She did the 11th
One shot@LadyIngray.
#MedyoMatagalSaUpdate
#SaksakanNgTagalNaUpdate
#LadyInGray
Hahahaha!
Good Day everyone Naisipan ko pong mag-write ng mga One Shot na based in Real Life Love Stories. So here is the first "Real Love One-Shot" for you guys. Medyo mahirap mag collect kaya dalawa palang muna ipopost ko yung iba kasi on-going pa.
I would like to thank my friend Katrina for this one-shot.
ENJOY and dont forget to follow me people:)
_________________________________________________________________________
"kAT! natapos mo na?"
"OO, natapos ko na!"
"Maganda? Idol ko nagsulat nun!"
Aminado naman ako. Maganda yung story ng "11 ways to forget my ex-boyfriend". Pinabasa sakin
yun ng bestfriend kong si reena idol niya din daw kasi yung author na si denny.
Bakit niya pinabasa sakin?
Makakarelate daw kasi ako sa kwento..
which is true, nakarelate nga ko. This past few days yun ang ginagawa naming dalawa. Ginawa namin
lahat na nakasulat sa kwento.
Sinunog ko lahat ng binigay ng ex ko, kahit pati yung cute na teddy bear tinapon ko.
Binura ko na din lahat ng message niya sa facebook at cellphone ko.
Naging busy nadin ako. Mas inintindi ko na yung mga gawain sa school kesa dati.
Ang tawag nadin namin ng bestfriend ko sa ex ko ay "tot". Kaya sa tuwing nagkkwentuhan kami ng tungkol sakanya
hindi niya alam kasi 'tot' ang tawag namen sakanya.At madami pang iba, basta lahat ng nandun ginawa namin.
maliban nga lang sa isa...
11. Dare to fall in love again.
Nakipagdate ako, i had a long phone call with him. I spent so many times with him. I like it naman when we go out
together, but the problem is...
"Wala padin akong nararamdaman"
"Wala padin?!"
"Wala pading spark! okay?" sagot ko sa tanong ng makulit kong bestfriend. ini-interrogate niya nanaman kasi ako tungkol saming
dalawa ni kean.
Actually 6 months ng nanliligaw si kean sakin. Nakilala ko siya sa work, working student kasi ako. Nung una hindi ko ine-entertain
si kean pero ng magsimula naming gawin yung 'ways to forget the demon' (yun ang tawag ni reena sa ginagawa namin), mas nakilala ko ang
tunay na kean, mabait, maasikaso, sobrang sweet at thoughtful.
"Hindi ka pa din ba nakakmove-on kat?" sabay subo ni reena sa hawak hawak niyang piattos.
"Nakamove-on na ko noh!" Effective naman kasi yung mga kalokohan na pinaggagawa namin. Nakamove-on ako, pero hindi ko alam kung ready pa ba akong
mainlove ulit. Kaya hindi ko pa kaya mag-evaluate ng feelings ko kay Kean.
"Kat, ganito nalang." huminga muna ng malamin ang loka. "ikumpara mo yung feelings mo pag kasama mo si kean sa feelings mo noon pag kasama mo si 'tot'."