Aedrianne's POV
Sabi nila kapag nagwish ka sa oras na 11:11 matutupad ang iyong hiling, pero wala naman akong pekealam e. Parang baliw lang eh. Anong magagawa ng 11:11 para mabago ang future mo? Jusko. Kababawan lang yan! Pero sabi nga nila nagiging desperado ang isang tao kapag nagmamahal na. Eto ako ngayon. Kasalukuyang hinihintay ang pagpatak ng 11:11 habang umiinom ng Caramel Macchiato sa coffee shop na malapit sa village namin. isang minuto nalang 11:11 na. Pumikit na ako ng nakita kong gumalaw na ang kamay ng orasan.
"Eleven eleven, sana maging kami." Minulat kona ang mata ko. Halos isang linggo na akong humihiling. Sa mga bituin, wishing well at sa oras na 11:11, pati nga sa pagdadasal hinihiling ko na maging kami ng taong mahal ko.
"Hi Aedrianne!" Bati ni Khain saakin.
"H-hello. B-buti nandito ka?" Nabubulol na tanong ko sakanya.
"Ah, wala naman. Gusto kolang uminom ng hot chocolate. Nalaman ko kasi na masarap ang hot chocolate nila dito."
"A-ah." Parang nawalang gustong lumabas na salita sa bibig ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Gusto ko na talaga siya. Tinignan ko kung ano ginagawa ni Khain, nakita ko siyang tapos ng umorder ng kanyang hot chocolate at may dala din siyang glazed doughnuts, papalapit siya sa puwesto ko. Nang makarating siya sinabi niya na kung pwede ba siyang makishare ng table. Ako naman pumayag na. Chance din 'to! Nawala ang focus ko sa Caramel Macchiato and oreo cheese cake nakinakaib ko dahil napansin ko nalang na nakatitig na pala ako sakanya. Iniinom niya ang kanyang hot chocolate habang nakatingin sa librong binabasa niya. Nakita ko ang librong binabasa niya. Harry Potter and The Chamber of Secrets, Bigla akong napangiti, binabasa pala niya ang librong paborito ko.
"Khain? Binabasa mo pala yan?" Nakangiting tanong ko sakanya.
"Ah oo bakit? May complete set nga ako ng librong ito. Ang galing kasing Author ni JK Rowling e." Nakangiting sagot niya saakin. Grabe! Parehong pareho kami! Yung habang nagbabasa ka ng libro tapos may nakakakilig o nakakatawa na scene ngumingiti ka. Ang dami pa naming napagusapan tungkol sa mga libro. Nalaman ko na favorite author din pala niya sina JK Rowling, John Green and Nicholas Sparks, napagkwentuhan din namin ang iba pang mga libro tulad ng The Fault in our Stars, Paper Towns and Looking for Alaska. Nakakatuwa dahil halos pareho kami ng gusto pagdating sa libro. Sabi pa niya naaddict daw siya sa The Maze Runner Series, Divergent Series, and Hunger Games Series. Sobrang nakakatuwa lang dahil bihira lang yung lalaking nagbabasa ng libro. Halos dalawang oras din kaming naguusap tungkol sa mga libro. 1:20 na nang napagpasyahan namin na umuwi na. Nalaman kona sa parehong village lang pala kami nakatira. Nagoffer siya na ihatid na niya ako saamin. Pumayag na din ako. Blessing in disguise din pala ang pagpunta ko sa coffee shop na yun. Halos magtithree na hindi pa din ako makatulog. Iniisip ko parin yung nangyari kanina.
Nasa harap na kami ng gate ng bahay namin. Papasok na sana ako nang bigla hawakan ni Khain ang kamay ko.
"Hmm, Aedrianne?" Tawag niya saakin.
"A-ano yun Khain?" Medyo natataranta kong tanong. E paano ba naman hawak hawak niya ang kamay ko! Juskoo! Hindi ata ako makakatulog nito!
"A-ah wala. Good Night, and Thank You." Sabi niya saakin. At binitawan na niya ang kamay ko.
"Sige, good night and thank you din" sagot ko sakanya. At papasok na sa gate. Napahinto ako ng hawakan niya ulit ang kamay ko.