Sorry

3 0 0
                                    

Lagi na lang yan ang sinasabi ng mga tao kung nagkakasala. Lagi na lang yan ang sinasabi pero walang ginagawa, laging hanggang salita. Lagi itong sinasabi sa mga nasasaktan. Lagi itong sinasabi sa mga iniiwan. Minsan masakit dinggin, minsan maganda sa pandinig. Minsan tama lang, minsan parang wala lang.

Sorry. Bat nga ba napakasikat mong salita? Mapa saan man ang aking puntahan, naririnig pa rin kita?
--

"Boo!"

"Wahh! Langya ka! Ginulat mo ko! Sama mo! Sama! Sama! Samaaaaa!"

"Hahahahaha. Sorry na." Saad niya habang nakatutok sa akin yung flashlight na dala niya.

"Alam mo na nga lang na ang dilim at nandun silang lahat, tinakot mo pa ako." Umalis na ako sa aking pwesto kanina at naglakad na may kasamang dabog, nakakainis kasi siya. Eh pano kung may ahas dun, tas naapakan ko nung ginulat niya ako? Edi wala na natuklaw na ako, isusugod na ako sa Hospital, tapos walang stock ng Anti-Venom edi wala na, 50-50 na ako tapos hindi na maaagapan, wala na mamamatay na ako. Pano na pamilya ko? Pano na mga kapa--

"Haynako, Laurece. Ang OA nanaman siguro ng mga pinagiisip mo. Sorry na nga diba? Sorry na. Heto naman, bati na tayo oy!"

Lumingon ako sa kanya at ng cross arms. "Haynako ka rin Quinn (Pronounce as Kin) iniisip ko lang mga possibilities na mangyari no! Di ako OA!" Tumuloy na ako sa paglalakad na nakabusangot ang mga mukha.

Nandito kami sa Mini Forest na kilala dito sa lugar namin. Desperas na ng pasko, naiisip naming magbabarkada na pumunta dito tutal uso naman ng gumala gala ng gabi kada gantong panahon.

"Oh Laurece? Anyare sayo? Bat nakabusangot ka? Nag away nanaman ba kayo ni Quinn?" Tanong ni Jay ng makarating ako sa kinaroroonan nila. "Eh kasi yang si Quinn, ginulat ako dun. Nakakainis siya!" Saad ko naman habang ngumunguso nguso pa.

"Haynako, ewan ko talaga sa inyong dalawa! Hahahaha" saad naman ni Ayce na kinantyawan naman ni Frey, Xena, at Zeke. Pito kaming magbabarkada. 4 na babae at 3 lalaki. Actually 8 talaga kami pero nag out of country yung isa, si Gus.

"Oh ayan na si Quinn oh, dali magbati na kayo!" Sigaw ni Zeke.

"Laureceeeeeee~ bati na tayoooo. Heto oh, peace offering ko." At may pinakita siyang maliit na garapon na may...................... FIREFLIES *Q*

"I-ikaw naghuli neto?" Wala ang atensyon ko sakanya ng tinanong ko siya. Sobra pa rin akong nai-Starstruck dito sa fireflies *Q*

"Yep! So bati na tayo?" Nakangiting saad niya. "Okay bati na tayo, basta sa akin na to." Manghang mangha pa rin ako sa mga insektong to kaya wala pa rin ang atensyon ko sa bawat isa *Q*

"Sige ba."-Quinn

*Q*- Ako

"Oh siya! Tara na't umuwi dahil mag a-alas dose na. Kita kits tayo sa Daan ah? Magpapalit lang kami." Saad ni Frey. Tumango kaming lahat na nagkanya kanya na ng uwi. Magkasamang umuwi sila Acey, Frey at Xena. At sabay ding umuwi si Zeke at Jay. And, obviously sabay kami ni Quinn. Magkapitbahay lang kami eh.

Dito sa lugar namin, sa kalsada kami nag sasalo salo. Well, village naman yung sa amin kaya unti lang ang dumadaan na sasakyan. Lahat ng family ay nilalabas ang mga handa at ang mga officials ng village ay naghanda ng dugtong dugtong na table upang mapaglagyan ng mga noche buena.

SorryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon