SimulaTumindig ang balahibo ko nang unti-unti kong naramdaman sa palad ko ang mga biyak ng malakas at matigas niyang likod.
Hinagod ko sa kabuuang likod niya ang maanghang na langis na ginagamit sa pang-masahe.
He's been my customer since the day we saw each other again. After almost six years since I left, akala ko'y makakalimutan ko na ang naiwan ko rito sa Pilipinas.
But then, I was lying to myself the whole time.
I never forgot him.
Pero siya, parang nakalimutan niya na yata ako.
He tilted his head to the side, at pinagmasdan ko ang pilikamata niya, yung sa baba at sa taas, na naghalikan dahil sa pagpikit ng mga mata niya.
I blinked, at inalis ang tingin ko roon.
"Sir, aakyat po ako. Okay lang po ba?" Tanong ko.
"Hmm." Lang ang tanging sinabi niya.
Kaya naman, ginawa ko na ang madalas kong ginagawa sa iba kapag nagmamasahe ako.
Since the last five months ay nagpa-part time ako rito sa isang hotel and spa. I worked in New York, kasama ang pinsan ni mama roon. Doon ako pinatira kasama nila.
I can say that I felt successful. But I didn't feel fulfilled.
Kaya naman, umalis ako sa ospital. I asked permission from tita Lany, at pumayag naman siya sa gusto ko.
"Pero hindi ko na mapapangako ang pagbalik mo rito sa New York.." Sabi niya.
Tumango lang naman ako. I looked outside the window. It's nearing winter. Malapit nang mag Pasko.
Wala naman akong planong bumalik pa rito. I want to go back to the Philippines, live in the comfort of my own family and my own home, feel the scorching warmth of the tropics.
And to see him.
I wanted to apologize. Because I was such a wreck. I didn't understand yet. I didn't trust him enough to stick around.
I was immature. I only thought of myself back then.
Pero nang nawala na siya sa piling ko, at namuhay akong wala siya, at nang mas pumatak lang nang pumatak ang mga taon sa edad ko, I realized that love really accepts.
And he accepted me way back then.
I wonder if he can accept me again now?
Nagulat naman ako nang tumunog ang cellphone niya. Agad akong umalis sa pagkakapatong sa likod niya.
Inangat niya ang ulo niya at kinuha ang cellphone niya. And I listened, while pretending to be busy wiping my hands.
"Yes. I'm coming home. After this."
Lumunok naman ako. Who might it be? Is it his mother? Si tita ba ang tumatawag sa kanya?
"Okay fine I'll bring you here so you can relax from work."
Nagha-handle pa rin pala ng negosyo si tita hanggang ngayon? But she's old. She should be resting.
Pero busy din ang anak niya, kaya siguro'y para praktikal ay kinakaya niya. She's very strong. Her inner strength boils her body to work.
"Yes, babe. Be good too. Later. I love you."
At nag-ingay ang nabitawan kong bote ng oil sa sahig.
🌹