Sa lahat ng pagkakaibigan, di talaga maiwasan na mag karoon ng isang bitchy na kasama.Yung tila ba gulo nalang ang dala sa grupo.
Yung kahit gaano pa kabuti ang mga nakapalibot dito di talaga maaalis ang pagiging war freak.
And in our gang, fortunately ako yun.
Marami na ang nag taka kung bakit nila ako naging kabarkada.
Sukat ba namang isipin na isang gaya kong wala inatupag kundi ang makipag away ay mag kakaroon ng mga kaibigang anghel.
Yung isa, Club President ng Glee.
Yung isa naman, Title Holder ng Ms. Theresian.
Yung isa pa, Athlete of the Year.
Yung isa di magpapahuli, Cheerleader.
At ang pinaka malupit sa lahat, kasali sa barkada ko ang School President lang namin na sobrang strikta when it comes to School Rules.
Oh diba, napapalibutan ako ng mga taong may direksyon sa buhay.
Yung mga taong alam kung para san ang mga ginagawa nila.
Di tulad ko na away dito, away doon.
Na halos mapuno na ang listahan sa detention room ng pangalan ko.
Oo, swerte ako tawagin.
Kasi, sila nalang ang nakaka intindi sa akin.
Miski magulang ko nga ayaw sa 'kin.
Pano pa kaya ang ibang tao diba?
Pero iwan ko ba, di ko lubos maisip kung bakit nila ako naiintindihan.
Kung bakit nandyan sila palagi para sakin.
More than half of my life ko na silang kasama.
Walang mintis, nandyan sila palagi para damayan ako sa kadramahan ng buhay ko.
Nong una nga, mahigit tatlong buwan ko silang dinedma't inayawan. Pero habul parin sila ng habol.
Pinatunayan nila sa akin na gusto talaga nila akong maging kaibigan.
Kahit di ko sila kapantay tinuturing parin nila akong kapatid.
Kahit yung mga magulang nila, tinuring narin akong isang anak. Sariling anak.
Kaya nga nagpapasalamat ako sa Diyos na binigyan niya ako ng bagong pamilya sa katauhan nila eh.
Pero di ko sukat akalain na darating pala yung araw na di na nila ako magawang paniwalaan.
Yung tipo bang, parang kelan lang kami nag kakilala dahil pinagdududahan na nila ako.
Oo, masakit. Sino bang hindi masasaktan.
Maldita lang ako. Bitch. Pero kahit ganun. Tao parin ako. Nasasaktan.
Pero, di ako umiyak.
Di ako umiyak. Sa harapan nila.
Kasi, wala akong karapatang umiyak at masaktan. Dahil marami narin akong pinaiyak at sinaktan dahil sa pagiging bitch ko.
---
To be continued...
(06/17/2016)
BINABASA MO ANG
Broken Amity
Teen FictionKawalan ng tiwala? Jan nag uumpisa ang pagkasira ng relasyon. Mapa pag-ibig man o, pagkakaibigan.