Start

1 0 0
                                    




Ano ba feeling umibig ng isang Student Leader?

"Well, ano nga ba? Mahirap i-explain eh. Roller coaster ride kasi relationship niyo. Kaya magbibigay nalang ako ng list kung bakit sobrang hirap magmahal ng isang student leader:

1. Madami kang kahati sa time. Yung date nyo, minsan sabay nalang kayo maglunch kasi may tatapusin pa siyang written report.

2. Kailangan nyang maging friendly at sociable sa iba pang students. Kahit yung mga kinaiinisan mong tao, kailangan niyang ientertain kapag nagtatanong. Kaya lagi kang praning kasi ang dami daming kumakausap sa kanya, minsan tinatry pa silang harutin. Makakapatay ka pa ng wala sa oras. Pero wag ka, di ka rin pwede magselos at manumbat kasi kailangan niyang gawin yun para madami din bumoto sa kanya next school year.

3. Mga biglaang meeting. Either hintayin mo siya hanggang alas 9 ng gabi, o umuwi ka mag-isa mo.

4. Hindi ikaw ang priority niya. Dahil mas importante ang responsibility niya bilang SL kesa sayo. Tanggapin mo nalang at suportahan siya.

5.Yung mga gala nila na hindi pwede sumama ang hindi SLs. Tapos mamaya malalaman mo nalang na nag-iinuman na pala sila. Sobrang nakakaparanoid.

6. Nagiging instant PA ka. Tagabitbit nito, tagahawak nyan, tagakuha nito, taga-abot nyan. Wala eh, dapat maging supportive na jowa.

7. Yung akala mo may perks ka na pwede mo malaman kung ano yung mga susunod na events or kung anu ano pa, pero akala mo lang yun. Secret lang daw yun between SLs.

8. Bawal ka maging clingy sa kanya inside school premises kahit gustuhin din niya, kasi may minemaintain siyang image. Kailangan niya maging good example.

9. Magkahiwalay din kayo kapag may events. Either nasa stage din siya na nag-aasikaso, o nasa likod para sa technical.

10. Minsan nakakababa ng pride, lalo na kapag nagboboast siya na ang dami niyang na-achieve bilang SL. Minsan nag-uumapaw kasi eh, tapos ikaw simpleng estudyante ka lang. Mapapaisip ka tuloy kung worth ka nga ba mahalin ng isang taong katulad niya.

-
Pero at the end of the day, kahit na sobrang daming dahilan para mainis at makipaghiwalay na sa kanya, di mo magagawa. Kasi mahal na mahal mo eh. Wala kang magagawa kundi tanggapin siya ng buo. Matututo ka nalang i-appreciate yung mga maliliit na bagay tulad ng paglibre niya sayo sa hepalane ng kwek-kwek, o yung paghatid niya sayo sa elevator. Iisipin mo nalang na para sa kanya 'to, para lalo siya mag-grow. Tiis tiis nalang, para someday if kayo man magkatuluyan, may maikekwento kayo sa mga magiging anak niyo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Untitled StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon