CHAPTER 4

0 0 0
                                    

Busy sa paglilipat ng gamit si Zake Upang mailipat na ito
Habang si Ky naman ay nakatingin lang dito
Napansin ito ni Zake kaya
Nagsalita ito
"Manonood ka lang ba hanggang sa matapos ako,e kung tinutilungan mo ako dito para  matapos agad!"Daldal nito sa dalaga

Naiisip tuloy nang dalaga
Na para daw itong bakla
Kung magsalita ito parang hindi lalaki
Para syang babae
Minsan kasi Nahuhulu nya itong tinititigan ang mga magagandang bistidang binili ng Ina o namamalik mata lang kapag nahuhuli nyang parang Sisukat ito o Ipinangbabagay sa kanya

"Lalaki ka naman eh, Kaya mo na yan"Wika nito
Zake Rolled he's Eyes  at nagwalk out nalang

wala talaga akong maasahan sa babaeng yun


Pagod na pagod si Zake na Sumalpak sa Kama ng Dalaga
Inaantok na rin kasi sya
Pagod talaga sya
Hindi nya nga alam kung bakit ang dami nyang damit sa dinala

Nakita ni Ky na Nakahiga sa Kama nya si Zake. Agad itong lumapit dito
at Kinurot ang Binata
Napahiyaw naman si Zake

"Ano ba!"Inis na usal nito kay Ky
Nagtaas ng Isang kilay si Ky at NagCross Arm pa

"Hoy Sino may sabing Humiga ka jan?"Mataray na tanong nito

"Diba dito ako matutulog,Malamang dito ako hihiga!"Sagot nito

"Huh?Hindi no!"Ky

"Eh bakit ka pumayag kung di karin pala magpapatulog!"Talak ni Zake dito
Naiinis ito sa Dalaga kasi Ayaw itong Mahigain na
dahil sa Antok na Antok na sya

"Oo Pumayag ako!
Pero dito ka sa Sahig matutulog"Agad nito Pinaalis si Zake sa pagkakahiga sa kama

Natawa si Zake
Si Ky naman ay nagtaka sa Reaksyon nito
"Baka naman iniisip mo na Gagapangin kita?"Tawa pa ito ng tawa
Naiinis naman si Ky sa sinabi nito

"Huh?Hindi ako ganung tao at niminsan hindi ko pa naiisip yan. Ikaw mismo ang nag-isip nyan"Inis na wika nito sa binata

"Ano ba Inaantok na ako dito muna ako patulugin!"Zake
agad hinaranangan Ni Ky si Zake sa balak  na humiga ulit sa kama nya.

"HINDI! kung gusto mong matulog na Kunin mo yung Foam jan sa gilid oh at ilatag mo sa sahig Meron na ding unan na naready Jan!"Sabi ni Ky at itinuro ang Malapad at malaking Foam sa Gilid ng Aparador nito

Kung tutuusin Malapad ang kwarto nito. Maari itong Lagyan pa nga dalawang Kama

Padabog na kumilos ang binata
Nang matapos ito sumalpak ito sa Foam na Niready nya
Nakita naman ng dalaga na pagod na pagod nga ito


Umagang umaga palang ay Nagising na si Ky
Maganda ang tulog nito
Naalala nya si Zake na natutulog sa Sahig
Nakita nya ang maamo nitong Mukha m habang natutulog

"Kay gwapong lalaki!"Wala sa Sarili na sabi nito
Gustong Gusto nya itong titigan magdamag

Kaya na din sya pumayag para makita ang lalaki sa paggising
Iniisip nya na kung Araw araw na yang mukha agad ang bubungad e di Maganda Ang gising nito


Tanghali na nang magising si Zake
Masakit Ang Katawan nito
siguro ay sa  mga kanyang binuhat parang daig nya pa ang Mga nasalanta ng bagyo sa Dami ng Gamit nya
Parang Hindi na tuloy ito babalik ng Maynila.
Ayaw nya pa sanang Bumangon Kaso kailangan nya.
May Hiya naman kasi sya sa Nanay Lorna nya at Tatay Antonio nya

Nang Makababa sya ay
Bungad na Bungad nito ang Sobrang lawak na ngiti ni Ky Para itong tanga na Nakangiti sa kanya katabi ng babae ang Kasambahay na si Elyn
Nakaupo na ito at mukhang sya nalang ang hinihintay upang kumain
Pumunta sya sa lamesa at umupo sa bakanteng upuan kaya kaharap ito ng dalaga

"Kain ka,Ako nagluto nyan!"Hindi parin nawawala ang ngiti ng Dalaga sa Mukha nito

Ngumiti naman si Zake bilang pasasalamat sa pagdalo nito sa kanya sa Hapag pero may hinahanap ito

"Nasaan Sila Nay Lorna at Tay Antonio?"Nang hindi nya makita ang Hinahanap nito

"Nagpasyal lang babalik din nama yun mamaya!"Sabi nito at agad na inalok na kumain ulit
Para itong Nobya kung asikasuhin si Zake
Yung Si Lyn naman ay natatawa sa Kinikilos Ni Ate Ky nya

"Abot mo nga yung Hotdog doon Lyn!"Sabi ni Ky
Lyn tawag nya sa kasambahay Short of  Elyn
Sumunod naman si Lyn

"Kain ka lang!"Natatawa si Zake sa itsura ni Ky
para itong nagpapacute sa kanya
Pero hindi nya nalang ito pinansin


Nang matapos ang kainan
Lumabas silang dalawa para Gumala Gusto nilang pumunta sa ilog ulit para lang magpahangin dahil nakakabored sa bahay nila

"Nasaan na ba si Sandra?Bakit hindi mo sya Sabihan na Pumunta dito diba Isama  IAn!"sabi ni Zake dito

Umaandar na naman ang pagCurious ni Ky sa kanya. Pansin nya ulit na Noong Simulang Nagkilala ang dalawa parang Bukam Bibig nito ang Nobyo ng Kaibigan
Kahit na Malayo sa iniisip nya. Parang may kutob sya na may tinatago itong Si Zake na
Parang mag gusto ito sa kapwa lalaki

"Gusto mo ba si Ian?"Lumabas ito sa bibig nya na ikinagulat nya
Pati si Zake ay nabigla sa sinabi ng Dalaga
Agad itong kinabahan

"A-Anong Pinagsasabi mo K-Ky?"Uutal-utal nitong tanong sa dalaga
Huminga naman ang dalaga at inulit nalang ang tanong nya
"May Gusto ka ba kay Ian?"Pag-uulit nito
Hindi naman sa Parang pinapalabas na Parang Bakla ang lalaki pero Curious lang sya tyaka sa mga kilos kasi nito minsan parang kilos babae

"A-no? ako may gusto kay Ian?Bakit nama  ako magkakagusto sa gusto sa kapwa ko lalaki!"Tanggi nito sa dalaga
Tumango ang dalaga sa sagot nito

"e  bakit mo ba na isip ang ganonng bagay?"tanong naman nito dito
nagkibitbalikat ito
"wala lang"

Nakahinga ng maluwag ang binata sa sagot ng dalaga
Hindi nya alam kung ano ang sasabihin kapag may napapansin ito sa kilos nya

"At saka............."Pahabol ng Dalaga
Napapikit sya sa Pahabol nito

wag naman sana

Hinihiling nya na sana hindi nya Napapansin ang kilos nya



".....GUSTO KASI KITA!"-Ky


Gusto kasi kita

Gusto kasi kita

Gusto kasi kita

×DEAL×Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon