Rhea Anne Peralta's P.O.V
Nakakainis siya. Anong tingin niya sa sarili niya? Hari para magdecide? Nakakainis talaga.
"Hey, chill lang Rhea. Tadtad na yung manok sayo." Narinig kong sabi ni Rafael. Tinignan ko yung manok na hinihiwa ko. Tadtad na siya. Napahinga ako ng malalim.
"Nakakainis kasi ehh. How dare he is! May pa 'You'll be mine' pa siyang nalalaman. Nakakairita siya." Sabi ko habang tinatabi yung manok at hinihiwa na yung ibang rekados na ilalagay sa sinampalukabg manok na niluluto ko.
"Well, baka narealize niya yung worth mo." Sabi ni Rafael na kumakain na ngayon ng mansanas. Tinignan ko naman siya ng masama.
"Hindi niya marerealize yun. Nung kasal ni Christian at Elleina, nandun siya at may ginagawa silang kababalaghan ng date niya!" Sabi ko habang naghihiwa.
"Paano mo nalaman na may ginagawa silang kababalaghan? Nakikita mo ba?" Tanong niya. Tumingin naman ako sa kanya na nakatingin din pala siya sakin. Nagiwas ako ng tingin.
"W-wala akong nakita pero, sure ako dun na may ginagawa silang kababalaghan." Sabi ko. Naramdaman ko siyang lumapit sakin at hinawakan ako sa balikat.
"You should clear your mind. Its clear na hindi pa niya pinapakita yung motibo niya pero you should be prepared. All things that you didn't expect will happen. Always be ready." Sabi niya at tinapik niya ako sa balakit. Tumingin naman ako sa kanya. Nakangiti siya sakin kaya napangiti narin ako sa kanya. This past few days, nagiging close na kami ni Rafael. He said that he will give up on Elleina. Kailangan nga lang niya talaga mag move-on. Biglang patakbong pumasok si Kean.
"Mommy, I'm hungry." Sabi niya at nagpout pa. Natatawang lumapit naman si Rafael kay Kean.
"Almost there, baby boy! Intay na lang okay? Tara let's go outside, Let's play catch." Sabi ni Rafael. Ngumiti naman ang anak ko at tumakbo ulit palabas. Tumingin sakin si Rafael ng nakangiti.
"Wag mo ng idouble dead yang manok. Maawa ka sa kanila. Sige sasamahan ko muna anak mo sa labas." Sabi ni Rafael tapos lumabas na. Naiiling na lang ako na nakangiti. Si Rafael, ewan ko kung anong trip niyan sa buhay. Parang walang trabaho halos araw araw nandito sa bahay. Kesyo daw wala siyang makausap sa kanila. Kilala na rin niya kung sino yung tunay na ama ni Kean kaya madali na akong nagoopen up kay Rafael tungkol sa lalaking yun. Hay... Tapusin na nga itong niluluto ko at nagugutom na ang anak ko at syempre, nagugutom na rin ang araw araw kong bisita.
Maya maya ay natapos na ako magluto kaya sinet ko na yung table ng makakain na kami.
"Yaya, paki tawag na nga yung dalawa at kakain ka na." Sabi ko. Biglang lumapit yung yaya ni Kean na si Beth.
"Sige po, Ate." Sabi niya at umalis na para tawagin si Rafael at si Kean. Kinuha ko yung pitsel na may tubig sa ref at inilagay sa lamesa.
"MOMMY!!!" Narinig kong sigaw ni Kean. Napalingon ako at napangiti ng makita ang anak ko.
"Yes baby?" Tanong ko. Kiniss niya ako sa pisngi.
"Lolo's here, but he's with that bully!" Sabi niya na nakakunot ang noo. Bully? Sino ang- natigilan na lang ako ng biglang pagpasok ng dalawang tao.
"He's the bully Mommy, the guy who bullies you!" Sabi niya sabay turo sa lalaking ayokong makita ngayon. Kay keefer na seryosong nakatingin sakin tapos sa anak ko.
"Anak, umm..." hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Baka sabihin ni Papa na hindi ko tinuturan ang anak ko ng mabuti. Hinarap ko si Kean.
"Kean, Tito Keefer is not a bully okay? He's your tito." Sabi ni Dad kay Kean na nagpout lang. Parang gusto kong i-correct si Dad.
BINABASA MO ANG
Me, The Playboy And Our Baby(Complete)
RomantikHe's playboy... But only his child and the child's mother can make this playboy go upside-down. *Rhea Anne Peralta*Keefer Alex Miguel*