ELANIA
"Good Morning!"
Napa tingin at napa ngiti ako sa bagong dating na costumer na kapapasok lang kasabay ng pag tunog ng dream catcher na naka sabit sa pintuan ngunit napawi rin ng mapag tanto ko kung sino yun."One hot caramel machiatto please."
Napa tawa ako ng pagak habang naka tingin sa kanya. "Wala pa rin siya?" Tanong ko imbes na asikasuhin ang order niya.Umirap siya dahil sa inis habang binibigyan ako ng matalim na tingin. "Isn't it obvious?"
Napa tango ako at pinipigilang hindi matawa lalo sa kanya bago ko sinabing antayin nalang sa table ang order niya.
Chavell White Martin, ang girlfriend ng kaibigan kong si Yaydel Ji na may ari nitong cafe na pinag tra'trabahuan ko ngayon.
Masaya ang pag tra'trabaho ko dito at naging kumportable agad ako kahit pa paano.
2 years ago when both of my parents got into a car accident that took thier lives. Sobrang hirap paniwalaan, ika nga nila acceptance is the hardest thing to do in our life and indeed it is true.
Simula noon unti unti ng nawala ang lahat na meron kami katulad ng bahay na hindi pa pala nababayaran ng buo. Lumaki akong hindi alam kung ano nga ba ang nangyayari sa paligid ko.
Palagi kong iniisip na andyan lagi sina Mama at Papa sa tabi ko kahit na malaki na ako at responsable na, pero hinayan ko lang ang lahat and here I am left with nothing. Nothing but the painful reality that I lived in.
Minsan hiniling ko na sana yaman na lang ang nawala at hindi sila dahil sobrang hirap. Sa lahat ng nangyari sa akin, I decided to look for a job na pwedeng pagka kitaan dahil kailangan.
Pinangako ko sa sarili ko na kahit wala na sila, hindi ko hahayaang maging basta basta nalang ako kahit mahirap kailangan kong yakapin ang mundong hindi ko nakasanayan na ngayon ay unti unting naging kumportable para sa akin.
"Here's your coffee." Hayag ko sa kanya.
"Thanks." Walang ganang sagot nito bago sumipsip sa kapeng hawak niya.
"Okay ka lang ba?"
She just gave me a will-you-please-stop-being-so-nice-to-me look kaya pinagkibit balikat ko na lang iyon at umalis na agad ngunit hindi pa man ako nakakalayo mula sa kina u'upuan niya ng marinig ko itong may kausap na sa phone. Malamang ang boyfriend niyang hanggang ngayon ay nasa New York pa din at walang kasiguraduhan kung babalik pa ba.
"Sweet Morning!"
Napakunot noo akong lumingon at tumambad sa paningin ko ang maaliwaslas na pagmu'mukha ni Flaccil kasama ang kapatid nitong si Theo.
"Wala ba tayong kape dyan melabs?" Gusto kong masuka sa pag lalambing niya ng kanyang boses, di bagay.
"Samahan mo dun si Chavelle at baka maisipan na yung mag suicide dahil kay Yaydel. Dadalhin ko nalang ang order mo."
"Grabe Ela, I feel so special to you." Naka ngiting sabi niya. "Wag kang mag alala wala sa isip nung babaeng yun ang tapusin ang buhay niya ng hindi man lang nakikita ang boyfriend niyang hilaw." Ngisi nito habang tinataas baba ang kilay. "Huwag mo ring kalimutan pareho kami ni Theo ng order, okay ba?" Mabilis na dagdag pa niya bago tumungo sa pwesto ni Chavelle.
Ibang iba talaga siya sa kapatid niyang si Theo. He's the demon while his brother Theo, is a saint ganun kalayo ang pinag kaibahan nilang dalawa.
"Joey pwede dito ka muna dadalhin ko muna ang ang order nina Flaccil." Paki usap ko sa kasama ko ngayon bago nag tungo sa pwesto nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/74622631-288-k787835.jpg)
YOU ARE READING
Leave Me Behind
Teen FictionWhat will you choose, Will it be.. Power? That will destroy you.. or.. Love? That is worth fighting for.. But what if the one you loved has the power to destroy you.. You always have a choice.. Are you still gonna fight? or Leave him behind? - amn.