HER POV
“teka! Chabs, wag ka muna umalis….” Hinigit niya ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya.
Nakatitig lang siya sa akin… mata sa mata rin akong nakatitig sa kanya.
“Mahal kita. Sorry kung ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob sabihin sa’yo. Matagal na kitang gusto, una palang kitang nakita, kakakilala ko palang sa’yo, gusto na kita. Alam kong corny pero simula nung nakita kita, naniwala na ako sa love at first sight. Mahal na kita nuon pa man. Hindi ko alam kung bakit pero yun ang nararamdaman ko. Mahal kita kasi, masaya akong nakikita ka araw-araw. Mahal kita kasi, hindi ako nakakatagal na hindi makasama ka. Mahal kita, chabs, dahil mahal kita. Mahal na mahal kita.”
Hindi ko alam kung ano ba talaga itong nararamdaman ko… magkahalong saya at lungkot. Masaya dahil, sinasabi niya sa’kin ang mga salitang yan ngayon pero malungkot dahil alam kong hindi naman para sa akin ang sinasabi niya. Gamit man ang pangalan ko, alam kong nakalaan talaga ito para sa iba.
Sino ba naman kasi ang magkakagusto sa isang katulad ko? Parang lalakeng kumilos at manamit. Pero, aaminin ko, matalagal ko nang mahal si Zaph. Hindi niya pa ako kilala, mahal ko na siya. hindi pa kami naguusap, minahal ko na siya. Kahit nung naging magbestfriend kami at tropa, minamahal ko parin siya.
Pinilit ko naman eh, iniiwasan kong maipakita at maiparamdam sa kanya. Dinadaan ko sa angas at pagkabrutal ang lahat para hindi niya mapansin. Pero wala parin, kahit anong diversion ang gawin ko, hindi parin maalis.
Kaya eto ako ngayon, ginagawang practice partner ng taong mahal ko. Ito na ang mahirap eh, ang magpanggap at magkunwari. Magpapanggap akong masaya para maging masaya rin siya at magkukunwari akong ayos lang at hindi ako nasasaktan kahit alam kong durog na durog na ko.
“ang galing naman pre! Medyo nasagwaan lang ako nung una kasi pangalan ko yung ginamit mo pero maganda. Maganda yung timing. Maganda yung mga sinabi mo. Andun yung feelings. Umaapaw! Galing! Ayos na. ah… ano, edi paano, mauna na ko. Puntahan mo na yung magiging jowa mo.” Shit!
Pinilit kong paabutin sa mata ang mga ngiti ko saka tumalikod na sa kanya. Pakiramdam ko kasi ay tutulo na ang mga luha sa mata ko.
“chabs, teka.” Hinigit niya ako sa braso para pigilan...
Huminga ako ng malalim bago humarap sa kanya na nakangiti.
“o bakit? May kulang pa ba?” kulang pa ba ang sakit na pinaparamdam mo?
“anong isasagot mo dun?” biglang tanong niya.
Ganun ba niya gustong masigurado? Kahit opinion ko, gusto niyang malaman?
“ahh. Gusto mo malaman? Kung ako, siguro, mabubugbog kita. Di tayo talo, pre. (sabay tawa)” tengene mo!! Nagtanong ka pa talaga!
Pero sa totoo lang, gusto kong yakapin ka pagkatapos ay sabihin kong mahal din kita… Pero, hindi na pwede di ba? May gusto ka ng iba.. Idadaan ko na lang ulit sa biro, alam ko namang biro lang to eh...
“chabs, seryoso.” Sumeryoso ang mukha niya…
“aww. Mahal din kita pre. Seryoso naman nito. Di ka na mabiro. O so, pano? Mauna na ko ha.”
Kung pwede lang talaga… tumalikod na ako pero hawak niya parin ang braso ko kaya naman hindi parin ako makaalis.
“pre, bitaw na… may pupuntahan pa ko.” oo, hahanapin ko yung babae mo…
“chabs, para sa’yo yun.”
“salamat pre. Labyu too. Aalis na ko.” sana ganun lang ka-casual pwedeng sabihin noh??
Sinubukan ko ulit umalis pero nahigit lang ako pabalik at ngayon ay nakatitig na ako sa mga mata niya. ang seryoso… pero parang nasasaktan siya..
Nakatitig din siya sa mata ko parang sinasabing paniwalaan ko siya. Dun ko lang narealize na malapit lang pala kami sa isa’t-isa. Sandaling natahimik kaming dalawa ng bigla niyang sabihin ang mga salitang magpapatibok ng mabilis sa aking puso.
“Chastity Bernice! Mahal kita.”
Tama ba yung narinig ko?? Mahal niya ako?? Pero… Hinde. Baka pinagtitripan na naman ako ng lalakeng ‘to. Nagpapractice pa rin kami di ba? Pero kailangan ba’ng gamitin pa ang pangalan ko?
“A-ano ba ,pre, hindi magandang pakinggan. Tigilan mo na nga, tapos na yung practice. Umalis na tayo at baka naghihintay na yung jojowain mo.”
Lumuwag yung hawak niya sa braso ko at bumaba ang kamay niya sa mga kamay ko. Isang matinding boltahe ng kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko ng gawin niya ang bagay na yun. Bakit ba ganito?? Hindi na ako nakaalis sa kinatatayuan ko… Totoo ba lahat ng ito?
“Miss Chastity Bernice Ayala, mahal na mahal kita. Ikaw yung pagsasabihan ko. Ikaw... Hindi na to’ practice lang. Totoo na to. Chabs, mahal nga kita. Simula pa nung una. Unang kita ko pa lang sa’yo, lumundag na ang puso ko at napunta na sa’yo. Pinigilan ko, pero lalo lang akong nahulog sa’yo. Hindi ko alam kung paano pero ito talaga ang nararamdaman ko.”
Hindi ako makapagsalita. Seryoso ba siya? Tinignan ko ng maigi ang kanyang mga mata. Naghahanap ako ng bahid ng pantitrip sa mata niya pero wala akong nakita. Pero, hindi, nanttrip na naman ito…
Tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya at pinitik ang noo niya…