Call

28 5 8
                                    

I'm only one call away
I'll be there to save the day 🎶

Omo! Yung ringtone ko yun aah. Waah ang ganda talaga ng boses ni Charlie Puth ang gwapo paaa. Kyaaa! Haha. Onga may tumatawag pala na, carried away ako sa boses ni Charlie Puth a haha. Haaays. si Red baby nanaman iis.naman baka tuluyan nakong mahulog sa kanya. Haaays.masagot na nga lang at baka magtampo nanaman.

"Hello",bungad ko sa kanya.

"Hello.Busy ka?", agad naman niyang sabi.

"Oo,busy ako,busy kakaisip sayo."

Syempre hindi yan ang sinabi ko haha, asa pa siya,pero siya nga ba ang umaasa o ako? Haay.ang hirap ng ganito, ang MAINLOVE ka sa mas bata sayo, age gap nga naman.

"Alteeey! Bat di ka sumasagot? Sobrang busy mo ba?"

Hindi pala ako nakasagot kanina, iss ayan nanaman siya sa Alteyy nya, ang ganda ng pangalan ko tapos aish! Kung di lang talaga kita lab iih haha cornyy.

"It's Althea not Altey. Ang ganda ganda ng pangalan ko tapos ang pangit nh tawag mo sakin?"

"Ang common kasi ng Althea, madaming tumatawag niyan sayo, kaya i prefer na tawagin kang Altey haha"

Ayan nanaman siya sa mga gawain nya, kaya di ko siya maintindihan e.

"Iss. Bahala ka nga dyan Red, anyway i'm not busy, why? Wag mo sabihing papakantahin mo nanaman ako aa."

"Tumpak!",sabi niya na ang saya-saya ng boses, haaay bata nga naman.

"Ayan ka nanaman eeh, tapos pagkatapos ko kumanta dada nanaman akong dada tapos tulog kana pala."

"Yes, i'm sorry. But you're voice is my lullaby, nakakatulog ako pag kinakantahan mo,bakit ayaw mona ba akong kantahan a Altey?"

"Ayan ka nanaman sa paawa effect mo e haha. Wag ka na bu iyak babyboy baka bumaha pa eeh kawawa naman kami if ever wala kaming second floor haha and it's Ate Althea, not Altey"

"It's Altey! Not Ate Althea!" Sigaw nya. Haay, galit nanaman siya, ayaw niya akong tawaging ate. Abnormal talaga siya.

"Oo na po,oo na. So kamusta, malapit na pasukan nyo aa."

"Yes, sa monday na, pasukan natin a, bat pasukan lang namin?"

"Haha. College na ako Red, August pa pasukan namin."

"Aah. Onga pala. I forgot haha!"

"Tawa mo?"

"Galit ka na nyan Altey? Haha Sorry na Altey! Kakantahan mo pa ako eeh"

"Haha, oo na Red! Marunong ka maggitara?"

"Hindi eh, turuan mo ko"

"Sige,pag may time."

"Ang galing mo mag gitara at kumanta e, san ka natuto?"

"Naaks. Nag co-compliment na ang baby boy ko ngayon a haha"

"Hey! I'm not a baby anymore! I'll be on a prom soon!

"Haha. Yes. and I'm the old one here that's why i'd like to call you baby boy, gaya lang yan ng pagtawag mo sakin ng Altey haha oh quits na! Haha", Yes. I'm the old one here at nafafall ako sa mas bata sakin haaays.

"Whatever, anyway si Miles, marunong din siya mag guitar no?"

Aww. Yes si Miles, si Miles na mas bata sa kin,si Miles na mas maganda sakin,si Miles na walang malay pero si Miles 2yrs and gap nya sakin and 2yrs ang gap nila ni Red, mas bagay sila. O diba alam nyo na kung ilan gap namin. Di talaga pwede no? Haaay.
"Oo, ligawan mo kaya tapos sa kanya ka na magpaturo",labas sa ilong na sabi ko. Haaay Red! sinasaktan mo ang puso ko! :(

PHONECALL Where stories live. Discover now