UNA
Vanna's POV
Andito ako ngayon sa hindi ko alam ang tawag na lugar pero parte padin naman ng school namin. Dito kami lagi ng mga kaibigan ko. Presko ang hangin tahimik pa at kakaunti lang ang estudyanteng nagpupunta. May mga upuan, lamesa at mga puno 't halaman. Un na nga ako'y kasalukuyang nakaupo, nakapalumbabang nagaantay sa magaling kong kaibigan. 4pm na. Kinse minuto na ang nagdaan, wala parin sya. DI BA SYA NAINFORMED NA WALA AKONG PATIENCE? Nilalangaw na ko kakaantay. San nanaman kaya un lumandi at ang tagal-tagal. IRITA NA KO B3H! Nakakaburyo kaya magantay, sayang sa oras. Lalong higit nakakagutom! Yung baklang un talaga malalagutan sya ng hiniga sakin pagdating. Hayy
Ung inaantay ko, pangalan nun IAN ISAAC JR. Bakla un. Jr pa man din. Tanggap na sya ngayon sa bahay nila. Dati kasi hindi, mahabang kwento. Mayaman at financer slash sponsor kumbaga ng mga matchong lalake. Pano ko ba idedescribe itsura nya? Abstract kasi e. HAHAHAH. Biro lang! Kamukha nya si Bret Jackson bakla version 2.0! (Taray ni bakla, Bret Jackson ang kapeslak! This time movie pa~) Kaklase ko na sya simula 1st year highschool. Ngayon, 1st year college na kami. Grabe, 4 na taon na pala kaming nagtitiis sa isat-isa. DI ko nga alam bat lagi kami magkaklase. Lagi kami pinagtatagpo. Nako, kung sya man po ung itinadhana nyo para saakin kunin nyo na po ako ngayon. As in now na!! Aish."ANTAGAL NYA GRABE!" Sabi ko sa sarili ko. Mapapakamot ka nalang talaga sa ulo e. Di man lang magtext.
Papaalis na sana ako nang bilang nakita ko si..Si Allen. SI ALLLEEEENNN???? Hulog ng Langit! Okay, upo ulit at balik sa dating pwesto Vanna. Talikod ka muna sa direksyon nya. Ayusin mo muna sarili mo, dapat maganda ka! Hindi mukhang stress sa hayup. Inhale-exhale! Si ALLEN RILEY LANG NAMAN YUN, Sus kumalma ka! Siya LANG yan. KAYA PWEDE BA WAG KANG OA SA PAGTIBOK, PUSO. Ready na. tingin ka na sakanya! 1..2...3...
*Slow motion effect*
Naniniwala na ako sa forever, Simula ng makilala kita~Tugtug..tugtuggg. Nararamdaman ko nanaman ung mga nagwawalang paruparo sa tyan ko. Hoy, kinikilig din kayo? Magtigil! Ako lang dapat. Wag nyo na sya agawin sakin. 2 years in a relationship na kami. Akin lang sya, sa'akin!!
Ang gwapo nya talaga! Anghel na anghel. Pure and innocent. Ang cute ng smile nya lalo na ung mga mata nyang nangugusap ang kinang sa ganda kahit medyo singkit. matangos ang ilong at mapanga. Ang tangkad nya, tapos ang simple nya lang. Halos araw-araw naman kami nagkikita, kinikilig parin ako! Cant resist his charms.
"Oy, May gagawin ka ba ngayon?" Sabi ni Allen.
Ung boses nya,ang sarap pakinggan. Parang musika na ang sarap ulit-ulitin. Ang bango nya pa. Dikit sa ilog ung Amoy. Ang sarap yakapin.
"Tara, Samahan mo ko!" Sabi nya ulit.
WAAAAAAAHHH. Ayos lang ako prend, kahit wag ka muna dumating! Okay na okay lang ako dito kahit gaano ka pa katagal. Kaya ko na magantay.
"ARAAY!–" lintik, paluin ba naman ako ng libro sa ulo.
"TEH, LAWAY MO TUMUTULO! HAHAHA" Sabi ni Ian. Buset, ang sakit. Hinimas himas ko ung part ng ulo ko na pinalo nya.
("Wait lang pre, tapusin muna natin tong report" Sabi nung lalaki Kay Allen na nilapitan nya.)
"Kung ice cream lang yan, nako sigurado tunaw na tunaw na tunaw nayan te kakatitig mo! Tama na pagpapantasya." Kahit kelan talaga to. Tinititigan ko lang sya ng masama habang paupo na sya sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
It Was Only Just A Dream
Teen FictionA/N DONT JUDGE THE BOOK BY ITS COVER! BASTA,BASAHIN NYO LANG. Ang istoryang ito ay pawang kathang isip lamang at imahinasyon. Ito ay dulot lamang ng sobra sa pagpapantasya, gutom, puyat, at mga saloobing hindi nailalabas ng author. Ako nawa ay inyon...