye miss!" sabay-sabay naming sabi at pumunta na sa 2nd floor na classroom.
Pagpasok namin sa classroom ay may nahagilap akong lalaking parang hindi pamilyar sa akin.
Bigla kaming nagkatinginan kami. Infairness ha, he's attractive ha. Sino kaya 'to?
"Uy Zei, umupo ka na nga dyan. Masyado ka nang nakatunganga dyan kay Lucas." hagikhik ni Sav.
Oh, so that guy's name is Lucas. Ang cute.
Kaagad ko namang tinikom ang bibig at umupo na lang sa tabi ni Sav. Hindi nagtagal ay dumating na rin ang teacher naming si Ms. Andrade, adviser namin.
"Good Morning class." bati niya sa amin at lumapit sa akin. "Ms. Castillo, you're finally here. How are you? Did you enjoy your trip?" aniya at ngumiti.
"Okay naman po. Yes, miss." ngiti kong sabi at bumalik na siya sa teacher's table.
Pagkaupo ko ay nagkatinginan ulit kami nung Lucas. Bumaling na lang ako kina Kaia na nakangiti sa akin ng makahulugan. Pinandilatan ko siya at humarap na lang sa front
Sa kalagitnaan ng klase ay napatingin ako sa kanya. Nakatingin lang siya sakin. His eyes were mysterious and captivating then suddenly he smiled at me. Gosh, he's so freakin' cute when he smiles!!
Looks like I'll very much enjoy going to school this year. Lol.
---------------------------------------------------------
Hey guys!! What do you think? Comment and vote. Thank you!! 😘😘
BINABASA MO ANG
Be With You
Teen FictionZeira Monique Castillo, mabait, generous, at kalog. Kagagaling lang niyang US nang nakilala ang bagong student na si Lucas River Buenavides sa dating school niya. Mahulog kaya siya kay Lucas sa kalagitnaan ng di inaasahang pagkakataon? Handa na kaya...