Chapter 4

3.1K 51 0
                                    

CAITLYN'S POV

I yawned and moved to the other side of the bed. Madaling araw na kami nakatapos dahil sinagad ba naman yung panonood namin ng palabas, hindi lang isa kundi tatlo. I heard someone knocked at the door. "Princess Heidi, ready na ang breakfast natin." Rinig kong sabi ni Benjamin.

Bumangon ako. "Ben, ang panget ng tawag mo. Do i look like princess in this look?" Namamaos kong sabi.

"Gusto ko lang sirain umaga mo, morning!" Bati niya.

Binato ko siya ng unan na hawak ko at lumabas ng kwarto para pumunta ng dining room. Binati ko agad si Joseph ng makaupo ako.

"Di naman obvious na wala tayong tulog, diba?" He teased.

"Heidianne, magbihis ka na. Aalis tayo!" Sigaw ni Joshua.

Kinusot ko ang aking mata. "Where are we going ba, bro?" Tanong ko.

"Malamang, sa pupuntahan." Pamimilosopo niya.

Umalis ako sa harap niya at padabog na tumaas sa hagdan papunta sa kwarto kung saan ako natutulog. Binuksan ko kaagad yung wardrobe sa harap ko saka namili ng damit na isusuot ko ngayon. I decided to wear croptop, denim short with high heeled converse. Matapos akong magbihis bumaba agad ako nang hagdan, nadatnan ko silang tatlo na nakaupo sa sofa na para bang hinihintay ako.

"Katagal kumilos, pagong ba kasama natin?" Inis na sabi ni Joshua.

"Ako pa mabagal, di mo na nga ako pinakain ng agahan!" Sigaw ko.

"Sino ba nalate nagising satin? Diba ikaw?" Sabi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay at napabuga ng hangin. "Hoy! Parehas tayong nagpuyat dito, bakit ako lang sinisisi mo?" Sabi ko.

"Guys, can you stop fighting? Hindi tayo makakausad kung itutuloy niyo pa 'yan." Sabi ni Benjamin.

"Tara na nga, Ben! Sasabay ako pumunta sa garage niyo." Sabi ko.

Napamangha na lang ako nang makita kong napakarami nilang sasakyan. "Do you guys have your own car?" Tanong ko.

Nag-thumbs up naman si Joseph. "Yes! Do you want to drive?" He asked.

My eyes widened. "I want to drive!" Excited kong sagot.

Napangiwi ako nang may bumatok sakin. "Sinong may sabing pwede ka mag-drive? Gusto mo diretso langit tayo mapunta?" Sermon ni Joshua.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Who told you na pupunta tayo sa langit?" I shouted.

"okay, tama na 'yan. Get inside the car, ako na ang magd-drive." Sabi ni Benjamin.

Nang makapasok ako sa loob ay tinignan ko si Benjamin. "Ben, how did you get your license? We're still minor right?" Tanong ko.

"We have student licenses, pero as far as i know we're only allowed to drive when we are accompanied by a licensed driver." Sagot niya then he started the engine of the car.

Napataas ang kilay ko. "Well, we're all minors here. Wala naman tayong kasamang licensed driver dito!" Sabi ko.

Joseph winked at me. "Prayers lang katapat niyan. I believe walang checkpoint sa dadaanan natin mamaya." Confident niyang sabi.

Kinabahan ako bigla. "Can we call your driver na lang? I'm not sure about this." Sabi ko.

Tinignan ako ni Joshua, hinawakan niya magkabilang balikat ko. "Relax ka lang kasi, Heidianne. Wala naman masamang mangyayari!" Sabi niya.

Tumango ako. "I shouldn't be nervous. Makakarating tayo safe and sound!" Pangungumbinsi ko sa aking sarili.

___

Naalipungatan ako nang may marahan na tumatapik sa pisngi ko. Dinilat ko ang mga mata ko at bumungad sakin ang nakangiting mukha ni Joseph. "Glad you're awake! We're already here." Sabi niya

Kinusot ko ang aking mata at tumingin sa paligid. "Where are we?" Tanong ko.

"I don't know exactly! Pero sumama ka muna sakin, we prepared something for you tho." Sabi niya.

Sinenyasan naman niya ako na sundan siya, ginawa ko naman. Nakita ko agad sila Joshua at Benjamin na naghihintay samin, may mga hawak silang basket at tela. Nilatag agad ni Joseph yung blanket sa damuhan at sinenyasan ako na umupo.

"Let's eat! We brought some of your favorite foods, btw!" Sabi ni Joseph, habang nilalabas niya isa-isa yung mga laman sa basket.

Napaawang ang bibig ko. "Who planned this?" Tanong ko.

Joshua pinched my cheek, sinamaan ko siya ng tingin. "Secret, walang clue!" Sagot niya while laughing.

"May good side rin ako nakita, akala ko puro bad side lang makikita ko sainyo ih." I joked.

"I'm a bit offended ha. Grabe 'yon!" Sabi ni Benjamin.

___

"Where should we go next? We still have time before we go home." Tanong ni Benjamin.

Tinignan ko siya, habang inaayos ang pinagkainan namin. "Do you guys drink coffee? Inom tayo after." Anyaya ko.

"Magpatunaw muna tayo ng mga kinain natin. How about we walk and talk then before we go home, we'll buy coffee?"

Nag-thumbs up ako. "Good choice!" I agreed.

"Nakakapagod pala 'to!" Sigaw ni Joshua.

"May ginawa ka ba?" Panga-asar ko sa kanya.

Sinamaan niya lang ako ng tingin, nginitian ko siya at sinabayan sila Joseph sa paglalakad. "Let's buy coffee sa Starbucks ha!" Sabi ko.

"Wala na kong pera!" Reklamo ni Joseph.

I took my wallet out of my pocket at pinakita sa kanila. "Don't worry, treat ko kayong tatlo!" Sabi ko.

"Napantig tainga ko nang makarinig ako ng libre, ang sarap pakinggan!" Sabi ni Joshua.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Nagbago na pala isip ko, di ko na ililibre yung isa." Sabi ko.

Napasimangot naman siya. Napatigil ako sa paglalakad nang may matanaw akong bilihan ng mga snacks, pinuntahan ko agad 'yon. "Huy! Saan ka pupunta?" Rinig kong tanong ni Joshua, pero di ko na nasagot pa.

I giggled when i found my favorite snacks. Hindi na ako nagdalawang isip na kumuha ng shopping basket, these are my comfort food! Isa-isa ko sila nilagay sa basket while naglilibot. "Ah, ito pala yung pinuntahan niya. Sana nagsabi ka manlang bago pumunta dito." Sabi ni Joshua.

Tinignan ko siya. "Sorry, i became excited when i saw this. These snacks were telling me to buy them!" Masaya kong sabi.

"Ayan na ba lahat? Ako na magbubuhat." Sabi niya saka kinuha yung shopping basket na nakasabit sa kamay ko.

Tumango ako at naglakad patungong counter, nung turn na namin mag-checkout ng mga items naglabas agad bigla ng wallet si Joshua. I grabbed his arm to stop him. "Ako na magbabayad." Sabi ko.

Tinignan niya ako, eye to eye. "Let me pay." Sabi niya saka binigay yung card niya sa cashier.

Nang makalabas kami ng store, naabutan namin naga-abang yung dalawa. I waved to them. "Let's go! We'll go to Starbucks then we're going home na." Sabi ko.

Destined to ReuniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon