"Hi."
"Hello"
"Kamusta?"
"Mabuti. Ikaw?"
"Mabuti rin."
"Hehehe"
- End of Conversation
Ganito na kami lagi.
Nagsisimula sa Hi at nagtatapos sa hehehe o kaya sa " :) " ang bawat usapan namin ni Rianne. Si Rianne, siya ang isa sa pinakamatalik kong kaibigan since grade school. Naging magkasama kami sa pagtuklas ng aming mga sarili at naging kaagapay namin ang isa't isa sa mga pagsubok na dumadating sa kani-kaniyang buhay, bestfriends kumbaga. Pero nagbago yun.
Ako nga pala si David Fernandez. 11th grade sa Northridge Integrated School. Nagsimula akong mag-aral sa school na to since forever. Actually since prep school. Ganun din si Rianne and we have been inseparable since we met in grade school. Our parents are business partners.
Coming from a considerably well-off family, hindi kami nakaranas ng mga kapatid ko ng kakapusang materyal. Pero may iisang bagay ang matagal ko ng inaasam na hindi ko makuha-kuha at iyon ay si Rianne.
Matagal ko ng nararamdaman to para sa kanya but then I thought kung aaminin ko, how will she react? Will she get mad or will she be happy? I'm afraid that she might change. Ever since she and her boyfriend broke up, nangako siya sa sarili niya na hindi muna maglolove life until magreach na siya ng age na 27. She's 16 years old now and that makes it 11 years from now. I know na pag mahal mo ang isang tao dapat marunong ka maghintay but 11 years is a bit long. If I tell her my feelings, she might just drift away from me or maybe not. I really wouldn't know.
I'm afraid to lose her. Not like this. Not when I have finally met the one that gives me butterflies in my stomach everytime she smiles; the one that gives me the enery booster I needed everytime she says, "Kaya mo yan David. Ikaw pa. Si Superman ka di ba?" She's been a really good friend to me. Yun nga lang, hanggang dun lang yata ang turing niya sa akin.
"Bestfriend"
Saklap no?Until one day............
"David!", si Rianne ang aking prinsesa, tinatawag na ako.
"Teka lang Ri, aayusin ko lang tong gamit ko tas lunch na tayo ah." lumapit siya sa akin.
"Sige. Bilisan mo. Gutom na ko."
Binilisan ko ang pag-aayos ng bag ko kasi gutom na nga siya. Unknowingly, I dropped something from my backpack. Yung papel na sinusulat-sulatan ko ng mga katagang
"I love you Rianne. Mahal na mahal kita." paulit-ulit yung hanggang sa mapuno ang papel mula harap hanggang likuran.
Ewan ko ba kung ba't di ko naitapon yun. Pero yun lang yung way ko para masabi ko ang tunay ko ng nararamdaman kasi baka pag sinabi ko sa iba ay masabi rin nila kay Rianne at hindi ko hahayaan yun. Torpe ako sa lahat ng torpe. Pessimistic pa kung minsan. Hay.
Pero laking gulat ko ng nakita kong pinulot ni Rianne yung papel at nagsimulang basahin ito. Patay! Maghahalo yata ang balat sa tinalupan. Kinabahan ako at biglang pinagpawisan. Aktong kukunin ko na ang papel ng biglang,
"Da..Dav.." parang nagulantang si Rianne sa nabasa niya.
"Ri, it's not what you think." I lied. It is what she thinks or is it not?